Header photo: Sa kabila ng samot-saring pag-atake sa ibang bahagi ng rehiyon at bansa, naging matagumpay ang pagkilos sa Crossing, Calamba ngayong Mayo Uno. (Kuha ni Neil Calanog, Tanglaw photojournalist)

DAPAT MONG MALAMAN

  • Isang mobile ng kapulisan ang namataan sa loob ng UPLB campus matapos ang mobilisasyon ng mga progresibong kabataan para sa Mayo Uno. 
  • Nagkalat din ang iba’t ibang red-tagging posters sa gitna ng mga mobilisasyon sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kaugnay nito ang violent dispersal na naganap sa harap ng US Embassy, kung saan ang anim ang dinakip ng mga elemento ng estado.

(Updated 9:20 p.m.) Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong Mayo 1, nagkasa ang mga progresibong grupo at mga manggagawa ng serye ng mobilisasyon.

Ngunit, sa gitna ng mga panawagan para sa karapatan ng mga manggagawa, sumalubong din sa kanila ang iba’t ibang pag-atake mula sa mga elemento ng estado.

Hinarang ng mga mag-aaral ng UPLB ang namataang mga kapulisan lulan ng isang mobile sa loob ng campus ngayong araw kasunod ng pagkilos ng mga grupo ng kabataan sa pakikiisa sa Kilusang Mayo Uno.

“[Police Major Jollymar Seloterio] said they only went to the Landbank branch at UPLB, but they were seen exiting from “Kanan,” not from “Kaliwa” where the bank is located,” ani John Peter Angelo Garcia, chairperson ng YAPJUST-UPLB, sa isang post sa X.

Matatandaang si Seloterio rin ang pulis na namuno nang harasin ng kapulisan ang mga progresibong nagproprotesta noong Pebrero sa Los Baños Municipal Hall. 

Kinundena naman ng Anakbayan UPLB ang kaliwa’t kanang paglitaw ng mga red-tagging poster sa pagkasa ng grupong Kilusang Mayo Uno. Anila, marapat lang na kumilos ang sambayanan upang tutulan ang kapabayaan ng estado sa lumalalang krisis panlipunan.

Samantala, iligal na inaresto ng PNP ang anim na kataong nakibahagi sa kilos-protesta sa harapan ng US Embassy sa Maynila ngayong araw.

Ayon sa grupong Artista ng Rebolusyong Pangkultura, sinalubong ng bulto-bultong kapulisan at water cannons ang hanay ng mga dumalo sa kilos-protesta.

Naiulat din ang pagkumpiska ng mga press ID ng mga student-journalists na tumutok sa nasabing pagkilos. ■


■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya