Ang panayam na ito ay isinagawa ni Raleign Pia Camarillo.
Isinagawa ang panayam sa SAKBAYAN sa pamamagitan ng Zoom noong Miyerkules, Mayo 10. Dumalo dito sina Angelo Antipuesto at Leo Verdad.
INTERVIEW GUIDELINES
- Maaaring gawin ang panayam nang face-to-face o online, depende sa mapag-uusapan ng Tanglaw Editorial Board at ng campaign manager.
- Ang panayam na ito ay ididirekta sa buong partido, at nasa partido ang desisyon kung sino ang sasagot sa kada tanong.
- Mayroong sampung (10) tanong na ihaharap sa parehong partido, at apat (4) na bukod na tanong at patungkol sa karakter at mga isyu sa kada partido.
- Bibigyan ang partido ng dalawang (2) minuto upang sagutin ang bawat tanong.
- Ang magiging sagot sa panayam ay pinal at hindi na kikilalanin ng pahayagan ang anumang paglilinaw matapos masagot ang isang tanong.
DAPAT MONG MALAMAN
Pindutin ang tanong upang dumiretso sa buong transcript ng naging sagot ng mga kandidato.
General questions
Batid ng partido na kanilang paiigtingin ang panawagan sa lokal at university-wide administration ang pangangailangan ng mga social health services. Sila rin ay magsasagawa ng Participatory Rural Community Appraisal (PRCA) para masinsinang matukoy ang mga problema ng constituents.
Dagdag pa nila ang layunin para magkaroon ng health kit sa mga annex ng kolehiyo na naglalaman ng mga suplay na medikal at upang magawa ito, sila ay magsasagawa ng mga fundraising activities.
Ayon sa partido, kilala sila bilang mga estudyante na parte rin ng iba’t ibang organisasyon pero hindi iyon makakahadlang sa kanilang mithiin na pagsilbihan ang sangkaestudyantehan.
Tiniyak ng tumatakbong Vice Chairperson na kaniyang ihahain ang kaniyang inactivity letter sa isang organisasyon upang bigyang prayoridad ang magiging termino sa konseho kung siya ay mahalal. Naniniwala rin ang partido na kung saan sila mas tinatawag ay doon nila mas pagtutuunan ng pansin ang pagseserbisyo ngunit dapat tiyakin na walang masasakripisyong responsibilidad.
Masisigurado ng partido ang student representation sa paraan at karanasan ng komunikasyon ng incumbent student council sa lokal na administrasyon ng CDC at sa Office of the College Secretary. Dagdag pa nila ang naging tagumpay ng dating student council sa pangunguna sa pagbuo ng committee para sa ligtas na balik eskuwela. Dagdag ng partido na kanilang malakasang ihahayag ang mass mobilizations.
Gustong panatilihin ng SAKBAYAN ang pagiging pro-active at progressive ng kasalukuyang konseho tungkol sa gender inclusivity. Ipinangako rin ng partido ang pagiging tuloy-tuloy sa pagkilos sa paraan ng paglatag pa ng mga programa mula umpisa hanggang dulo ng taon.
Itutuloy umano ng SAKBAYAN ang pagbabandera ng kasalukuyang CDC-SC ng mga isyu patungkol sa gender inclusivity. Sisiguruhin naman nila ang pagiging “consistent” ng kanilang pamamalakad hanggang dulo ng semestre.
Q: Ano ang plano ng inyong partido pagdating sa student spaces sa loob ng kolehiyo?
Plano ng SAKBAYAN na maipagpatuloy ang komunikasyon sa lokal na administrasyon patungkol sa pagpapatayo ng mga espasyo para sa Tanglaw at pagsasaayos ng mga tambayan ng organisasyon sa loob ng kolehiyo. Dagdag pa nila na magiging suhestiyon ng partido ang pagbabawas ng burukrasya sa mga laboratories sa kolehiyo para sa madaliang akses nito sa mga nangangailangan mga estudyante.
