DAPAT MONG MALAMAN
- Ang UPLB VC ay ang largest sports and recreational organization sa unibersidad na nangungunang katuwang sa mga athletic trainings at events gaya ng Palarong UPLB.
- Ilan sa mga proyektong isinasagawa ng organisasyon ay ang ‘PUBE’, ‘Most Promising Volei’, at Volleyball Grand Prix na naglalayong ipagpatuloy ang pagtangkilik ng mga mag-aaral sa larong volleyball.

Matapos ang mahigit dalawang taong limitasyon sa larangan ng volleyball sa unibersidad dulot ng pandemya, inaasahang manununumbalik ang sigla nito sa pangunguna ng UPLB Volleyball Club (UPLB VC).
Ang UPLB Volleyball Club ay ang tinaguriang largest sports and recreational organization sa unibersidad na itinatag noong July 2004. Sa kasalukuyan, ang organisasyon ay mayroong 123 na miyembro sa paggabay ng kanilang mga adviser na sina Leonora Dirain at Ronilo Jose Flores.
Kilala ang organisasyon bilang isa sa mga nangungunang partner organization sa mga campus-based activities, athletic trainings, at events tulad ng Palarong UPLB at iba pang collegiate-based competitions.
Matatandaang pinatigil ng UPLB admin ang pagsasagawa ng anumang on-site physical activities ng iba’t ibang organisasyon kung kaya’t naantala ang nakahaing mga programa ng UPLB VC sa patuloy na pagsulong at pagkilala nito sa larong volleyball.

Ayon kay Jake Elmer Senosa, UPLB VC Secretary, malaki ang naging epekto ng pandemya sa organisasyon matapos nitong mabulilyaso ang mga nakaplanong programa at aktibidad para sa komunidad ng UPLB.
“The limitations of online setup really hinders the org’s activities. We were not able to conduct tournaments, volleyball plays, etc. But we were still able to conduct FRAs, orientation, and internal events amidst the pandemic,” saad niya.
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ng organisasyon sa mga nakatatandang miyembro nito dahil sa kanilang pangunguna sa pagbabalik ng face-to-face setup para muling buhayin ang mga proyekto ng UPLB VC.
“The transition from online setup to F2F setup is not so easy since most of the resident members are now composed of online batches so we need to get acquainted first and learn the physical activities of the org pre-pandemic. But thankfully, our seniors really did help us and guide us with the transition,” pahayag ni Senosa.
“The organization became closer I can say because of the little interactions when meeting physically,” dagdag niya. “The organization, as we grow in terms of number of residents, needs to engage more each and every member so no one will feel left out or estranged from the organization.”

“The organization helped me interact with other people in college, especially when I entered UPLB during the online learning setup. It nourishes my social skills along with my organizational skills and the organization, itself, helped me ease my academic stress,” pahayag naman ni Senosa sa naging kontribusyon ng organisasyon sa kaniya.
Bago pa man ang pandemya, nagkaroon din ng pagkakataon ang organisasyon na magdaos ng isang friendly game kasama ang DLSU Volleyball Club at UP Diliman Volleyball Club, kung saan kanilang ipinamalas ang kanilang talento at passion sa sports sa labas ng campus.
Ilan sa tagumpay na naisagawang proyekto ng UPLB VC ay ang Pila Ultimate Bonding Experience o ‘PUBE’, isang beach volleyball tournament na idinaos noong nakaraang Hulyo 2022, at ang ‘Most Promising Volei’, isang tutorial at tournament para sa mga rookie players ng volleyball noong Nobyembre 2022.
Muli namang magbabalik sa eksena sa darating na Abril 15 ang Volleyball Grand Prix, ang taunang tournament sa pagitan ng mga organisasyon sa UPLB na naglalayong bumuo ng malusog at matibay na relasyon sa pamamagitan ng paglalaro ng volleyball. #



You must be logged in to post a comment.