Ang First Person ay binuo ng Opinion Department ng Tanglaw noong ika-21 ng Pebrero, 2024, upang bigyang-espasyo sa pahayagan ang mga mag-aaral ng College of Development Communication sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang sariling sanaysay. Layunin ng inisyatibang ito na palawakin ang relasyon ng publikasyon sa sangkaestudyantehan ng kolehiyo at bigyang-espasyo ang bawat estudyante na magpahayag ng kanilang mga karanasan, saloobin, at kritikal na pagtingin patungkol sa mga paksang may kahalagahan sa kanila. Upang magpasa ng iyong entry para sa First Person, basahin at sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
- Tatanggap ang publikasyon ng mga kontribusyon mula sa mga mag-aaral ng AS, BS, MS, at PhD Development Communication.
- Maaaring talakayin ng bawat manunulat ang mga paksang malapit sa kanilang mga personal na karanasan sa kolehiyo, Unibersidad, midya, o lipunan.
- Ang ipapasang sanaysay ay dapat hindi lalagpas sa 600 salita. Hindi pa kasama rito ang pamagat ng piyesa, na kinakailangang hindi lalagpas sa 10 salita.
- Ang ipapasang sanaysay ay dapat na sumunod sa mga pamantayan ng responsable at etikal na pamamahayag.
- Ang ipapasang sanaysay ay dapat nakalapat at nakasunod sa Tanglaw First Person Story Template.
- Kinakailangang ipadala ang kontribusyon sa cdcstudentnewspaper@gmail.com, na may subject na “[FIRST PERSON] TITLE” kalakip ang Google Docs link ng sanaysay.
- Sa pagpapasa ng sanaysay, ang bawat manunulat ay kinakailangang maglagay ng kanilang tunay na pangalan kalakip ng ipadadalang email. Sa punto ng publikasyon, maaaring gumamit ng pseudonym o codename batay sa kagustuhan ng manunulat.
- May karapatang magsagawa ng editing ang mga kinauukulan ng Tanglaw sa mga mapipiling sanaysay para sa First Person.

Magpadala na sa First Person!
-

Sa may bahay, pag-asa’y kanilang bati
Merry Christmas nga ba’y maluwalhati?
-

Ang makibaka sa kabila ng lahat
Iilang linggo na lang din ang natitira para sa kasalukuyang semestre, pero hinding hindi naman…
-

Sa pagitan ng ningning at liwanag
Ang liwanag ng dangal ay mas matimbang sa ningning ng kahusayan.

You must be logged in to post a comment.