Binanggit ng partido ang ilang kaso ng paniniktik sa mga mga alagad ng midya at ang pagpapakita nito ng kahalagahan sa pagpapaigting ng esensya ng Development Communication. Nakikita ng SAKBAYAN na magiging magkasangga’t magkatulungan ang konseho at Tanglaw, pero dapat kaakibat pa rin nito ang pagiging ‘watchdogs’ at pagbibigay-kritisismo sa pamamalakad ng konseho.
Plano ng partido ang pagkakaroon ng educational discussion patungkol sa gender inclusivity. Minimithi rin ng partido na makabuo ng Gender Rights and Gender Welfare Committee sa pagpupulong kasama ang administrasyon at pakikipagugnay sa Office of Anti-Sexual Harrassment (OASH). Tinitiyak nilang palalakasin pa ang kampanya at mariin na iimbestigahan ang kaso ng sexual harassment o anumang kaso na lumalabag sa karapatang-pantao.
Nagbanggit ang partido ng ilang kaso ng panreredtag sa pamantasan at ang kanilang panawagan na “hold the line” at ang pag-kabit sa kanilang prinsipyong natutunan sa Devcom. Isa rin sa laban bilang estudyante ng Devcom na ayon sa partido na mayroon tayong kakayahan na labanan ay ang laganap na misimpormasyon at disimpormasyon.
Upang isulong ang mga panawagan, hinihingi rin ng partido ang suporta at tulong mula sa mga Devcom constituents. Nakakasiguro ang partido sa pangangampanya laban sa iba’t ibang mga problema dahil sa mga alyansa ng iba’t ibang student progressive groups. Dagdag pa ng partido na kanilang pinapahalagan ang militant action, grassroot representation, at collective leadership at kung sa kaling mahalal ay ang kanilang magiging interes ang pangangailangan ng mga estudyante.
Party-specific questions
Ayon sa partido hindi lang sila “campaign-based” kundi “project-based” din. Mula sa PRCA na magiging masinsinang pagtukoy sa problema ng constituents patungo sa paghingi ng alalay sa admin at constituents ang madiin na isusulong ng partido. Sinisuguro rin nila ang komprehensibong report na mula sa CDC Representative to the USC.
Ayon sa partido, may mga valid na rason ang dating mga student-lider kung bakit sila nagbibitiw sa pwesto. May mga polisiya umanong ‘repressive’ noon na talagang humadlang sa kanilang pagseserbisyo upang mas tuunan ng pansin ang pag-aaral at ilang mga responsibiladad. Sa kasalukuyan, panawagan nila ang dekalidad na Ligtas na Balik Eskuwela. SInisiguro naman nila ang kanilang magiging prayoridad ang konseho kung maihahalal.
Nanghihingi naman ng tulong ang partido sa Tanglaw at sa Devcom constituents na maging patas ang pagpuna sa konseho, upang mula doon ay malutas at maitama ito. Mainit naman ang pagtanggap ng partido sa mga kritisismo at kahit sila ay magiging strikto sa mga kasaping lalabag sa kanilang prinsipyo.
Q: Kung sakaling kayo ay hindi palarin, paano kayo magsisilbing watchdog ng mauupong partido?
Pagsasabi ng katotohanan at pagaalok ng tulong sa konsehong mahahalal ang paraan ng partido kung sakaling hindi palarin manalo. Magiging bukas sila sa mga panayam ng publikasyon pati na rin bukas sa kanila ang pagboboluntaryo sa magiging konseho.
TRANSCRIPT NG PANAYAM
General questions
TANGLAW: Sa gitna ng nagpapatuloy na transisyon patungong full face-to-face classes at sa hindi pa masawatang banta ng pandemiya, ano ang plano ng inyong partido tungkol sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mag-aaral ng Devcom?
ANTIPUESTO: Nakalagay po sa aming GPOA na kami po muna ay magsasagawa ng masinsinang PRCA o Participatory Community Rural Appraisal kung saan makikita natin, doon natin matuturol kung ano nga ba ang totoong pangangailangan at problema ng ating mga ka-constituents.
