Tayo ay nahaharap sa isang panahon kung saan lantaran ang nangyayaring pagsisinungaling at pagpapakalat ng disimpormasyon. Lalong humahagupit ang impunidad at pamamasista sa iba’t ibang aspeto ng ating lipunan, lalo na sa mga nangangahas na tumindig at lumaban para sa mga batayang karapatan ng mamamayan. Kasabay nito, mayroong pangangailangan sa isang pahayagang maaasahan hindi lamang sa pagbabalita, kundi sa pagbibigay-linaw sa konteksto sa likod nito.
Sa ganitong konteksto binubuksan ang Tanglaw — ang kauna-unahang pahayagang pangkolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, mula sa mga mag-aaral ng kauna-unahang kolehiyo ng komunikasyong pangkaunlaran sa buong Asya.
Ito ay isang makabagong pahayagan, na angkop sa sinasabing pagiging purposive, value-laden at makamasang tasa ng ating larangan. Layunin nito ang maging bulwagan ng mga balita at istoryang nagpapaliwanag ng mga kaganapang mahahalaga, at ang pagpapalitaw ng isang mapagpalayang pagtingin sa mga problemang bumabagabag sa ating lipunan.
Ang aming panata
- Magiging maaasahang tagapagbalita ang Tanglaw ng mga kaganapan sa loob at labas ng ating kolehiyo. Ang bawat istorya ay titingnan mula sa pananaw ng isang Devcom reader.
- Ipapaliwanag at papalalimin ng Tanglaw ang kaugnayan ng mga napapanahong balita at isyu sa mga pinag-uugatan nitong salik.
- Patuloy na panghahawakan ng Tanglaw ang matagal nang pagpapahalaga ng alternatibong media sa isang kritikal na pagtindig sa mga isyu.
- Bilang isang pahayagan, dadalhin ng Tanglaw ang ilang mga isyung malapit sa mga mambabasa nito sa pamamagitan ng isang agresibong pagtutok at pangangalampag.
- Nais ng Tanglaw na maging isang babasahing hindi sasayangin ang oras ng mga mambabasa.
Polisiyang editoryal
Dito sa Tanglaw ay pinahahalagahan namin ang wastong impormasyon sa aming mga istorya. Kung ikaw ay may nais linawin sa anuman sa aming mga nailathala, magpadala ng email sa cdcstudentnewspaper@gmail.com. Ilagay ang subject na [Pagwawasto] at asahan ang aming agarang pagtugon.
Ang anumang opinyon ng mga Tanglaw columnists, reporters, at editors na inilathala ng pahayagan ay pinanghahawakan lamang ng sumulat, at hindi nito sinasalamin ang opinyon ng kolehiyo, student organizations, at iba pang institusyon sa UPLB CDC.
Editorial Board
Ang mga bumubuo sa Tanglaw Editorial Board ay mga subok na sa pagbabalita — isang grupo na dinala ang pinagsama-samang kakayahan para sa mga mag-aaral ng Devcom. Sila rin ang bumubuo ng polisiyang editoryal ng pahayagan at nagpapanatili ng kritikal, militante, at progresibo nitong pagtingin sa mga isyung panlipunan.

Ian Raphael Lopez
Editor in Chief
Si Ian (BSDC Batch ’20) ang founding editor in chief ng Tanglaw, bitbit ang karanasan mula sa mahigit na sampung taon sa mga media outfits gaya ng UPLB Perspective at PUP Campus Journalists.

Reuben Pio Martinez
Managing Editor
Tungkulin ni Ben (BSDC Batch ’19) na pangasiwaan ang araw-araw na daloy ng coverage ng Tanglaw, kung saan akma ang kaniyang karanasan bilang dating news editor ng UPLB Perspective.
Department Editors

Mar Jhun Daniel
Associate Managing Editor for Shortform Reporting
Mula sa pagiging kauna-unahang political reporter ng Tanglaw, responsibilidad ni Mar Jhun (BSDC Batch ’21) ang mga maiikli at mabilisang ulat ng pahayagan sa social media platforms.

Neil Andrew Tallayo
Associate Managing Editor for Longform Reporting
Nagsimula si Neil (BSDC Batch ’22) bilang isa sa mga unang features reporter ng Tanglaw. Siya ang nakatoka sa lahat ng mga istorya ng pahayagan sa website sa print editions.

Andrea Bodaño
Associate Managing Editor for Opinion
Ang flagship columnist ng Tanglaw, si Andy (BSDC Batch ’20) ang nangangasiwa sa mga tindig ng pahayagan at ng mga kolumnista nito sa mga napapanahong isyu.

Dan Alexander Abas
Associate Managing Editor for Media Resources
Kilala si Alab (BSDC Batch ’22) bilang isang mahusay na photojournalist, at ang kaniyang mga kuha ang naging pundasyon ng visual coverage ng Tanglaw.

Aliah Yzabel Ombania
Associate Managing Editor for Distribution
Nagsimula bilang photojournalist sa Tanglaw, si Lilay (BSDC Batch ’23) ang nasa likod ng aktibong presensya ng pahayagan at sinisiguradong maaabot nito ang mga Devcom readers.

Jerome de Jesus
Associate Managing Editor for Internal Affairs
Tinitiyak ni Jeom (BSDC Batch ’21) ang maayos na kalagayan ng mga miyembro ng Tanglaw at ang panloob na pagpapatakbo ng pahayagan.

Marius Cristan Pader
Associate Managing Editor for External Affairs
Tungkulin ni Marius (BSDC Batch ’21) ang bukas na komunikasyon ng Tanglaw sa mga mambabasa at ang pakikipagtulungan sa mga UPLB student organizations at formations.
Section Editors
Angelo del Prado
News Editor
Si Gelo (BSDC Batch ’20) ang nangangasiwa sa pagbabalita ng Tanglaw, buhat ng kaniyang karanasan bilang isa sa mga unang news writers ng pahayagan.
Princess Leah Sagaad
Breaking News Editor
Nakilala si Leah (BSDC Batch ’21) sa mabilisang pagsusulat at pagsisinop ng mga detalye mula sa mga coverage gaya ng General Assembly of Student Councils.
Denyll Frances Almendras
Features Editor
Responsabilidad ni Cheechee (BSDC Batch ’21) na ipagpatuloy ang kinikilalang feature journalism ng Tanglaw: mga istoryang kritikal na sinisiyasat ang mga isyu sa ating lipunan.
Jan Paolo Pasco
Sports Editor
Para sa Tanglaw, itinayo ni Pao (BSDC Batch ’21) ang kauna-unahang sports department ng anumang pahayagan sa UPLB, kung saan ibinabalita at binibigyang-pansin ang pausbong na sporting scene.
Benet Papag
Photos Editor
Katuwang ang photojournalists ng Tanglaw, sinisiguro ni Benet (BSDC Batch ’20) na maipapamalas sa mga mambabasa ang pinangyarihan ng mga balita sa pamamagitan ng mga litrato.
Beaula Frances Buena
Layout Editor
Pinapanatili ni Beauls (BSDC Batch ’21) ang design language ng Tanglaw at sinisigurong katuwang ng pagbabalita ang disenyo upang mas maipaintindi ang mga komplikadong balita.
Sean Gabriel Algar
Graphics Editor
Bilang isa sa mga kilalang artist sa local scene, ginagamit ni Gab (BSDC Batch ’20) ang kaniyang kakayanan upang gamitin ang graphics para sa pagbabalita, gaya ng infographics at illustrations sa mga balita.
Ellyzah Devilleres
Special Projects Editor
Ipinapagpatuloy ni Yza (BSDC Batch ’22) ang nasimulan ng Tanglaw sa shortform
video journalism – ang paggamit nito upang mabilisang ibalita ang mga kaganapan o upang malaman ang pulso ng mga taga-Devcom sa mga nagbabagang isyu.
Stephanie Regalado
Finance Manager
Responsabilidad ni Steph (BSDC Batch ’21) na pangalagaan ang pera ng pahayagan at tumulong sa paggaod ng Tanglaw para sa pondo nito. Siya rin ang humahawak at nag-uulat tungkol sa mga solicitation efforts ng pahayagan.
Katrina Panaligan
Organizational Relations Editor
Katuwang si Kat (BSDC Batch ’21) sa pakikipag-ugnayan sa mga student organizations sa loob at labas ng CDC na nais makipag-media partnership sa Tanglaw, mula sa tatlong CDC student organizations hanggang sa mga university-wide organizations at formations.
Editorial Staffers
Balita
Political Reporter: Jayvee Mhar Viloria
Human Rights Reporter: Jian Martin Tenorio
News Reporters: Mervin Delos Reyes, Kyla Balatbat, Sean Angelo Guevarra, Taj Lagulao, Shaina Masangkay, Marco Rapsing
Science & Technology Reporter: Dave Sy
Lathalain
Reporters: Janelle Macandog, Lourain Anne Suarez, Raleign Pia Camarillo, Jan Carlo Basilio
Opinyon
Columnists: Paolo Miguel Alpay, Thesa Mallo
Sports
Reporters: Maryrose Alingasa, Diana Luspo
Media Resources
Photojournalists: Karylle Payas, Neil Gabrielle Calanog, Christian Tuason, Chlarisse Yap
Special Projects: De Anne Pilapil
Layout Artists: Karl David Encelan, Dianne Barquilla, Jannsen Martinez
External Affairs
Staff: Ian Carlson Panuelos
Kasapian
Kasapi ang Tanglaw ng UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP).

You must be logged in to post a comment.