Ang istoryang ito ay isinulat ni Dave Sy, Tanglaw Reporter.


Nagdaos ng State of the Culture and the Arts Address (SOCAA) ang mga artista mula sa iba’t ibang sektor sa Timog Katagalugan noong ika-10 ng Hulyo bilang bahagi ng pakikiisa sa LAGABLAB Caravan. 

Layunin ng SOCAA na maitulak sa pambansang kamalayan ang pambansa, siyentipiko, at makamasang kultura; mas malawak at malayang pamamahayag; kalidad na edukasyon; pagpapalaya sa mga political prisoner; at pagpapabagsak sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.

Ang LAGABLAB Caravan naman ay limang araw na pakikibaka ng mga progresibong grupo mula sa rehiyon noong ika-18 hanggang ika-22 ng Hulyo upang isiwalat ang tunay na kalagayan ng iba’t ibang mga sektor ng lipunan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Sinimulan ito ilang araw bago ang ika-tatlong State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr.

Para kay Julius Bagoyo, artista mula Tambisan ng Sining Laguna, isang daan ang kaganapan upang maipagpatuloy ang pagsusulong na makamtan ang mga batayang karapatan ng sambayanan. “Kini-crystalize niya [LAGABLAB] ang hindi magapi-gaping diwa ng mga mamamayan, hindi lamang ng Timog Katagalugan pero ng buong sambayanan.”■


■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya