DAPAT MONG MALAMAN
- Dismayado ang mga progresibong grupo sa hatol na reclusion perpetua kay Alexa Pacalda, na ilegal na inaresto noong 2019 sa mga gawa-gawang kaso.
- Ang sitwasyon ni Pacalda ay nanggaling rin sa nagpapatuloy na militarisasyon sa lalawigan ng Quezon.
Ang istoryang ito ay isinulat nina Ian Raphael Lopez at Reuben Pio Martinez.
Sinasalamin ng kinahinatnan ng human rights worker na si Alexa Pacalda ang bulok na hustisyang panlipunan sa Pilipinas.
Ito ay ayon sa mga progresibong grupong dismayado sa naging desisyon ng Lucena Regional Trial Court (RTC) kahapon, ika-15 ng Marso, na hatulan ang dating campus journalist ng reclusion perpetua batay sa gawa-gawang kaso ng ilegal na pagmamay-ari ng armas at pampasabog.
“The decision made by the court only shows the true nature of our justice system – courts that deliberately ignore the basic principles of justice, and the fundamental rights of the people whilst willfully bowing down to the interests of the rich and powerful,” saad ng grupong Free Alexa Pacalda.
Nanawagan naman sa College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP) sa isang pahayag na irekonsidera ng korte ang naging desisyon. “Accordingly, the Lucena RTC must fulfill its mandate of protecting people’s rights and liberties. The court must never become the state’s tool for the oppression of its interests.”
Ayon naman sa CEGP-Southern Tagalog, dapat na pinagpupugayan ang naging desisyon ni Pacalda na magsilbi mula sa pagiging mamamahayag patungo sa isang full-time worker sa mga komunidad.
Matatandaang dinakip si Pacalda noong Set. 14, 2019 sa gitna ng isang human rights orientation sa mga magsasaka sa Brgy. Magsaysay, sa bayan ng General Luna. Idinetalye rin ng mga taga-suporta ni Pacalda ang kinaharap niyang pambubusabos sa puder ng mga puwersa ng estado at ang kuwestiyonableng pagkaantala ng desisyon sa kaso ni Pacalda.
“In the hands of the AFP, she experienced psychological torture by being forced to sign an affidavit of voluntary surrender as a member of the NPA. The slow justice system has also resulted in her incarceration for almost three years despite the lack of truth behind the evidence,” dagdag pa ng CEGP.
Saad ng CEGP, manipestasyon rin ng nagpapatuloy na militarisasyon sa lalawigan ng Quezon ang pagkaaresto kay Pacalda, lalo na sa ilalim ng 201st Infantry Brigade at ng 85th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dagdag pa ng grupong Free Alexa Pacalda, hindi sa desisyong ito nagtatapos ang laban para sa tunay na hustisya. “While tyrants and fascist celebrate in glee, we assert that we will not cower in fear and we will carry on in fighting for Alexa’s immediate freedom.”
Si Pacalda ay nagsilbing business manager ng The Luzonian, ang pahayagan ng mga mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa Lucena, Quezon. Kasabay nito, nakilala rin siya bilang miyembro ng lokal na balangay ng Gabriela Youth at sa kaniyang pagiging human rights worker sa lalawigan.