Patungkol naman sa COVID cases, highly suggested and encouraged ang magkaroon ng mass testing, but never imposed dahil may sariling pagpapasya naman ‘yong ating mga constituents at patungkol naman ay siyempre panawagan natin na maka-clinch tayo ng promise sa local admin pati sa univ-wide na paigtingin pa ‘’yong pangangailangan sa mga social health services. Dahil tayo po mismo, nu’ng nagpa-rapid test po tayo ng P239 sa UPLB University Health Service at hindi na po tayo nakakasigurado na ang mga serbisyo na ‘to ay patuloy pa rin na pang-masa o, pa’no ba, free kumbaga.
VERDAD: Dagdag ko lang rin na kasama sa GPOA ng SAKBAYAN CDC sa pagpapahalaga ng kalusugan ay ‘’yong pagkakaroon ng health kit sa mga annex para mas mabigyan ng malapit na access ‘yong mag-aaral natin sa kolehiyo sa mga pangunahing medical na pangangailangan. Parte ng health kit sa CDC tulad ng gamot, Bandaid, bulak, alcohol, at face mask.
Atsaka sisikapin nating magkaroon ng FRA, katulad ng ginawa ng Freshman Council ngayon na nagtinda sila, nagkaroon sila ng sticker selling, donation drive o di kaya basking for a cause o pagbebenta ng food products, para tayo ay makapagpondo para doon sa ilalaman ng ating health kit na ilalagay sa CDC. At siyempre, ‘’yong tuloy tuloy na panawagan na #LigtasNaBalikEskwela pero iniaayon na natin ito sa kasalukuyang kalagayan natin dito sa kolehiyo.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Batid namin na aktibo kayo sa iba’t ibang mga organisasyon at kasabay rin nito ang ating responsibilidad bilang mga estudyante. Paano matitiyak ng mga mag-aaral ng Devcom na magagampanan mo ang iyong tungkulin sa konseho?
VERDAD: Ngayon na meron tayong mabigat na trabaho na tinatakbuhan ngayon sa konseho at pagiging miyembro ng UP ComBroadSoc ay isasaalang-alang natin na ang unang priority ko bilang Vice Chairperson ay paglingkuran ang council kasama na dito ang CDC. Pagdating doon sa agam-agam tungkol sa responsibilidad to be transparent ay tayo na po ay magfi-file ng inactivity letter sa UP ComBroadSoc para mas maging priority natin ang pagseserbisyo sa mga estudyante ng CDC.
ANTIPUESTO: Dagdag na lamang ‘no, kilala po tayo ‘no sa batch natin na talagang BS Org. Dalawa ‘yong konseho natin, CDC-SC at KSUP [KASAMA sa UP, alyansa ng mga student councils sa unibersidad –Ed.], at marami pang organization.
Turo sa atin sa SAKBAYAN ay kung saan ka mas kailangan, doon ka magbibigay ng serbisyo at sariling pagpapasya na talaga pero sisiguraduhin natin na walang compromise na duty at magiging transparent naman tayo sa mga constituents natin, sa co-council mates natin na kung saan tayo gagaod ay doon tayo gagaod. At nandito naman ‘yong mga ibang ka-constituents natin na to be transparent na tumulong din kung ‘yong mga workload natin ay mabigat na at doon tutungo ‘yong collective leadership na tulungan talaga na tinuturo sa SAKBAYAN.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Paano mo masisiguro na magkakaroon ng sapat na representasyon ang mga estudyante sa pagdedesisyon ng UPLB o CDC administration?
