Ulat nina Aleli Bacolod (Tanglaw Apprentice) at Lourain Anne Suarez


Isinagawa ang panayam kina Shaine Andrea Winna Jariel at Erica Reigne Mundo sa Zoom noong Lunes, Abril 28. 


INTERVIEW GUIDELINES

  1. Maaaring gawin ang panayam nang face-to-face o online, depende sa mapag-uusapan ng Tanglaw Editorial Board at nangangandidato
  2. Mayroong sampu (10) na tanong na ihaharap sa partido at independent na kandidato, at apat (4) na bukod na tanong patungkol sa karakter at mga isyu sa kada partido o independent na kandidato.
  3. Bibigyan ang bawat kandidato ng dalawang (2) minuto upang sagutin ang bawat tanong.
  4. Ang magiging sagot sa panayam ay pinal at hindi na kikilalanin ng pahayagan ang anumang paglilinaw matapos masagot ang isang tanong.

DAPAT MONG MALAMAN

Pindutin ang tanong upang dumiretso sa buong transcript ng naging sagot ng mga kandidato.

General Questions

Q. Sa harap ng mga problema gaya ng matinding heat index at kakulangan ng student-friendly study spaces sa UPLB sa ganitong init, ano ang mga konkretong hakbang na isusulong mo para tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng CDC students?

Wika nina Jariel at Mundo ng SAKBAYAN CDC na mahalaga ang agarang tugon sa matinding heat index upang masigurong ligtas at komportable ang mga CDC students. Anila, magsusulong sila ng pagbubukas ng mas maraming silid-aralan at pagdagdag ng water dispensers bilang agarang tugon, habang patuloy na kinakalampag ang admin para sa konkretong plano at standard operating procedures. Dagdag pa rito ang konsultasyon sa mga estudyante upang makuha ang tunay nilang kalagayan, at direktang pakikipag-ugnayan sa mga faculty-in-charge upang magpatupad ng akmang academic leniency at adjustments batay sa iba’t ibang material conditions ng mga estudyante.

Q. Ano ang iyong opinyon patungkol sa kasalukuyang problema sa init ng panahon at ang tugon ng administrasyon ng UPLB? 

Para kina Jariel at Mundo, ang kasalukuyang matinding init ng panahon ay malinaw na epekto ng lumalalang krisis sa klima, kaya’t mahalagang kilalanin ito bilang isyung pangkalikasan. Gayunpaman, kapwa nilang kinikwestyon ang mabagal at kulang na tugon ng UPLB admin, lalo na sa kakulangan ng konkretong aksyon tulad ng suspensyon ng klase sa kabila ng matataas na heat index. Naninindigan silang dapat ay may malinaw at standardized na mekanismo ang pamantasan upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng constituents, lalo na ng mga estudyante.

Q. Marami sa atin ang nangangailangan ng accessible na student spaces para sa student artists, org activities, etc. Anong pangunahin mong isinusulong pagdating sa pagtataguyod ng inclusive, accessible, at student-friendly spaces sa CDC at UPLB?

Para kina Jariel at Mundo, mahalagang itaguyod ang inclusive at accessible student spaces para sa student artists at student-led activities. Isinusulong nila ang dagdag na espasyo na abot-kaya at hindi hadlang ang bayarin o burukrasya. Kaisa rin sila sa mga kampanyang tulad ng Student Artists ‘ Resolution (StAR) at sa Kulturang Ugnayan ng Kabataan Alay sa Bayan (KULAYAN-UPLB), na naglalayong iangat ang boses ng student artists at labanan ang mga epekto ng budget cuts sa student spaces.

Q. Kasalukuyang nasa proseso ang Tanglaw sa pagiging opisyal na publikasyon ng kolehiyo. Sa iyong pananaw, paano dapat suportahan ng Student Council ang pagpapatatag ng mga demokratikong institusyon at publikasyon ng mga estudyante?

Ayon kina Jariel at Mundo ng SAKBAYAN, mahalaga ang suporta ng student council sa pagpapatatag ng mga demokratikong institusyon at publikasyon ng mga estudyante. Isinusulong nila ang pakikiisa sa referendum ng Tanglaw at ang pagpapataas ng kamalayan ng studentry ukol sa kalayaan sa pamamahayag. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga organisasyon, pagpapasa ng mga resolusyon, at pag-aangkat ng isyu sa admin dialogues, nais nilang tiyakin na ang student publications, tulad ng Tanglaw, ay may sapat na suporta at proteksyon.

Q. Bilang kandidato, paano mo balak tugunan ang mababang partisipasyon ng mga estudyante pagdating sa pamumuno o pagtakbo sa konseho ng sangkaestudyantehan ng CDC? Paano ninyo sila mahihikayat na makilahok at maging aktibo?

Bilang kandidato, naniniwala raw sina Jariel at Mundo na mahalaga ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng student council at mga estudyante upang mapataas ang partisipasyon. Itinuturing nila na ang pagiging aktibo ng mga estudyante sa pamumuno ay nangangailangan ng two-way connection: ang council ay nakikinig at nagkakaroon ng konkretong plano batay sa mga tunay na danas ng mga estudyante, habang ang mga estudyante ay ini-encourage na makilahok sa mga aktibidad ng konseho. Ang paggamit daw umano ng social media, on-ground efforts, at pagpapalaganap ng mga oportunidad para sa mga estudyante ay susi upang mapataas ang kanilang partisipasyon at hindi maging intimidating ang konseho.

