Header Photo: Dating CDC SC Councilor Eulene Egamin sa oath-taking na naganap noong Hunyo 2023. Kuha ni Dan Alexander Abas, Tanglaw photojournalist

Inanunsyo ng CDC Student Council (CDC SC) ang pagbabago sa hanay ng mga lider-estudyante na bubuo sa konseho.

Kasunod ito ng naging pagbibitiw ng dating CDC SC Councilor Eulene Egamin sa mga personal na kadahilanan, ayon sa anunsyo na nilabas ng konseho kanina, Marso 6.

Matatandaan noong Nobyembre 2023 na naglapag ang CDC SC ng 30-day suspension order para kay Egamin matapos mapatunayan ng konseho ang paglabag nito sa mga probisyon ng Governing House Rules (GHR).

Mula sa pormal na reklamong natanggap ng CDC SC sa General Assembly noong Nob. 6, pinunto rito ang mga naging paglabag ni Egamin sa GHR: (1) madalas na pagliban sa mga pagpupulong nang walang pormal na paalam, (2) pagpapabaya sa mga tungkulin bilang bahagi ng konseho ng Devcom, at (3) hindi pagsagot sa mga pakikipag-ugnayan ng konseho sa kaniya.

Samantala, naghain ng dalawang linggong Leave of Absence ni CDC SC Councilor Charlie Centeno mula Marso 1 hanggang 16.

Lumiban pansamantala si Centeno upang makilahok sa Apprenticeship Program ng UP Alliance of Development Communication Students (UP ADS), ayon sa liham na ipinadala kay CDC SC Chair Jelaine Kate Pagayon noong Peb. 24.

Sa ngayon, ang mga uupo sa mga nabakanteng posisyon ay ang mga sumusunod:

  • Jelaine Kate Pagayan, Volunteer Corps Committee Head
  • Johnrey Delos Santos, OIC Secretary General
  • Angelo Andrei Antipuesto, OIC Health and Wellbeing Committee
  • Gean Magbuo, OIC Gender Rights and Welfare Committee. ■

■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya