Nagluluksa ako habang isinusulat ang piyesang ito. Ang bigat ng mga balita ngayong gabi, at hindi ko pa rin alam kung paano ipoproseso ang mga ito. Natutulala ako sa pagitan ng mga segundo. Naluluha. Nabibigatan. May magkahalong takot at galit sa aking dibdib.
Lahat-lahat ng mga ‘to ang rason ko sa pagsulat.
Unang itinuturo sa mga aktibista na bagaman ang kamatayan ay sumasapit sa lahat ng tao, nag-iiba ang kabuluhan nito—maaaring ito ay higit na mabigat kung ikukumpara sa isang bundok o higit na magaan kaysa isang balahibo. Sa ganitong lente ko inuunawa ang malalim na kahulugan ng buhay at kamatayan ng mga taong naglilingkod sa bayan, tulad nina RJ Ledesma na isang manunulat para sa masa at Alyssa Alano na nagpasyang makipamuhay sa mga magsasaka upang matutuhan ang lipunan lampas sa tarangkahan ng kan’yang pamantasan.
Kabilang sina RJ at Alyssa sa libo-libong biktima ng pasistang estado. Ang kasalanan nila, tulad ng iba pang pinatay na mga aktibista, magsasaka, manggagawa, organisador, at mag-aaral, ay ang pagpapasyang magsilbi sa sambayanan.
Hindi ko personal na kakilala sina RJ at Alyssa, ngunit marahil ito ang patunay sa reyalidad na ‘sing bigat ng bundok Sierra Madre ang kanilang kamatayan. Sila ‘yung mga ‘di pangkaraniwan, mga aktibistang piniling lumubog sa masa. Mahapdi sa mata ang kanilang pagkamatay dahil ang kanilang mga pangalan ay hindi lamang pangalan—paalala ito ng kadakilaang dala ng pag-aalay ng buhay para sa masa.
It is by recognizing their agency—their conscious choice to participate in the struggle for social justice—that we can make sense of how they have not only interpreted the world, but indicted it and decided that it must be changed. And this applies to all of us who have chosen to resist; our resistance cannot be devoid of politics for it is formed by the existing violence in our society and the deep desire for radical restructuring.
Magkakapatid tayo sa pakikibaka ‘pagkat pare-pareho tayong anak ng lipunan, na tumutugon sa hamong magsilbi sa masa.
Malapit ang reyalidad na ito sa akin sapagkat ilang beses na ring dumating sa akin ang mga balita tungkol sa mga kasamang pinapaslang ng estado. Mas’yado raw silang radikal. Indoctrinated daw sila ng ideolohiyang komunismo. Na-recruit daw sila para sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.
Bulok na bulok ang ating sistema, kung kaya’t marahil totoo ngang radikal ang maghangad ng tunay na pagbabago. Kung komunismo ang pakikibaka para sa katarungan, tangan ang pag-ibig para sa bayan, marahil komunista nga ang masang lumalaban.
At kung kikilalanin natin ang reyalidad na gumagana ang sistema kung paano ito nakadisenyong gumana—para samantalahin ang mga mamamayan—makikilala rin natin ang rason kung bakit may mga indibidwal na nagpapasyang tumangan ng armas.
The blood spilt in the countryside—of activists and of revolutionary fighters—is deeper than how it is portrayed in state and mainstream media narratives. State forces will always deem armed struggle, and all forms of struggle, as senseless violence, but the people’s struggle will always inevitably persist because there is nothing more violent than the conditions that sustain it—poverty, landlessness, unjust distribution of wealth, blatant militarization, and imperialism.
These forms of violence existing in and enabled by the status quo, often unseen in official narratives, shape the lives—and deaths—of many.
Mula sa ganitong konteksto, malinaw na hindi sapat ang simpleng paliwanag na engkwentro ang dahilan kung bakit namamatay ang mga aktibistang pinipiling tumungo sa kanayunan para mas pagsilbihan ang mga mamamayan. Hinding hindi mabubura ang madugong kasaysayan ng marahas na estado. Ang Armed Forces of the Philippines at ang lahat ng puwersang kinakasangkapan ng estado para sa marahas nitong mga interes ay mga berdugo.
Sinusubukan nilang tanggalin ang kabuluhan ng mga buhay na kanilang ninakaw sa bisa ng malawakang pagpapalaganap ng black propaganda na nagpapakilala sa mga biktima bilang hindi mga tao. Kung kaya’t hindi mali ang pagyakap sa bigat ng mga nawala—direkta itong pagtanggi sa pagsisikap ng estadong agawin pati ang kahulugan ng kanilang nagdaang buhay.
And so we shall mourn tonight. Some of us, especially those closest to the victims, will write eulogies and stories. Some will write poems. Some will write essays, as with what I am doing now. We shall mourn and shed tears. We shall embrace the weight of their deaths, and in this tight embrace shall we acknowledge the truth that it is imperative that we demand accountability.
When dawn arrives, we shall have our fists clenched and our calls for justice renewed—justice not only for RJ and Alyssa, but for the larger society, the toiling masses, that they have dedicated their lives to.
Kakambal ng pagpupugay sa lahat ng mga biktima ng estado ang paniningil sa ninakaw na dugo ng mga pasista at pagpapanawagang wakasan ang militarisasyon sa kanayunan.
The lives that those like Alyssa Alano, RJ Ledesma, Chad Booc, Kal Peralta, and many more youth activists have lived shall remind us of what being an iskolar ng bayan truly means: to possess the unrelenting willingness to commit both time and body to causes far larger than ourselves.
Para sa mga kabataang estudyanteng katulad ko, umaasa akong magsisilbing aral ang mga alaalang iniwan sa atin ng mga yumaong kapatid natin sa pakikibaka. Nawa’y maunawaan nating labas sa ating mga pamantasan, tungo sa matatayog na kabundukan at malalawak na katubigan, do’n natin mahahanap ang tunay na kabuluhan ng pag-aaral.
I say all this in recognition of the fact that some of us, after hearing the tragic news, may feel demoralized. Grief can paralyze us, but it also has the power to clarify our deepest contradictions.
As we commemorate the lives lost in the state’s violent war against the people, we must accept the reality that commemoration alone is not enough. The journey ahead does not deny the prospect of pain and the possibility of death—the path we are taking is neither safe nor easy.
But the weight and profound meaning of the deaths of those who have died before us shall fuel our rage and push us to put our warm bodies out on the streets and in the countryside in collective action for radical change.
May transpormasyong mapapanday mula sa kanilang paglipas: ang ating pag-ibig ay magiging luha at hapis, at ang ating hapis ay magiging galit, at ang ating galit ay magiging motibasyon upang makibaka nang mas masikhay kaysa noon. Matapos dumanak ang kanilang mga dugo, may bagong punla ng pakikibakang sisibol mula sa lupang dating pinaglapatan ng kanilang mga paa.
Pangako ng kasaysayang palaging may isisilang matapos ang bawat kamatayan.
Puno tayo ng pag-ibig. Pag-ibig ang nagtutulak sa ating makibaka. Pag-ibig ang rason kung bakit nagluluksa tayo. Nag-uumapaw na pag-ibig din ang rason kung bakit pagkatapos lumuha, mas lumalakas ang ating pakikibaka para sa ganap na tagumpay. Sa huli’t huli, tayo pa rin iyong mga radikal kung tawagin. ■
Si Luke Cerdenia ay isang mag-aaral ng AS Development Communication na nagsilbi bilang Managing Editor ng Tanglaw noong nakaraang semestre. Kasalukuyan siyang kolumnista ng pahayagan.
Ang First Person ay isang inisyatiba ng Tanglaw na naglalayong bigyang-espasyo sa pahayagan ang mga mag-aaral ng College of Development Communication sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang sariling sanaysay hinggil sa kanilang mga sariling saloobin at karanasan. Ang mga pananaw at opinyon na ipinahayag sa artikulong ito ay pawang sa may-akda lamang at hindi sumasalamin sa opinyon o tindig ng kabuoan ng Tanglaw.


