Featured image: Ang karamihan ng Tanglaw editors at staffers sa taunang family picture noong Disyembre 2023. (Kuha ni Dan Alexander Abas)

Ang pahayagang ito ay hindi lamang binubuo ng mga editors at reporters ng Tanglaw. Simula nang kami ay itatag noong 2022, aming mithiin na magsilbing isang student institution para sa kabuuan ng Devcom. Maisasakatuparan ito sa pagkamit ng Tanglaw ng recognition mula sa CDC administration bilang opisyal na pahayagan ng sangkaestudyantehan ng ating kolehiyo.
Bakit kailangan ito?
Ang pagkakatatag ng Tanglaw ay alinsunod sa Section 21(b) ng Republic Act 9500 o ang UP Charter:
“Subject to due and comprehensive consultation with the students, there shall be a student publication established in every constituent unit and college to be funded by student fees. Freedom of expression and autonomy in all matters of editorial and fiscal policy shall be guaranteed especially in the selection of its editors and staff.”
Kapag nakuha ng Tanglaw ang recognition, makakakuha ito ng budget upang maipagpatuloy ang de-kalidad na pamamahayag nito sa nakalipas na isang taon. Magkakaroon rin ng pagkakataon ang pahayagan na mas mabigyan ng pansin ang mga isyu sa loob ng kolehiyo.
Ang proseso
Ang mithiin ng Tanglaw ay maging student institution. Kagaya ng ugnayan ng University Student Council at ng UPLB Perspective, sinisiguro ng ganitong set-up ang tinaguriang ‘checks-and-balances’ sa pagitan ng student government at press. Labas din ang mga student institutions sa puder ng CDC administration at ng mga student organizations.
Walang dokumentong masusunod ang Tanglaw kung paano ba ang eksaktong paraan ng pagkilala, dahil hindi naman ito isang student organization. Dahil dito, humingi ng payo ang Tanglaw mula sa dinaluhang UP Solidaridad Congress sa Cebu noong Enero 2023. Ang proseso ng pagkilala ng CDC administration ay umiikot sa paggawa ng pahayagan ng sarili nitong Saligang Batas.

Sa kasalukuyan, dumadaan pa sa konsultasyon ang Saligang Batas ng pahayagan. Malugod kaming nagpapasalamat sa CDC Student Council, ang ating CDC student organizations, at sa CDC administration sa kanilang suporta sa pagkuha ng pagkilalang ito. Para sa mas mahabang diskusyon tungkol sa naging usad ng recognition process noong 2023, basahin ang Editorial Notebook column na isinulat ni Ian Raphael Lopez, Tanglaw editor in chief.


You must be logged in to post a comment.