Kasama ang ulat ni Marcus Liam Saladino
Nagsimula na ngayong araw, Hulyo 1, ang screening para sa mga aplikante ng Associate of Science in Development Communication (ASDC) sa CDC para sa AY 2024-2025.
Ang ASDC ay isang two-year program na layong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng komunikasyon at midya para sa kaunlaran. Mayroon itong kabuuan na 72 units at maaaring ituring na terminal degree o ‘di kaya’y ipagpatuloy sa kolehiyo bilang isang undergraduate degree.

Kaya naman para sa isa mga aplikante na si Edvhen Mark Sucgang, 19, nakakabuhay ng loob ang pagkakataong ito para sa mga tulad niyang hindi nakapagtake ng UPCAT.
“Sinabi ko sa sarili ko, ‘ito na ‘yun,’ dahil gusto kong linangin ang aking karunungan at background sa pagsusulat… para malaman ng mga tao kung gaano kahalaga ang komunikasyon at kung ano ang magiging ambag nito sa ating buhay, sa ating bayan, at sa ating lipunan,” aniya.
Tulad ni Sucgang, sasalang ang lahat ng mga aplikante sa interview at essay writing tests upang mapili ang mga magpapatuloy sa nasabing programa.
EDITOR’S NOTE: Ang artikulong ito ay naunang inilathala sa social media pages ng Tanglaw noong Hulyo 1. Subalit, matapos ang pakikipag-usap ng pahayagan sa pamunuan ng kolehiyo, napagdesisyunang burahin ang naunang update na naglalaman ng mga larawan ng mga aplikante para sa ASDC program ng Devcom.




You must be logged in to post a comment.