ANTIPUESTO: Nakakasigurado naman tayo na laging magkakaroon ng student representation, sa local admin natin muna, dahil nababatid natin na for the longest time with Dean [Teya] Tirol, we have always communicated with her together with the OCS [Office of the College Secretary] efficiently. Nakaraan nu’ng pandemic, nu’ng nakaupo pa si Chair Seth Pagulayan, nakausap natin si Dean together with USC Chair na si Sieg Severino na tayo pa mismo sa CDC ang unang nagkaroon ng committee para sa ligtas na pagbabalik eskwela. Nagpatuloy ‘’yong mga gano’ng practices na nahatak tayo na mismo sila Dean, OCS, at mga kaguruan ay tiyak na nilalapitan tayo para sa mga suggestions, commentaries, at iba pa.
VERDAD: Dagdag na rin ‘no, mula sa SAKBAYAN ay prinsipyo na rin natin na, although may mga representasyon tayo sa Board of Regents, sa USC, at sa mga nauupo doon sa admin natin, isa sa mga inihahayag ng SAKBAYAN is ‘yong mobilizations o mass movement mismo na nagmumula sa ating mga estudyante kasi hindi naman magkakaroon ng polisiya o wala naming mailalabing polisiya sa administration kung hindi mismo ang mga estudyante ang mananawagan para dito kaya mas mabuti na mas tuunan natin ng pansin ang mass movements na galing sa ating mga estudyante.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Ano ang nakikita ninyong isyu sa kolehiyo na humahadlang sa pang-akademikong kalayaan at paano ninyo ito matutugunan?
ANTIPUESTO: Pang-unang problem na kinakaharap ngayon ng mga constituents natin talaga ‘no ‘yong kakulangan sa espasyo for the art students, for the organizations, for the CDC-SC Council itself, for the Tanglaw. Tayo ay, well, sa CDC ay may opisina kami pero napakaliit walang resources. For the Tanglaw, wala pa ring opisina hanggang ngayon although ando’n pa rin ‘’yong patuloy na institutionalized together with the local admin, maraming salamat din sa admin.
Pangalawa, siyempre, laboratories natin, pumasok tayo ng first na andon ‘yong laboratories pero ‘’yong mga computers ay hindi talaga nagagamit optimal. Tapos ‘yong sa mga prod works natin, ‘’yong mga courses natin na need ng cameras ay nagkakaagawan at nagkakaubusan. Pangalawa [Pangatlo] ‘yong agam-agam ngayong, trigger warning, ‘’yong usaping sexual harassment at siyempre ‘yong panawagan natin do’n na makikipag-work tayo with the admin, with the alumni association na matugunan ‘yong mga gano’n in terms of finance para ‘’yong mga constituents natin ay makagamit at umarangkada sila sa mga kurso nila.
VERDAD: Siguro isa sa mga humahadlang talaga para sa ating academic freedom is ‘’yong abrogation ng UP-DND Accord, kasi walang matibay na pinanghahawakan sa ating academic freedom kung hindi mismo ‘’yong UP-DND Accord na nagpoprotekta para sa pang-akademikong kalayaan natin ay tinanggal at inalis na. Kaya tayo sa SAKBAYAN ay naniniwala tayo na sana ibalik muli ‘’yong UP-DND Accord.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Kung may pananatilihin o babaguhin kayo sa naging pamamalakad ng kasalukuyang Student Council, anu-ano ito at bakit?
ANTIPUESTO: Ang gusto naming panatilihin sa pamamalakad ngayon ng student council ay pagiging proactive at progressive patungkol sa gender inclusivity. Noong nakaraang General Assembly of Student Council (GASC) ay nakapag-submit tayo ng resolution at ito ay naaprubahan. May mga nakakarating samin na mga reports na ‘yong mga transgender Devcom students ay naka-experience ng mga micro aggressions at noong mga nakaraang buwan ay may mga sexual harassment cases. Ang ganitong practices ay gusto nating paigtingin ‘yong mga call talaga for a gender-inclusive college at university and also UP System-wide.
VERDAD: Nasagot na ‘yong pagpapanatili, tungkol naman sa babaguhin sa kasalukuyang student council, Siguro ay ‘yong pagiging consistent until the last months ng semester at ‘yong pagkilos at pagkakaroon ng mga programa para sa mga students natin sa CDC.
Ngayon ramdam naman natin na medyo busy talaga ‘yong mga miyembro ng student council natin pero mabigat kasi ‘yong responsibilidad at trabaho ng pagiging student leader at sana maging consistent sa trabaho, paggaod, at pakikisalamuha natin sa mga miyembro ng ating kolehiyo. Kaya ngayon kung sakali mapagbigyan, masasabi ng SAKBAYAN CDC na magiging consistent tayo until the end of our term.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Ano ang plano ng inyong partido pagdating sa student spaces sa loob ng kolehiyo?
ANTIPUESTO: There is an approved resolution sa GASC stating na paiigtingin pa ‘yong mga call sa mga student spaces UP System-wide. Sa local admin ng Devcom ay naka-clinch tayo noong former sem ng mga ongoing plans ni Dean together with an architect friend.
Currently ‘yong quadrangle, ‘yong left-side ng tambayan ay on the works- planning for student pubs and student spaces and ‘yong tambayan naman nakakuha tayo ng suporta na mairerenovate ito katulong ng Alumni Association dahil ang mga espasyo na ‘yon ay may kakulangan pa. Need din natin ng support mula sa mga constituents natin kung may mga ideas sila, suggestions, comments na maipaparating sa CSL. It would really help the admin in knowing what to do in their part.
VERDAD: Isa rin sa factors sa pagbibigay ng student spaces is ‘yong pagiging accessible ng library, ‘yong ating mga facilities tulad ng studio room, reading room, pati na rin ‘yong media lab natin. Siguro isa sa magiging suhestiyon ng SAKBAYAN CDC ay bawasan ‘yong burukrasya sa pagpapasok sa mga estudyante. Alam naman natin na medyo mabagal ‘yong internet natin sa loob ng kolehiyo. Isa ‘yon sa mga factor kung bakit hindi makapag-register noon ‘yong mga students para makapasok sa mga facilities. Imumungkahi natin na kahit papaano ay bawasbawasan ‘yong bureaucratic process sa pagpasok sa CDC facilities.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Bilang mga development communicators, ano ang pagtingin ng inyong partido sa press freedom? Sa lebel ng ating kolehiyo, ano ang nakikita ninyong relasyon ng Student Council at ng bagong-tatag na Tanglaw?
ANTIPUESTO: Nakikita namin ‘yong current and future CDC together with the Tanglaw ay dapat talagang side-by-side na nagwo-work together kasi for how many months nakita natin ‘yong pagatake at paniniktik ng estado. For example nalang ay ‘yong pagpatay kay Percy Lapid, ‘yong panreredtag sa UPLB Perspective at panawagan po natin together with the local and univ-wide publications, the UP System-wide publications, kasama na din po ang PDCSN o Philippine Development Communication Students Network ay mas papaigtingin namin ang esensya ng Devcom, panunulat, ‘yong esensya ng as Devcom practitioners ay tayo ‘yong watchdog ng gobyerno.
VERDAD: Isa na siguro ‘yong factor ng magiging relationship ng konseho at Tanglaw, ay ‘yong pagiging watchdogs, at pagho-hold sa accountability ng miyembro ng konseho. Kaya maganda ‘yong pinapakita ngayon ng Tanglaw na ini-interview ‘yong bawat kandidato tungkol sa kanilang mga GPOA pero at the same time gusto ko rin i-emphasize na bilang kayo ‘yong aming mga watchdogs ay mas gugustuhin ko na i-criticize ‘yong council tungkol sa pamamalakad nito at the same time tutulungan namin kayo sa magiging hakbang para mas mapabuti pa ‘yong kalagayan ng ating mga student dito sa CDC.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Kasabay ng ulat ng Tanglaw tungkol sa sexual harassment cases sa kolehiyo, ano ang plano ng inyong partido tungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan laban sa mga ganitong banta?
ANTIPUESTO: ito po ay naisulat ng aming college representative to the USC na si Juthea Gonzales na wala po ngayon pero sa alang-alang niya, babasahin ko po ang patungkol dito:
“Ito po ay pagbibigay diin sa mga safe spaces at gender inclusivity ng ating kolehiyo. Magkakaroon ng educational discussion para sa mga mag-aaral ukol sa pagpapalaganap ng gender inclusivity. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng sensing forms sa mga nakakaranas at sisikapin rin magpaupo ng miyembro ng Gender Rights at Gender Welfare Committee sa mga pagpupulong ng admin para maitaas ang mga hinaing ng mga estudyante. Kasama rin dito ang pakikipag-ugnay sa UPLB Office of Anti-Sexual Harassment o OASH”
VERDAD: Dagdag ko na rin ‘no, bilang nakapaghawak na ng kaso ng sexual harassment ng isang Devcom student ay magiging swift tayo pagdating sa mga action na katulad nito na dapat hindi tino-tolerate dahil naniniwala tayo na ito ay paglabag nga sa ating karapatang pantao. Tayo sa CDC SAKBAYAN ay itataas ang diskurso, papalakasin ‘yong kampanya lalong-lalo na sa mga kababaihan at miyembro ng LGBTQIA+ community at i-oversight ‘yong pag deliberate tungkol sa kaso na hahawakan natin.
Merong protocol na pinapatupad ang OASH tungkol sa mga kasong tulad nito na very sensitive. Makikipagtulungan tayo sa kanila pero tayo sa SAKBAYAN, anumang kaso ay iwe-welcome natin, pag-aaralan, iimbestigahan at kung ano man ang maging konklusyon ng kaso, sa tulong ng mga ekspertong makakasama natin sa OASH, ay ipapabatid natin sa mga estudyante ng CDC.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan, ano ang nakikita ng inyong partido na papel nating mga development communicators?
ANTIPUESTO: Talagang we will connect our principles rooted in Devcom. ‘yong nakikita nating problema sa lipunan ay ‘yong panre-redtag o paniniktik ng estado sa mismong sangkaestudyantehan o progresibong organisasyon, fraternities, sororities, publikasyon, at konseho.
Kamakailan lamang noong nag-GASC kami noong February sabay-sabay at pinagtahi-tahi ‘yong mga problema talaga ‘no. nangyare ‘yong panre-redtag ng mga doctor sa UP Manila, kamakailan lang ‘yong panre-redtag ulit sa UP Baguio at panawagan natin talaga sa mismong partido o hanay natin bilang sangkaestudyantehan may political party o wala, hold the line kasi dito tayo sinusubok ng estado na tama nga ba ‘yong mga prinsipyo natin, magpapatikom nalang ba tayo sa kanila o lalaban tayo gamit ang mga karunu’ngan na natututunan natin sa Devcom.
VERDAD: Dagadag ko na rin siguro bilang development communicators, isa rin sa laban natin is ‘yong tungkol sa disimpormasyon at mis-impormasyon lalong lalo na sa social media. Ito ‘yong expertise natin pagdating sa communication at information management.
Development communication tayo ay very value-laden at pragmatic pero at the same time, we have the skills para i-correct ‘yong mga maling nakikita natin sa social media at pati narin sa pakikipagsalamuha sa mga estudyante. ‘yong laban sa disimpormasyon ay hindi lang centralized, hindi lang local pero national level na. Nagiging national level na siya kaya bilang development communicators tayo ay may malaking kontribusyon para labanan ang anumang disimpormasyon na nakikita natin.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Paano magiging daan ang inyong konseho para maisulong ang mga panawagan ng mga mamamayan at batayang sektor na ating pinaglilingkuran?
ANTIPUESTO: Magiging daan lang ‘yong konseho natin ‘pag tinulungan tayo ng mga constituents natin dito sa Devcom. Kasi nakikita natin na may problema talaga sa pagpapatakbo sa konseho at ‘don mismo sumasalamin ‘yong problema natin sa Devcom na what’s in it for the council, what’s in it for our constituents pero sa mga usaping community rights and welfare, nakakasiguro tayo through the alliances of the youth advocate peace for justice, NUSP, LNBE, Rise for Education na pagtatahi-tahiin natin ‘yong mga kampanya na ‘yan.
Makikita naman talaga sa SAKBAYAN for how many months at years na ‘yong mga campaigns na ‘yan, mga bugso-bugsong problema ay natutugunan natin. For example na lamang noong buwan ng Agosto last year, hanggang ngayon ay nandyan pa rin ‘yong problema ng pagsasagawa ng Ahunan Dam sa Pakil Laguna at tayo mismo ay naka-attend sa public hearing at sinuportahan natin ‘yong boses ng masa.
VERDAD: Magiging daan ‘yong konseho unang-una sa pagmo-mobilize ng mga campaigns natin sa CDC na iaangat natin papunta sa admin. Tayo naman sa SAKBAYAN CDC, pinapahalagahan natin ‘yong prinsipyo na militant action, grassroot representation, at lalong-lalo na ang collective leadership. Ang pamumuno ng CDC ngayon ay kinabibilangan ng iba’t ibang miyembro ng organisasyon at may tiwala ako sa lahat ng magiging konseho sa susunod na termino na magiging interes natin, namin, ay ‘yong magiging pangangailangan nu’ng mga constituents natin sa CDC at mga sector natin dito sa lipunan.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
Party-specific questions
TANGLAW: Paano masisiguro ng mga mag-aaral na ang inyong pangunahing mandato at isusulong na interes ay manggagaling sa inyong Devcom constituents?
ANTIPUESTO: Babalikan po natin ‘yong GPOA na talagang masinsinang pagturol sa pangangailangan at problema ng ating mga constituents. ‘Di lang po tayo campaign based pero project based din po tayo na mula’t mula sa kurso nating Devcom, andon ‘yong PRCA na gustong isulong natin under the students rights and welfare ‘yong participatory rural community appraisal and from that we would see the needs and problems and by that baka- hindi po “baka” pero makakasiguro po tayo na together with the help of the admin, our constituents, organizations, publications, and the council na there are ways to move forward from these so called problems and needs.
VERDAD: Dagdag ko rin, isa sa naging parte ng plano ng ating college representative to the USC na si Juthea Gonzales is ‘yong pagkakaroon ng lokalisadong report tungkol sa mga resolusyon, kaganapan o di kaya mga proyekto ng USC mula sa kanya mismo. Sabi niya ay magkakaroon ng komprehensibong report mula sa CDC representative at ibibigay niya ito sa taking student publication, ipapaskil sa bulletin board, at ipopost sa ating social media pages.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Karamihan sa inyong mga dating lider na naihalal sa Devcom ay nagbitiw sa iba’t ibang mga kadahilanan. Ano ang inyong palagay sa mga agam-agam ng mga mag-aaral sa commitment ng mga mahahalal?
ANTIPUESTO: Hindi siya agam-agam, there are facts talaga mga personal reasons. Isa nito ang mental health reason at financial reason. Sobrang bigat ng mga academics nu’ng past semester at kung tuturulin natin kung ano ang mga rason na ‘to may mag repressive policies noon na may mga micro-aggressions din ngayon. Siyempre ang panawagan natin dito ay ‘yong dekalidad na ligtas na pagbabalik eskuwela lalo na ngayon ang daming COVID cases pero hindi pa rin tumutugon sa pangangailangan ng mga constituents natin na mag-online.
Although itong suggestion na ‘to, ‘yong pagtransition sa online dapat talaga pero ito ay suggestion lamang ngunit ang dami na kasing cases na nag-quarantine subalit ang tugon palang ng admins ay forms. When you get to the point na magre-release ka na ng datos, ang dami nang nagkakahawaan, ang dami nang nagi-incubate. Panawagan natin sa admin ay “hold the line, act now.”
VERDAD: Tungkol ‘don sa agam-agam, pero una sa lahat, we don’t want to invalidate ‘yong mga naging desisyon ng dati nating student leaders, siguro may mga factors na nakaapekto dito lalong-lalo na ang mental health status. Pero para maibsan ‘yong agam-agam tungkol sa pagba-backout o pagre-resign kung sakaling manalo ang ating konseho, sisiguraduhin ko mismo na ako ay magiging aktibo sa CDC council.
Susuportahan natin ‘yong mga ilo-lobby natin na polisiya. Katulad ng nasabi ko kanina, meron akong tatlong organisasyon at lahat ‘to ay aktibo ako sa ngayon pero kapag naging ihalal na Vice Chairperson tayo, mas pagtutuunan natin ng pansin ay ang council mismo. Ituturing natin ito bilang isang trabaho. Iba-balance natin ang pagiging estudyante at student-lider.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Sa Diliman ay nagkakaroon ng diskusyon patungkol sa mga benepisyo at pagkukulang ng mga alyansang katulad ng SAKBAYAN. Paano ninyo masisiguro ang pagkakaisa ng alyansa kasabay ng pagpapanatili ng accountability?
ANTIPUESTO: Sa pagkakaroon ng credibility at accountability sa ating patakbo at sa mga uupo na rin ‘di lang mismo sa SAKBAYAN pati na rin sa ibang political party ay nanghihingi talaga kami ng tulong mula sa mga publikasyon, ka-constituent nila, at sa mga sangkaestudyantehan na criticize din fairly para malaman kung ano ‘yong mga pagkukulang namin at mula ‘don ay magagawan natin ng paraan to move forward.
VERDAD: Ang SAKBAYAN a isang political alliance dito sa UPLB. Kaming mga tumatakbo ay isinasaalang-alang ang mga prinsipyo under sa SAKBAYAN. Kapag may nakita man kami na miyembro na tumaliwas sa mga prinsipyong pinanghahawakan namin, ‘di dapat ito tino-tolerate, we’ll not condone it pero at the same time magiging istrikto ‘yong paglutas sa kaso o doon sa pag-violate nila sa prinsipyong pinanghahawakan natin. Sa ngayon, naniniwala ako na ang SAKBAYAN ay graceful pagdating sa pag-accept ng mga criticism at pag-call to action sa mga sina-suggest ng mga miyembro nito. Kaya laking tiwala ko sa SAKBAYAN na tinanggap nila ako bilang Vice Chairperson at iaangat natin ang mga prinsipyong tilad ng sinabi ko kanina, collective leadership, militant action, at grassroot representation.
Pindutin ito upang bumalik sa mga tanong.
TANGLAW: Kung sakaling kayo ay hindi palarin, paano kayo magsisilbing watchdog ng mauupong partido?
ANTIPUESTO: Kung sakaling hindi po kami Manalo, we will be that Devcom student na magsasabi ng katotohanan, points for improvement nang ayos, nasa tama sa CSL na ipapagawa ng CDCSC together with the publication kung gusto nila magpa-interview right then and there. Doon mismo and hindi lang titigil ‘yon don, hindi lang tao magiging critics at magiging ano rin tayo, helper, baka mag-volunteer po tayo sa Volcorps together with the organizations ‘yong isinusulong natin under our GPOA ay ‘yong One CDC Club, andon ‘yong iba’t ibang proyekto na kung sakali magkakaisa ‘yong mga organization, mga non-affiliated students na magkaisa at tumungo sa iisang goal in a prospective activity o event sa ating college.
VERDAD: Kung sakaling hindi man palarin maupo bilang inyong CDCSC Vice Chairperson, siguro ipagpapatuloy natin ‘yong ating naumpisahan na pamumuno sa ating organisasyon natin o di kaya sa kinabibilangan kong affiliation. Pero at the same time, paano magiging watchdog ‘yong mga hindi pinalad maupo bilang konseho? Siguro kasangga at kabigkis at the same time kritiko nu’ng uupong council natin ngayon ‘yong mga hindi mauupo o matatalo.