Q. Madalas na nahihirapan ang mga kolehiyo tulad ng CVM at CFNR sa pagsulong ng kanilang pangangailangan sa administrasyon. Sa iyong palagay, paano makakatulong ang CDC Student Council sa pagbuo ng alliances sa iba’t ibang kolehiyo para sa kolektibong pagtutulak ng karapatan at kapakanan ng lahat ng estudyante?

Wika ni Mundo mula sa SAKBAYAN-CDC, mahalaga ang pagkonsolida ng mga panawagan ng bawat kolehiyo upang maitampok ang mga ito bilang hindi lamang isolated cases, kundi bahagi ng kolektibong laban ng buong student body. Aniya, sa tulong ng datos at pagkakaisa, mas epektibong maitutulak ang mga kampanya sa admin. Dagdag pa ni Jariel, kailangang manindigan sa pro-student at pro-people na prinsipyo upang matiyak ang pinakamataas na tugon sa mga hinaing ng mga estudyante.

Q. Sa mga problemang kinahaharap ng UPLB students, mula heat index hanggang basic facilities, ano sa tingin mo ang papel ng Student Council sa pag-bridge ng gap sa pagitan ng LGU, UPLB Administration, at ng student body?

Banggit ni Mundo na mahalagang papel ng student council ang maging tulay ng mga estudyante sa pamunuan ng UPLB at LGU sa pamamagitan ng pagkolekta at pagsusumite ng kongkretong datos ukol sa kanilang kalagayan, tulad ng epekto ng heat index at kakulangan sa pasilidad. Aniya, dapat daw magsimula sa student council ang representasyon at pagtatanggol sa kapakanan ng constituents. Aniya pa ni Jariel, dapat din daw na maging kritikal at may boses ang konseho sa pagpapalakas ng boses ng sangkaestudyantehan kabilang ang pagsasagawa ng militanteng aksyon at pagsuporta sa mga petisyon upang maiparating ang tunay na danas ng mga estudyante at matiyak ang makabuluhang tugon mula sa administrasyon.

Q. Hindi laging sapat ang pagpapahayag lang ng mga panawagan; kailangang may organisadong aksyon. Ano ang plano mong mekanismo para matiyak na ang mga panawagan ng mga estudyante ay hindi lamang maririnig kundi maisasakatuparan?

Ayon kay Jariel, mahalaga raw ang mekanismo ng pag-aarouse, organize, at mobilize upang mapalawak ang hanay ng mga estudyante at mapresyur ang administrasyon na tumugon sa kanilang mga hinaing. Aniya, hindi sapat ang pagpapahayag lamang, dapat itong sabayan ng malawakang partisipasyon, online man o on-ground, upang masigurong ang mga panawagan ay nagmumula sa mismong studentry. Dagdag ni Mundo, kinakailangan daw na igiit ang garantisadong representasyon sa mga executive at college committees upang direktang makalahok ang student council sa paggawa ng polisiya, at magsagawa rin ng mga aktibidad na tutugon sa mga isyung kinahaharap ng mga estudyante.

Q. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng cost of living at bilang media production students ay ang production-related expenses, paano mo makikita ang papel ng Student Council sa pagtataguyod ng suporta para sa mga estudyante ng CDC?

Wika ni Jariel, mahalaga ang papel ng student council sa pagtulak para sa transparency at accountability ng administrasyon, lalo na sa usapin ng budget allocation. Aniya, hindi dapat sapat ang paliwanag na “walang budget,” at kailangang igiit ang karapatan ng mga estudyante sa sapat na pondo, habang ipinagpapatuloy ang kampanya laban sa budget cuts sa tulong ng mga alyansa tulad ng Defend UP. Dagdag ni Mundo, dapat din daw na direktang igiit sa admin ang sapat na budget para sa production-related expenses ng mga estudyante ng CDC bilang bahagi ng libreng edukasyon, at makipag-ugnayan sa ibang organisasyon para sa pansamantalang suporta, ngunit nananatiling sentral ang laban para sa makatarungang pondo at serbisyo sa kolehiyo.

Q. Kung pipili ka ng isang isyu ngayon sa CDC na pinaka-gugustuhin ninyong tutukan at lutasin sa inyong termino, ano ito at bakit?

Ipinaliwanag ni Jariel na nais niyang tutukan ang pagsusuri at pagbabago sa kurikulum ng CDC bilang tugon sa mga isyung nagdudulot ng delay, burnout, at hindi angkop na proseso sa pagkuha ng electives, lalo na sa labas ng kolehiyo. Aniya, mahalagang magkaroon ng boses ang mga estudyante at guro sa pagbabagong ito upang matiyak na ang kurikulum ay tumutugon sa tunay na layunin ng development communication. Dagdag ni Mundo, nais niyang pagtuunan ng pansin ang mga problemang kinakaharap ng ASDC students, gaya ng enlistment at POS, kung saan hindi umano sila nabibigyang prayoridad. Aniya, sa pamamagitan ng pagkuha ng datos at aktibong pakikipag-ugnayan sa ASDC constituents, makakabuo ng mga konkretong polisiyang hindi nakokompromiso ang kalidad ng kanilang edukasyon at pananatili sa kolehiyo.

Mga katanungan para sa partido (SAKBAYAN-CDC)

Q. Habang binibigyang-pansin ang mga national issues, paano ninyo titiyakin na ang mga pang akademikong isyu sa kolehiyo, ay hindi malilimutan sa agenda ng konseho?

Wika nina Jariel at Mundo na titiyakin ng konsehong hindi mapag-iiwanan ang mga isyung pang-akademiko sa kabila ng pagtutok sa mga isyung pambansa sa pamamagitan ng muling pagbabalik sa prinsipyong dapat maging autonomous, demokratiko, at tunay na kinatawan ang student council. Anila, may malaking epekto ang mga pambansang isyu sa edukasyon kaya’t mahalagang kampanyahan ang mga ito, sabay sa pagtutok sa mga konkretong danas ng mga estudyante. Idinagdag pa nila na ang pagkakaroon ng mga komite ay instrumento upang matutukan ang mga partikular na suliranin ng mga mag-aaral at mapagtagpo ang mga pangangailangan nila sa loob ng kolehiyo habang aktibong lumalahok sa mas malawak na usaping panlipunan.

Q. Kahit nagbabalik na ang face-to-face classes, marami pa ring problema sa online learning integration, tulad ng slow wifi at kakulangan ng devices. Bilang isang progresibong partido, paano ninyo ihahain ang solusyon para sa accessible and tech-supported education?

Wika nila na isinusulong nila ang pro-student na mga aksyon upang matiyak ang accessible at text-supported na edukasyon sa kabila ng mga hamon sa online learning gaya ng mahinang internet at kakulangan sa kagamitan. Anila, mahalagang isaalang-alang ang iba’t ibang kalagayan ng mga estudyante, gaya ng mga dormer na walang maayos na koneksyon at espasyo para sa pag-aaral. Kaya’t iginiit nila na dapat maging flexible ang klase sa pamamagitan ng suspensyon o asynchronous na setup sa minimum, at sa maximum naman ay dapat patuloy na kalampagin ang administrasyon upang magkaroon ng standardized at sistematikong tugon sa mga problemang ito.

Q. May mga ulat ng red-tagging at harassment ng mga student activist sa iba’t ibang UP campuses. Bilang bahagi ng SAKBAYAN na isang makabayang alyansa, paano ninyo titiyakin ang proteksyon ng karapatan sa organisasyon at pagpapahayag ng mga estudyante sa CDC?

Ipinahayag nila na mariin nilang kinokondena ang red-tagging at harassment sa mga estudyanteng aktibista at iginiit na tungkulin ng konseho na tiyakin ang proteksyon ng karapatan sa pagpapahayag at pag-oorganisa. Aniya, mahalaga ang mas maayos na pagpapatupad ng UPLB Safe Haven Resolution at aktibong pagkalampag sa administrasyon upang ito ay maging epektibo sa buong pamantasan. Dagdag pa niya, dapat ay pananagutan ng pamunuan ang kapakanan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal at lohistikal na suporta sa mga biktima ng red-tagging. Patuloy din umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga alyansa tulad ng Youth Advocates for Peace with Justice (YAPJUST) at pagsasagawa ng mga inisyatibang gaya ng “Safety Nest” survey upang maiparating sa admin ang kongkretong datos na mag-uudyok ng kaukulang aksyon.

Q. Isang isyu rin ang accessibility o information gap sa mga university services lalo na sa mga first-year at transfer students. Bilang progresibong alyansa, paano ninyo i-a-address ang information and service gap na nararanasan ng ating CDC constituents? May nakikita ba kayong interventions tulad ng orientation series, info drives, o buddy systems?

Wika nina Jariel at Mundo mula sa SAKBAYAN-CDC, bubuhayin nila ang on-ground efforts tulad ng info drives at bulletin board postings upang matugunan ang information gap, lalo na para sa freshmen. Anila, makikipag-ugnayan sila sa Freshman Council at ibang kolehiyo para sa mas malawak na orientation at serbisyo.


TRANSCRIPT NG PANAYAM

GENERAL QUESTIONS

TANGLAW: Sa harap ng mga problema gaya ng matinding heat index at kakulangan ng student-friendly study spaces sa UPLB, sa ganitong init, ano ang mga kongkretong hakbang na isusulong mo para tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga CDC students?

Jariel: Naniniwala kami sa pro-people at pro-student values kaya naman ipagpapatuloy namin ang karaniwang ginagawa ng konseho na pagsesecure ng mga rooms sa CDC at sisiguruhin din na marami pang rooms ang available na pwedeng puntahan ng mga students tuwing kinakaharap natin ang mga ganitong situation. Karagdagan din na ito ay short-term lamang kaya patuloy rin ang pagkakalampag natin sa admin na tugunan ang kanilang gampanin na pangalagaan ang kanilang constituents. Kaya sa nararapat ay patuloy natin silang hingian ng concrete response sa ganitong cases na magkaroon dapat sila ng standard operating procedures kasi hindi lang naman sa ganitong taon natin mararanasan ang ganito kataas na heat index. Kaya dapat ay mayroon talaga silang standardized response or mechanism. Sa minimum o short-term, maliban sa pagkalampag sa admin, ay iyong pagdagdag pa ng rooms at water dispensers na available sa ating kolehiyo. Pagkonsulta na rin sa students kung ano pa iyong mga nagiging kahirapan nila at magkaroon din ng paghingi ng acad leniency from the professors dahil iba-iba ang material conditions ng students–iyong kanilang access sa services. Para masiguro din na wala talagang naiiwan sa ganitong situation.

Mundo: Kung iisipin ay sa mga nabanggit din kanina, mahalaga pa rin talaga na kalampagin iyong admin sa kung ano ang kongkretong plano nila para sa mga estudyante. Pero bilang mga student officer, ang pinakagoal natin ay mairepresenta iyong mga pangangailangan ng mga student na nasasakupan. Kaya naman magsisimula tayo s apagtatanong kung ano iyong current na danas ng students para pag nakipag-usap tayo sa admin ay mayroon tayong datos na maiprepresenta. Pangalawa, kung hindi madaraan sa admin, ideretso na po sa FICs since isa iyon sa mga problema ngayon upang sila na mismo ang magpatupad ng mga adjustments na ababgay sa material conditions ng mga students natin gawa ng lahat at nakakaranas ng heat index. So roon pa rin, kasama pa rin sa mga standard na pwede nating gawin ay iyong pagdemand ng access sa student spaces na available sa mga college. Halimbawa ay iyong pag-oopen ng aircons, para iyong mga nasa UP dorms o kahit saan sa parte ng Los Banos ay may access sa comfortable man lang na espasyo sa nararanasan natin na heat index. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Ano ang iyong opinyon patungkol sa kasalukuyang problema sa init ng panahon at ang tugon ng administrasyon ng UPLB? 

Jariel: Sa kasalukuyan, ang aking opinyon sa lumalalang init ng panahon, lagi kong binabalikan ang adbokasiya at ang aking piniling tahakin sa BS DevCom ay iyong environmental na root nito kung saan kailangan na talaga nating tumbukin iyong environmental na problem na ito. Patuloy tayong nakakaranas ng climate change na manifestation na iyong lumalalang init ng panahon. Ngayon naman, ang ating opinyon o napansing tugon ng ating admin, ay talaga namang mabagal ang kanilang pagtugon dito at wala silang kongkretong response. Mas binibigay iyong burden sa FICs as well as sa students at hindi nacoconsider talaga iyong iba’t ibang danas ng sangkaestudyantehan.Dahil po riyan, ang ating call-to-action talaga ay kalampagin ang admin na magkaroon sila ng standardized na response patungkol sa ganitong mga isyu. Cinoconsider talaga nila ang students pati mga faculty.

Mundo: Kinikilala naman natin iyong efforts ng offices na mayroon sa loob ng UPLB pero kita naman na sa totoong danas ng mga students at FICs, lalong lalo na noong nakaraan na nakaranas tayo ng 50 degrees na heat index, pero wala pa ring isinagawang suspensiyon na sa dapat ay mayroon na. Makikita talaga na kulang ang efforts at actions na ginagawa para masabing ang admin ay makaestudyante at makamasa. I believe mas okay pa rin talaga na hindi na tayo maghintay pa ng mga announcements sa iba’t ibang mga offices o LGU since kitang kita naman ang manifestations na sobrang hirap ng danas ng students–lahat ng constituents ng UPLB sa ganoong level ng heat index. Patuloy na kalampagin ang admin na magkaroon ng kongkretong plano sa kung paano natin matutugunan ang mga ganoong uri ng mga kaso para masabing wala tayong naiiwang constituents. Nasa loob man ng UPLB o kahit sa labas. Mas maiigi talaga na makalampag sila na magsagawa ng mga kongkretong aksyon na lahat ng constituents ng elbi ay masasakupan at walang maiiwanan. Ika nga, there should be no student left behind. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Marami sa atin ang nangangailangan ng accessible student spaces para sa student artists, org activities, at iba pa, anong pangunahin mong isinusulong pagdating sa pagtataguyod ng inclusive, accessible, at student-friendly spaces sa CDC at UPLB?

Jariel: Bilang isang parte rin ng isang kultural na organisasyon, kinikilala rin natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na student spaces, hindi lang para sa ating student artists kun’di maging sa ating mga organizational activities at iba pang student-led activities. Ang pangunahin nating isinusulong ay magkaroon pa ng sapat na student spaces since malaking populasyon po ang tinatanggap na papasok sa ating pamantasan. In consideration na rin po nito na maraming nilulunsad na aktibidades ang mga estudyante. Pangalawa, maconsider na hindi ganoon kataas ang kinakailangan na bayarin sa pagsecure ng mga student spaces dahil nagiging hindrance rin ito sa pagconduct ng mga students lalo na sa kahirapab na makakalap ng pondo para makasecure ng spaces. Pangatlo ay iyong burukrasya, masugpo talaga ito sa pagsecure ng student spaces dahil isa itong kahirapan sa pagsecure ng students ng kanilang spaces. Karagdagan na rin dito ay iyong pagsuporta sa mga alyansa na isinusulong talaga iyong mga ganitong kampanya tulad na lamang ng KULAYAN at iyong recently lang din na approved resolution ng CAS-SC na STAR o Student Artists’ Agenda kung saan naconsolidate ang mga hinaing ng student artists at kung ano ang kanilang kinakailangan na nagmula sa mabusising consultation.

Mundo: Isa rin sa mga paraan para masuportahan ang mga artists natin para sa inclusive, accssible student spaces ay maging kaisa nila sa pagsesecure ng student spaces na kinakialangan. Hindi na dapat mahirapan ang mga artista natin sa pagpapaalam ng mga student spaces dahil sa dapat ay libre nila itong nagagamit bilang mga constituents ng UPLB. Lulundo pa rin ito sa mga kampanyang budget cut, gawa ng dahil dito ay hindi nagkakaroon ng accessible o hindi nagkakaroon ng enough na student spaces para sa mga estudyante. Pagtuligsa rin sa mga burukratikong proseso kung saan kailangan pang dumaan sa mahirap o matagal na proseso para makasecure ng student spaces na kung sa dapat ay nakukuha naman dapat ng aksesible. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Kasalukuyang nasa proseso ang Tanglaw sa pagiging opisyal na publikasyon ng kolehiyo, sa iyong pananaw, paano dapat suportahan ng student council ang pagpapatatag ng mga demokratikong institusyon at publikasyon ng mga estudyante?

Jariel: Mahalagang maitatag ang mga student publication bilang nasa UP Charter din ito na may kalayaang makapagtatag ng student publication ang bawat kolehiyo sa bawat CU o pamantasan–bawat unibersidad. Kaya naman patuloy ang pakikiisa natin sa isinasagawang referendum ng Tanglaw. Higit pa rito, mahalaga ring ilabas ang usapin sa kolehiyo kung saan mayroon ding mga ipinaglalaban ang mga student publications sa iba’t ibang colleges natin tulad na lamang ng sa CAFS na dating student-led na ngayon ay admin ang nagpapatakbo nito. Talagang nilalaban din nila ito. Sa CEM din ay currently ongoing ang pagproseso nila rito, makikita nating may common ground ang ating student publications. Mahalaga na mapataas ang kamalayan ng ating studentry sa mga ganitong isyu upang makiisa sila sa campaign na ito at maging kaisa sa kampanya na ito kung mas madali nating makakalampag ang admin pag nakita nila na nagkakaisa ang studentry sa pangangailangan na ito. Upang makilala rin ang ating demokratikong karapatan sa malayang pamamahayag.

Mundo: Makakatulong ang student council sa pagpapatatag ng mga organisasyon o pag-iinstitutionalize ng mga organization sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng organization na iyon. Sa kung ano iyong kasalukuyang nararanasan nila, kung ano ang mga kahirapan, upang tayo sa council ay makapag-come up ng mga kongkretong mga plano sa kung paano natin ito ilalakad sa admin. Pwede natin ito ilakad sa mga admin dialogues at alamin kung ano bang maiooffer ang admin upang matulungan ang organizations gawa ng kabilang din sila sa constituents na dapat nating pinagsisilbihan. Isa rin ang pagpapasa o pagc-come up ng mga resolutions na pwede natin ipasa sa mga malalaking assembly tulad na lamang ng General Assembly of Student Councils. Pati na rin ang localized satin na SLC o legislative chamber natin. Ito ang mga bagay na dapat nating gawin upang maipaglaban din ang press freedom kung saan dapat hindi na rin dapat sila nahihirapan sa pag-iinstitutionalize, lalong lalo na sa CDC na dapat ay mayroon tayong student publication dahil ang ginagawa talaga natin ay maging boses at mas maiboses pa ang kinakailangan ng ating constituents mismo. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Bilang kandidato, paano mo balak tugunan ang mababan g partisipasyon ng mga erstudyante pagdating sa pamumuno o pagtakbo sa konseho ng sangkaestudyantehan ng CDC? Paano mo sila mahihikayat na makilahok at maging aktibo?

Jariel: Bilang konseho, mahalagang mahikayat ang studentry na makiisa sa iba’t ibang kampanya at pagforward ng ating concerns as students. Ang usapin ng sgtudent-participation ay two-way: actively nakikipagkonekta ang council at inaalam ng studentry ang ganap ng konseho. Kinikilala natin na sa kakulangan ng manpower at iba pang efforgts tulad ng on-ground efforts, maaari antin itong maimprove ang paglapit sa studentry para masigurong alam nila ang kasulukuyang nagaganap sa konseho para magkaroon ng unity point o common ground kung saan makakarelate sila dahil sa lived experiences natin as students. Sa ganoong paraan ay makikiisa sila sa mga ganoong kampanya dahil maiinitindihan nila kung paano nakakaapekto sa kanila ang isang panawagan. Mahalaga rin ang maglapit sa students mismo para hindi maging intimidating–mas maging conversational para maramdaman nila na kaiisa sila at kaiisa nila tayo sa mga ipinoforward nating concerns.

Mundo: Suhay roon. Dapat ibase natin ang plano ng student council sa kung anong tunay na danas ng constigtuents na ansasakupan natin. Dapat ang relationship ng students sa council at vice versa ay dapat na two-way thing kung saan ang mga student council mismo ay nagsasgaawa ng plano o actions na nakadepende sa kongkretong mga datos o experience na anararanasan talaga ng constituents. Dito naman, responsibilidad rin natin na magbigay ng opportunities na makapagparticipate sa activities na isinusulong ng student council. At mapataas ang volunteer rates galing sa mga constituents natin, masasagawa natihn ito through online and on-ground efforts. Sa online ay iyong pag-utilize ng social media channels para maiforward sa iba’t ibang batch ng college ang mga program, event, o panawagan  na gusto nating mapaigting. Iyong mismong pagpunta rin sa mga estudyante on-ground para makarating sa kanila ang mga activities na pwede nilang pagparticipate-an. Dapat ay lagi’t laging may connection at student council sa mga estudyante; tayo rin mismo ang gumagawa ng opportunities para mareach at maging accessible tayo sa mga constituents. Grievance man o concerns, nandito dapat tayo, laging nakaantabay. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Madalas na nahihirapan ang mga kolehiyo tulad ng CVM at CFNR sa pagsulong ng kanilang mga pangangailangan sa administrasyon. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang CDC Student Council sa pagbuo ng alliances sa iba’t ibang kolehiyo para sa kolektibong pagtutulak ng karapatan at kapakanan ng lahat ng estudyante?

Mundo: Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga colleges ay iyong pagfoforward ng mga kampanya or concerns na hindi talaga naifoforward agad. Maganda na maconsolidate kung saan nag-u-unite ang mga colleges at kung ano-anong mga panawagan ang hindi isolated case sa mga colleges na ito. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos ay makakabuo tayo ng mga kongkretong plano sa kung paano natin imamass campaign iyong mga panawagan na iyon. At kung paano natin matutulungan ang mga colleges na mas maiforward sa kani-kanilang mga admin iyong mga concerns na dapat ay naitataas at naiaaddress. Halimbawa kung may mga concerns na specific sa mga colleges lamang, dapat pa ring makipagtulungan tayo sa kanila at gamitin ang mga channels na mayroon tayo para makita na ang student body ng UPLB ay hindi nakakahiwalay sa mga colleges kun’di maipakita na sa bawat kampanya na isinusulong sa loob man ng college o pambuong pamantasan ay nagkakaisa ang student councils para ipresenta ang kinakailangan o concerns na kinakaharap ng mga estudyante natin.

Jariel: Babalikan natin ang ating value sna pro-student at pro-people. Mahalaga na nakaayon sa best interest ng students ang mga panawagang isinusulong natin. Hindi lang ito isolated case.  Kailangang iconsolidate ang iba pang student councils dahil doon tayo nagkakaroon ng best practices kung paano natutugunan ang mga kinakaharap na issues tulad ng pagforward sa admin ng mga ganitong hinaing ng students. Maeensure natin na mafoforward natin siya sa maximum na demands ng ating studentry, mas mapalakas pa dahil sa pagkakaisa ng ating kolehiyo sa iba pang mga kolehiyo. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Sa mga problemang kinakaharap ng UPLB students mula sa heat index hanggang sa basic facilities, ano ang papel ng student council sa pagb-bridge ng gap sa pagitan ng LGU, UPLB Admin, at Student Body?

Mundo: Isa sa mga tunay na papel ng student council ay  makiisa sa mga student na ating pinaglilingkuran dahil sa kanila magmumula iyong mga kongkretong datos na maaari nating maiforward sa mga admin, sa offices, sa LGU. Upang magsagawa ng kongkretong mga plano para sa ikabubuti ng constituents natin nang walang naiiwanan. Kasabay dito,gamit ang mga kongkretong datos na magmumula sa students ay tayo rin yung magfoforward ng mga possible na action plans para ma-make sure na iyong mga polisiya na isasagawa o ibababa sa atin ng admin ay hindi anti-estudyante. Dapat na tayo mismo sa student council, sa atin dapat magsisimula na tayo talaga ‘yung magrerepresenta sa constituents natin and bukod pa dito ay tayo rin mismo dapat iyong nag-aassess kung paano pa natin mas paaayusin or pagagandahin iyong mga panukalang ibinababa sa atin upang yung mga students natin ay hindi nakocompropmise iyong kani-kanilang mga sitwasyon gawa ng circumstances nga na nabanggit tulad ng heat index at kakulangan sa student spaces. Dapat tayo ang nagiging paraan para maparating nila iyong mga hinaing at mga objection nila sa admin.

Jariel: Mahalagang maging kritikal at vocal sa mga ganitong usapin dahil ang ating ang gampanin ay paigtingin iyong suhestyon; iyong mga nakalap nating impormasyon mula sa studentry at maiforward ito sa admin. Dahil muli, ang mga solusyon dito, ang mga kongkretong response dito ay nagmumula din talaga sa tunay na danas ng students and maensure din na well-consolidated ang ihahatag na response ng ating admin. Maliban sa pagpapaiting ng boses ng sangkaestudyantihan ay ang pagkakaroon at pagpapatuloy ng militant action ng konseho na kung saan patuloy tayong magre-release ng statements; patuloy tayong makikiisa sa iba’t ibang mga alyansa katulad na lamang ng pagkakaroon ng mga petition forms upang masiguro na matibay talaga iyong ating mga ikakampanya at mapalakas ang ating panawagan sa mga ganitong cases o sa ganitong issue. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Hindi laging sapat ang pagpapahayag lang ng mga panawagan, kailagang may organisadong aksyon. Ngayon, ano ang plano mong mekanismo para matiyak na ang mga panawagan ng mga estudyante ay hindi lamang maririnig kun’di maisasakatuparan?

Mundo: Lagi’t lagi na na magsisimula sa pagconsolidate sa tunay na experience o nasa ng studentry gawa ng tayo rin mismo sa student council ay dapat talaga nirerepresent ang mga students. Mahalaga din na magmula o masimulan sa kolehiyo na igiit iyong pagkakaroon ng garantisadong upuan sa Executive Committee ng college admins natin upang makibahagi tayo sa pagpaplano ng mga policies at saka mga action plan sa pag-a-address ng iba’t ibang mga concerns o mga activities. Kasabay nito mahalagang mayroon din talaga tayong seats sa Executive Committee at mga committees na mayroon sa loob ng kolehiyo upang mapanatili na mayroon representasyon ang mga students kung halimbawa o kung sakaling magkaroon ng ang mga anti-estudiyante na mga finorforward na ideas o plano. Mahalaga na nandoon tayo para umapela laban sa mga iyon. Kasabay nito ay tayo rin mismo sa student council ay ang magsasagawa ng iba’t ibang mga activities na kayang maaddress ang concerns at ang tayo rin mismo ang maghahatid ng mga balita o mga plano sa mga students mismo. Aside sa labas sa mga panawagan natin ay dapat mismo na tayo rin ay bahagi ng committee sa loob ng college para maipakita talaga na ang mga estudyante ay may boses sa loob ng kolehiyo.

Jariel: Kinikilala nating mahalaga talaga ang pagforward ng ating mga hinaing sa mga sangay na dapat nating patuloy na sinisigil. Maliban doon ay babalik tayo sa ating pag-aarouse, organize, at mobilize dahil ang mga kampanya natin ay hindi natin mapagtatagumpayan kung wala iyong nagkakaisa talaga na malaking hanay ng sangkaestudyantehan upang mapressure talaga ‘yong admin natin na magtake accountability as well as gampanan ang kanilang role as admin. Dagdag pa rito, hindi natin mapapalawak ang ating hanay kung hindi tayo nagkakaroon ng iba’t-ibang efforts (online and on-ground efforts) at pagsiguro talaga na mapatimo ang kahalagahan ng ating student participation sa mga ganitong issue. Kaakibat no’n ay iyong mga finoforward natin ay dapat na nagmumula sa studentry so mahalaga ang kanilang participation sa pagforward ng ating mga panawagan as students. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Sa harap ng patuloy na pagtaas ng cost of living at bilang mga media production students ay ang production-related expenses, paano mo nakikita ang papel ng student council sa pagtataguyod ng suporta para sa mga estudyante ng CDC?

Mundo: Ang problemang ito ay lulundo sa kakulangan ng budget natin sa loob ng kolehiyo. Pero aside rito dapat igiit sa admin na magkaroon ng maayos na budget allocation gawa ng itong mga production-related materials sa loob ng CDC ay talaga namang mahal at hindi accessible sa lahat ng mag-aaral natin. Imbes na hayaang nahihirapan ang mga students na maghanap ng kani-kanilang mga sources sa kung paano nila makukuha ang mga iyon ay tayo mismo ang magdemand sa admin na magprovide para sa mga students dahil dapat parte ito ng libreng edukasyon na natatamasa natin. Kasabay nito, pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga organisasyon lalo na sa mga iba pang constituents na maaaring makatulong para makapagprovide kahit short-term lamang. Pero lulundo pa rin ito sa paghingi ng transparency sa admin na sa dapat ay nabibigyan ng budget ang mga ganoong bagay. At doon din sa mga panawagan na hindi na dapat tayo nagkakaroon ng budget cut pa sa ating pamantasan.

Jariel: Bilang konseho mahalaga ang ating pakikipag-ugnayan sa admin. Hindi na tayo magpapakasapat na wala silang budget for it kaya mahalaga ang pagkakaroon ng paghingi ng transparency and accountability for them dahil kung tutuusin ay hinihingian ang konseho ng budget breakdown pero kung sila man ay hindi makapagbigay ng ganoon, bakit ang konseho mismo ay kayang makapagprovide ng ganoon? Sa ganoon kasi ay malalaman natin kung paano naaallocate ang budget ng ating kolehiyo. Dagdag pa rito, ipagpapatuloy natin ang kampanya laban sa budget cuts kaisa ng mga alyansa tulad ng Defend UP dahil imbes na napupunta sa sektor ng edukasyon ang mga budget natin on a national level, inilalaan ito sa mga counter-insurgency na funds at confidential funds. Pagkalampag talaga sa mga sangay ng gobyerno para iallocate ito sa sektor ng edukasyon. Kung babalikan natin ang 6% nating GDP, 2% lamang ang naaallocate. Mahalaga ang pagkakaroon at pagpapatibay ng ating mga mass campaign laban sa sa mga ganitong isyu, kung magiging passive lamang tayo ay patuloy lang din tayong mababawasan ng budget–patuloy lang din nating mararanasan ang kakulangan sa prod materials. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Kung pipili ka ng isyu sa CDC na pinakagugustuhin mong tuklasin at lutasin sa iyong termino, ano ito at bakit?

Mundo: Ito iyong mga proseso na kinakaharap ng ASDC na sa kung tutuusin ay sobrang makikita na may mga kahirapan talaga pagdating sa prosesong mga kinakaharap ng ASDC constituents. Tulad na lamang ng mga POS at enlistment kung saan sila ang hindi nakakakuha ng units imbes na sila dapat ang napr-prioritize. Gusto ko sanang maging kaisa nila sa pagsasagawa ng mga policies na hindi nasasacrifice ang quality of education na nakukuha nila at hindi nasasacrifice ang stay nila sa loob ng DevCom. Upang makatulong din sa pagsosolusyon ng ganoong concerns, mahalaga na talagang makuha ang datos o experience ng ASDC constituents natin at makuha ang mga poosibleng mga bagay na gusto nilang mangyari para kahit papaano ay matulungan natin silang iusap iyon sa admin. At para na rin makagawa ng kongkretong mga plano at mga kongkretong sistema para sa kanila.

Jariel: Pagkakaroon ng curriculum review. Nagc-cause rin kasi talaga ito ng delay, stress, burnout, at mga bureaucratic processes relating sa ating courses lalo na’t nagtitake tayo ng electives labas sa ating kolehiyo. Dagdag pa roon ang sustainable partnerships na lulundo sa curriculum talaga. Dapat na magkaroon ng say ang mga students sa mga pagbabago sa ating curriculum kasi rito natin mailalapat kung ano ang dapat maisaayos sa ating kurikulum. Mas macoconsider din hindi lang ang students kun’di pati ang faculties. Mula sa mga impormasyon na nakalap sa mga students, maraming mga suhestyon ang mga students patungkol dito kaya dapat na patuloy na magkaroon ng pagbabago sa ating kurikulum na lapat talaga sa ating lipunan at tunay na development communication na ating isinusulong. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)


Mga katanungan para sa SAKBAYAN – CDC

TANGLAW: Habang binibigyang pansin ang mga national issues, paano ninyo titiyakin na ang mga pang-akademikong isyu sa college ay hindi malilimutan sa agenda ng konseho?

SAK: Bilang dapat na autonomous, democratic, at truly representative ang konseho, patuloy nating babalikan ang mga prinsipyo natin kung saan finoforward talaga natin ang concerns at panawagan ng studentry as student council nga. May malaking epekto ang national issues sa sektor ng edukasyon kaya patuloy nating ikakampanya ang iba’t ibang isyu sa loob o labas man ng kolehiyo upang masiguro na hindi lamang short-term ang ating maibigay sa studentry–kun’di long term at mas root iyong susugpuin nating isyu. Kaya rin may mga komite sa loob ng konseho ay para masiguro na hindi mapag-iiwanan ang mga students sa mga problemang danas nila. Kaya naman sa bawat planong isinasagawa ng council, laging nacoconsider ang danas ng students sa kung paano natin maipapatagos iyong mga bagay na ginagawa natin para maaddress ang national issues na ito at maaddress din iyong mga pangangailangan ng students. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Kahit nagbabalik na ang face-to-face classes, marami pa ring problema sa online learning integration katulad na lamang ng slow wifi at kakulangan ng devices. Bilang isang progresibong partido, paano ninyo ihahain ang solusyon para sa accessible at text-supported education?

SAK: Pinanghahawakan natin ang pro-student na pag-aksyon sa mga isyu. Bilang napagtagumpayan natin ang ating kampanyang “UPLB Walang Iwanan” ating patuloy na ifoforward ang mga aksyon kung saan walang mapag-iiwanan na students dahil nga iba-iba ang ating material conditions tulad na lamang ng sektor ng UP dormers kung saan walang maayos na koneksyon sa internet at wala ring air-conditioned or conducive na study space. Dahil diyan, finoforward natin na sa minimum ay magkaroon ng suspensyon ng classes o maging asynchronous na lamang ang mga classes dahil sa ganitong paraan ay magiging flexible at naaayon sa kapasidad ng estudyante na tumugon sa kanilang mga academic requirements. Sa maximum naman ay patuloy pa rin tayong mangangalampag sa admin na gampanan talaga ang kanilang tungkulin sa kanilang constituents na magkaroon ng standardized na pagtugon sa mga ganitong isyu o kinahaharap na sitwasyon. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: May mga ulat ng red-tagging at harassment ng mga student activists sa iba’t ibang UP campuses at pati na rin dito sa UPLB. Bilang bahagi ng SAKBAYAN, paano ninyo titiyakin ang protekstyon ng karapatan sa organisasyon at pagpapahayag ng mga estudyante sa CDC?

SAK: Mariin nating tinututulan ang red-tagging at iba’t ibang uri ng panghaharass sa mga constituents natin. Bilang bahagi ng konseho, mayroon na tayong tinatawag na “UPLB Safe Haven Resolution” at upang mas makapagbigay ng proteksyon, tayo mismo dapat ang kumalampag sa admin na mas iimplement ito nang maayos. Hindi lang sa loob kolehiyo kun’di sa buong pamantasan at lahat ng iba pang UP constituents. Bilang kabahagi ng estudyante, dapat na tayo ang genuine na magrepresenta ng students natin lal na sa CDC na hindi dapat tayo pinipigilan ng kung sino man na makapagpahayag at makapag-organisa lalo na tayo ang nagpapahayag para sa interes ng masa. Dapat na panindigan ng admin ang paniniguro nila sa welfare ng mga estudyante at magbigay ng suporta pampinansiyal man o lohistikal sa mga biktima ng red-tagging. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan natin sa iba’t iba pang mga alyansa tulad ng YAPJUST-UPLB at pagpapasagot ng survey ng “Safety Nest” upang maiforward sa admin ang kongkretong datos patungkol dito at magkaroon sila ng aksyon sa ganitong usapin. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)

TANGLAW: Isang isyu rin ng accessibility o information gap ay ang mga student services lalo na sa mga first-year at transfer students. Bilang SAKBAYAN, paano niyo iaaddress ang information and service gap na nararanasan ng ating CDC constituents? May nakikita ba kayong interventions tulad ng mga orientation series, info drives, at buddy systems?

SAK: Bubuhayin natin ang kultura ng pagkakaroon pa ng mas on-ground efforts upang mailapit pa sa studentry na may mga ganitong services na kanilang pwedeng maaccess. At bilang mga devcom students, ipagpapatuloy natin ang pagpapaskil sa ating mga bulletin boards upang makita ng sangkaestudyantehan na may available services na pwede nilang malapitan. Bilang pagpapatibay ng relasyon ng konseho at students, masiguro talaga na malalapitan ng studentry ang councils upang mapagtanungan sa mga ganitong impormasyon. Maganda na bilang student council, magkaroon din tayo ng maayos na coordination sa Freshman Council sa kung paano nila idedeliver ang ganoong information sa freshmen ng college natin. Kasabay rin nito ang pakikipagcollaborate sa iba pang mga colleges at iba pang college student councils upang makapagsagawa ng orientation at EDs na magfifeature ng student services na available rito sa UPLB at iba’t ibang colleges na mayroon. (Pindutin ito upang makabalik sa “dapat mong malaman”)


■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya