DAPAT MONG MALAMAN

Sa gitna ng mga samu’t saring problemang kinakaharap ng sangkaestudyantehan ng Devcom at UPLB, ipinahiwatig nila sa balota ang kanilang mas kritikal na pagkilatis sa mga susunod na mauupong lider-estudyante.


Sa Devcom

Nagwagi sa pagiging CDC Student Council (CDC-SC) Chair si Jelaine Kate Pagayon ng LETS-CDC, at magiging katambal nito sa pagiging Vice Chair si Leo Verdad ng SAKBAYAN. Nailuklok sa pagiging Councilor ang apat na kandidato mula sa parehong partido: sina Carlo Alvarez, Charlie Centeno, Eulene Egamin, at Marlia Allih Fulgencio. Nabigyan rin ng mandato si Juthea Anne Gonzales ng SAKBAYAN para maging College Representative to the USC.

  • Nagbigay ng reaksyon ang parehong partido sa Devcom sa naging resulta ng halalan. Basahin
  • Hamon sa mga nagwagi ay mas maging bukas sa paninilbihan sa kolehiyo. Basahin

Sa UPLB

Sa University Student Council (USC) ay nanaig si Gio Olivar sa pagiging Chair, sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga abstain votes kung ikukumpara sa huling halalan noong 2022. Kasamang nakapasok sa USC sina Carla Ac-ac bilang Vice Chair at sina Marifel Balbarona, Anne Margrett Dolar, Neroz Khristian Guanzon, Kenzo Gavril Publico, Hazel Grace Romero, Jethro Joshel Rumbaoa, at Nile Andreas Demonteverde bilang mga USC Councilors.

  • Nanawagan si Olivar sa sangkaestudyantehan na makiisa sa susunod nilang konseho. Basahin

Komentaryo

  • Editoryal ng Tanglaw: Pagpupugay sa mga tumugon sa hamon na pagsilbihan ang mga mag-aaral. Basahin
  • Para kay Andrea Bodaño, hamon sa mga nagwagi at sa mga kasalukuyang nakaupo na mas maging bukas sa pamumuno. Basahin
  • Para naman kay Thesa Mallo, dapat na bigyang diin ang kolektibong pamumuno sa labas ng panahon ng halalan. Basahin

■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya