Sumentro sa ginanap na unang serye ng 2024 DDJ Seminar Series ang mga hakbang sa etikal na pagbabalita ng mga sensitibong istorya ng kaguluhan tulad ng giyera.

Ito ay tinalakay sa programang “From Marawi to Ukraine: What You Need to Know About Conflict Journalism” na pinamunuan ng Department of Development Journalism (DDJ) ng College of Development Communication (CDC) ngayong hapon, Abril 15.

Nabigyang mukha sa pamamagitan ng istorya’t karanasan ng mga tagapagsalita na sina Rappler Senior Producer JC Gotinga at PCIJ Executive Director Carmela Fonbuena ang tunay na kinakaharap ng mga mamamahayag sa battle zones.

Napaigting sa programa ang gampanin ng journalism na mailapit ang mga isyu at mga balita sa masa, nasyonal man o pandaigdigan, at kung paano nito nahuhubog ang pagtanaw at pagharap ng masa sa panahon ng digmaan.

“In all conflicts, we have to take a side. But how do you make a decision? Who are you going to support? That will be based on the information send to you. Kung hindi tayo magiging kritikal thinkers, we will believe lies that will influence our decisions to support or not support a particular effort.” ani Fonbuena.

“And that’s very important, na ma-protect natin ang integrity of the truth because that will shape our decisions.” dagdag pa niya. ■


■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya