Welcome sa Devcom, mga bagong Iskolar ng Bayan! Narito ang isang gabay tungkol sa iyong magiging kurso sa UP Los Baños.

Kuha ni Angelo del Prado

… It is the science of human communication linked to the transitioning of communities from poverty in all its form to a dynamic, overall growth that fosters equity and the unfolding of human potential.”

Dr. Nora C. Quebral (2011)

Q: Ano nga ba ang Development Communication?

A: Ang BS Development Communication ay isang four-year bachelor’s degree program mula sa College of Development Communication (CDC). Ito ay kilala bilang isa sa mga nangunguna sa pag-aaral at pagsasaparaktika ng larangan sa buong mundo. 

Layon nito na linangin ang mga mag-aaral sa komunikasyon at koneksiyon nito sa pag-unlad, sa pamamagitan ng partisipasyon at inklusibong pakikipag-ugnayan, paghubog ng mga isipan, at paglikha ng bagong kaalaman.


Kuha ni Dan Alexander Abas

Q: Ano ang kaibahan ng Devcom sa UPLB?

A: Mula sa isang dokumento noong 1971 na pinamagatang “Development Communication in the Agricultural Context”, nagsimula ang Devcom Los Baños Style sa pangunguna ni Dr. Nora Quebral. Ayon kay Dr. Quebral noong 2011, mayroong anim na katangian ang Devcom sa Los Baños:

  • Ito ay tumutukoy sa personal na pagpapalitan ng impormasyon.
  • Ito ay ang pagsasama ng prosesong pangkaunlaran at ng proseso ng komunikasyon.
  • Nasa laylayan o mga marginalized communities ang nais matumbok ng Devcom.
  • Dala nito ang tiyak at planadong pagbabago na nagsisimula sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
  • Ang komunidad ang kadalasang inaaral, imbes na ang indibidwal.
  • Karamihan ng mga programa ay natatanggap sa labas ng paaralan o sa pormal na edukasyon.

Kuha ni Dan Alexander Abas

Q: Ano ba ang kultura ng mga mag-aaral sa Devcom?

Malawak ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga student institutions, organizations, at maging sa extension programs ng kolehiyo. Narito ang listahan:

Student institutions

  • CDC Student Council: Ang pangunahing kinatawan ng mga mag-aaral ng kolehiyo
  • CDC Freshman Council*: Itinatag upang pagsilbihan ang mga Freshmen, Shiftees & Transferees (FST).
  • Tanglaw*: Ang pahayagan ng mga mag-aaral ng Devcom at kauna-unahang college student publication sa UPLB.

* Hindi pa opisyal na kinikilala ng administrasyon.

Student organizations

Research at extension programs


Q: Gusto ko pang magbasa tungkol sa Devcom, may mairerekomenda ka ba?

A: Para sa dagdag na sanggunian, maaring konsultahin ang mga sumusunod.


■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya