UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MINDANAO | AGOSTO 6

Mula sa UP Mindanao, nagtipon-tipon ang mga lider-estudyante ng iba’t ibang mga konseho sa buong UP System upang ipamalas ang nagkakaisang tindig laban sa mga lumalalang krisis sa sistema ng bansa.

Sa pagtatapos ng #GASC61 ay pipili rin ang mga representanteng konseho ng mga UP constituent units ng sunod na hihiranging rehente ng mga mag-aaral na siyang kakatawan sa sangkaestudyantehan ng buong Unibersidad para sa UP Board Regents, ang pinakamataas na lupon na gumagawa ng mga desisyon sa Unibersidad.


Maayong Adlaw!

Ngayong araw ay magsisimula na ang 61st Convention of the General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao.

Manatiling nakatutok sa aming website, tanglawdevcom.org, para sa kumpleto at may kontekstong pagbabalita.


Subaybayan din ang mga kasaping pahayagan ng UP Solidaridad:

@phkule, @mkule, @upboutcrop, @uplbperspective, @pagbutlakupv, @himati, @upcebutugani, @upouthecursor, @upvista_, @tinigngplaridel, @lanogccad, @UPFrontliner, @thepherald, @AngTagamasidUPM, @thestaple_cem, @kalasag_upd, @vitalsigns_upcn, @medrikito, at @UPV_TheAccounts


[As of 1:35 p.m.]
Pinangunahan ni kasalukuyang Student Regent Dexter Clemente ang pagsisimula ng sesyon ngayong araw.

[As of 1:46 p.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho na nakadalo sa unang araw ng pagtitipon.

[As of 1:47 p.m.]
Inihain na ang provisional agenda para sa sesyon.

[As of 1:49 p.m.]
Aprubado na ang provisional agenda.

[As of 1: 55 p.m.]
Sinisiyasat na ng mga konseho ang mga itinakdang house rules para sa pagpupulong.

Larawan ni Ciarla Fernando, UPLB Perspective

[As of 1:58 p.m.]
Nagmungkahi ang UPD USC na amyendahan ang Article 3, Section 7 ng house rules upang limitahan lamang sa dalawang minuto ang manipestasyon ng bawat konseho.  

[As of 2:00 p.m.]
Aprubado na ng lupon ang inamyendahang house rules ng sesyon. Tutungo na ang mga konseho sa susunod na agendum para sa pagtitipon.

[As of 2:01 p.m.]
Naghain ang UPC USC ng mosyon na ipagpaliban muna hanggang sa ikatlong araw ng pagtitipon ang pagbibigay-apruba sa minutes of the meeting ng #GASC61. Aprubado na ang mosyon.

[As of 2:04 p.m.]
Kasalukuyang tinatalakay ng lupon ang Codified Rules of Student Regent Selection (CRSRS).

[As of 2:33 p.m.]
Nagbahagi ng manipestasyon ang CFASC upang pagpugayan ang UP Tacloban bilang pinakabagong autonomous constituent unit ng UP System. Idinagdag sa manipestasyon na sa CRSRS ay maghahain ng pagbabago para sa susunod na GASC upang sundin ang pagbabago na ito.

[As of 2:36 p.m.]
Naghain ang UPV USC ng mosyon na i-adopt na ang version 2026 ng CRSRS. Aprubado na ang mosyon at tutungo na ang konseho sa susunod na agendum ng pagpupulong.

[As of 2:39 p.m.]
Isang presentasyon ang isinasagawa sa pangunguna ni Belle Espiritu, ang kasalukuyang National Vice Chairperson ng League of Filipino Students, upang talakayin ang mainit na isyu tungkol sa Pax Silica.

  • Isinakonteksto ni Espiritu kung ano nga ba ang panukalang proyekto na Pax Silica at kung paano nito direktang maaapektuhan ang mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino.
  • Ayon kay Espiritu, ang Pax Silica ay isang US-Led global supply chain na nakatuon sa paggawa ng mga semiconductor at artifical intelligence (AI) hubs. Dalawampung limang bansa na ang kabilang sa pagsulong nito.
  • Ayon sa kanya, “very little to no transparency” ang Pax Silica Agreement. Nangangahulugan ito na hindi umano natin alam ang mga nakapaloob sa kasunduang maaaring magdulot ng pagkadehado ng bansa habang pinapaboran ang interes ng Estados Unidos.
  • Ikinumpara din niya ang laki ng lupang sasakupin ng Pax Silica sa lupa ng UP Diliman. Halos nasa 500 ektarya ng lupain ang nasasakupan ng UP Diliman habang higit pa sa doble, o may kabuuang higit sa 1600 ektarya na lupain ang sasakupin ng proyekto.
  • Idiniin ni Espiritu na maraming mamamayan sa malawak na lupain sa Luzon Economic Corridor, kung saan itatayo ang mga imprastruktura para sa proyekto, ang direktang maaapektuhan kung itutuloy ang plano.
  • Ani Espiritu, layunin ng US ang technological advancement. Dahil dito, maraming likas na yaman, katulad ng tubig at mineral, ang gagamitin upang maisakatuparan ito
  • Sinasamantala rin umano ng US ang mga likas na yaman ng bansa para sa kanilang pansariling ganansya.
  • Idiniin din ang iba pang layunin ng proyekto. “Pax Silica is not just an economic venture but also a military venture,” saad ni Espiritu.
  • Ayon din kay Espiritu, ginagamit lamang ng US ang Pilipinas sa kompetisyong namamagitan sa pagitan nila ng bansang China.
  • Dagdag ni Espiritu, sa oras na magkaroon ng monopolyo ang US sa mga semiconductor, mas iigting ang kompetisyon para dito. Patunay ito na isang taktikang pangmilitar ang Pax Silica laban sa katunggali nitong bansa, ang China.
  • “We know that Pax Silica is not the first time that the US used the Philippines to get closer to their military rival,” saad nya.
  • Manipestasyon umano ang Pax Silica ng tuloy-tuloy na paggamit ng US sa Pilipinas bilang base-militar lalo pa’t malapit ang ating bansa sa China. Bukod pa ito sa napakarami US military bases sa iba’t ibang bahagi ng bansa. “Tayo ay lunsaran ng gyera para sa US,” saad niya.
  • Aniya, “[Ang] Pax Silica ay tip of the iceberg pa lang.” Giit niya na ang tunay na nakakubling motibo rito ay ang imperyalismo.
  • Pinalawig ni Espiritu ang limang katangian ng imperyalismo: ang production and capital monopoly, export of capital, finance capital, international alliances, at territorial division.
Larawan ni Ciarla Fernando, UPLB Perspective

[As of 3:30 p.m.]
Ibinahagi ng UPTac SC ang limang katangian ang imperyalismo. Kabilang na rito ang production and capital monopoly, export of capital, finance capital, international alliances, at territorial division.

[As of 3:32 p.m.]
Ayon naman sa UPD CFA SC at UPLB CEM SC, ang imperyalismo ay ang pinakarurok at ang pinakanabubulok na anyo ng kapitalismo.

[As of 3:34 p.m.]
Sinang-ayunan naman ni Espiritu ang ibinahaging impormasyon ng mga konseho. Matapos ang mga manipestasyon, mas pinalawig niya ang kahulugan ng mga naisaad na limang katangian.

[As of 4:11 p.m.]
Matapos ang naging educational discussion ni Espiritu, nagsagawa ng isang icebreaker ang mga konseho. Nilaro nila ang larong ‘The Boat Is Sinking’ ngunit sa temang “The Imperialist War Is Raging” upang pasiglahin ang lupon.

[As of 4:21 p.m.]
Hiniling ni SR Dexter Clemente na magbigay ng manipestasyon ang mga konseho patungkol sa isinagawang ED sa Pax Silica.

[As of 4:22 p.m.]
Binigyang-diin ng UPLB CHE SC na bilang mga mag-aaral na nag-aaral ng ekolohiyang pantao, malapit sa kanila ang isyu ng Pax Silica sapagkat sinisira umano nito kalikasan, inaagawan ng lupa ang mga mamamayan, at pinagsasamantalahan ang ating soberanya kapalit ng imperyalistang interes ng US.

[As of 4:24 p.m.]
Isang privilege speech ang hiniling na ma-sponsor ng UPMin USC para kay AJ Lozano, ang opisyal na SR nominee mula sa UP Mindanao. Inaprubahan na ang mosyon.

[As of 4:25 p.m.]
Nanindigan si Lozano na ang mga magsasaka ang kauna-unahang dinadagok ng proyektong Pax Silica, bukod pa ang malalang epekto nito sa kalikasan at sa likas-yaman ng bansa. Nanawagan din siya na itigil na ang pagkonsidera sa proyekto.

[As of 4:26 p.m.]
“Malinaw ang nagbabadyang rurok ng imperyalismo ng US laban sa China,” saad ni Lozano. Kaya naman, hinimok niya ang mga konseho, publikasyon, at kabataan na patuloy na makibaka laban sa imperyalismo.

[As of 4:29 p.m.]
Nanindigan naman ang UPMin SOMSC na tutulan ang Pax Silica sapagkat direktang ginigipit umano nito ang kabuhayan ng mga magsasaka at nanawagang mas tutukan dapat ang mga nasa batayang sektor ng lipunan kaysa pagsilbihan ang banyagang bansa.

[As of 4:31 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPD USC upang makapaglahad ang kanilang SR nominee na si Adrian Algas ng sariling manipestasyon.

[As of 4:32 p.m.]
Iginiit ni UP Diliman SR nominee Algas sa kaniyang manipestasyon na nararapat tutulan ang Pax SIlica dahil sa lantaran itong pandarambong at pang-aapi sa ating bansa. Malapit din umano ang isyu na ito sa kanya.

[As of 4:33 p.m.]
Hinikayat din ni Algas ang mga miyembro ng konseho na makibahagi sa Makabayan bloc sa kanilang laban kontra Pax Silica. “Hindi na [ito] kailangan i-probe dahil lantaran na ang pandarambong ng US sa ating bansa,” saad niya.

[As of 4:34 p.m]
Giit naman ng UPV CFOS SC na hindi kailanman magiging tunay ang proyektong Pax Silica na “kaunlaran” kung ang sinasabing pag-unlad ay sumisira ng likas na yaman ng bansa.

[As of 4:36 p.m.]
Samantala, kinukundena ng UPOU SC ang pagiging tuta umano ni President Marcos Jr. sa pagpayag nitong maging kasapi ng Pax SIlica. Kasunod nito, naghain sila ng mosyon upang makapagbigay si UPOU SR Nominee Mariton Manalili ng sariling manipestasyon.

[As of 4:38 p.m.]
Ani Manalili, “Tapos na ang panahon na magagamit nila ang tulad natin, matagal na tayong mulat sa ganitong kalagayan, ang imperyalismo ay nagkukuwanri lamang [na] malakas,   pero pag pinutol natin ang ugnayan natin sa kanila, sila ang mismong babagsak.”

[As of 4:40 p.m.]
Ibinahagi naman ng UPC USC na maging sila sa Cebu ay hindi ligtas sa tuloy-tuloy na pandarambong umano ng US. Kaya’t naghain din sila ng mosyon na mag-sponsor ng isang privilege speech para sa UPC SR nominee na si Athena Romulo.

[As of 4:41 p.m.]
Ayon kay Romulo, talamak ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na tambakan umano ng war machines, missiles, at iba pang pasilidad na pangmilitar ng US sa bansa maging sa kanilang rehiyon. “Higit na kinakailangan po natin na maging anti-pasista anti-pyudal at anti-imperyalista,” ani Romulo.

[As of 4:44 p.m.]
Naghain din ng manipestasyon ang UPD EPPO SC at inihayag na bilang isang kampus na nakatayo mismo sa Clark, Pampanga at malapit sa Subic, hayag na hayag umano ang mga Balikatan Exercises sa bansa. Mariin itong tinutulan ng konseho.

[As of 4:46 p.m.]
Pinagtibay naman ng UPM CPHSC ang mariing pagtutol sa panukalang Pax Silica at kinuwestiyon kung ito ba ay tunay na kapayapaan at kaunlaran na nagtatago lamang sa likod ng maskara ng imperyalistang industriyalisasyon na patuloy ginigipit ang kalusugan ng kapaligiran.

[As of 4:50 p.m.]
Naniniwala rin ang konseho ng UP Visayas na mas pinalalala lamang ng Pax Silica ang kasalukuyang kaayusan. Kasunod nito, naghain ang konseho ng mosyon na tumungo na sa susunod na agendum.

Kaugnay na ulat: https://www.facebook.com/share/p/1DMJcwRMU1/

[As of 4:54 p.m.]
Umapela ang UPOU USC sa pamamagitan ng isang mosyon na sa halip na gumulong agad sa susunod na yugto ng sesyon ay magkaroon muna ng sampung minutong sanity break. Aprubado na ang mosyon.

Magbabalik ang sesyon sa oras na 5:04 p.m.

[As of 5:06 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPM MSC na ipagpatuloy na ang sesyon. Aprubado na ang mosyon.

Nagbalik na ang sesyon sa oras na 5:06 p.m.

[As of 5:08 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPLB CAS SC na mag-sponsor ng privilege speech para kay UPLB SR Nominee Dylen Solomo upang isakonteksto ang kasalukuyang kahirapan na nararanasan ng mga manggagawa at mga mamamayang lumalaban sa rehiyon ng Timog Katagalugan.

Larawan ni Ciarla Fernando, UPLB Perspective
Tunghayan ang buong talumpati ni Solomo dito: https://www.facebook.com/share/v/1TM8siBpjs/

[As of 5:09 p.m.]
Inihayag ni Dylen Solomo, SR Nominee ng UPLB, ang danas ng 800 na mga manggagawa sa Santa Cruz, Laguna na pinatalsik ng San Miguel Integrated Logistics Services Inc. (SMILSI) noong Hulyo 6. Iginiit niya na pag-abuso ito sa batayang sektor ng mga manggagawa.

[As of 5:12 p.m.]
Ani Solomo, patuloy din ang pamamasismo sa Timog Katagalugan. Patunay dito ang ilegal na pag-aresto ng 68th Infrantry atallion kina Christina Pasion at Binay Serrano, mga organisador sa komunidad mula Mindoro.

[As of 5:14 p.m.]
Habang pinaiigting ang sunod-sunod na pagkilos para paingayin ang mga isyu, nanghimok pa rin si Solomo para sa buong suporta mula sa mga konseho upang patuloy na makibaka kasama ang Timog Katagalugan para sa mga batayang sektor ng mga manggagawa, katutubo, magsasaka, at iba pa.

[As of 5:16 p.m.]
Matapos ang talumpati ni Solomo ay nagpatuloy na ang sesyon sa sunod na agendum. Ipepresenta na ng mga konseho ang kani-kanilang mga unit reports.

  • Binigyan ang mga konseho ng 20 minuto para sa kanilang unit reports. Sampung minuto ang ilalaan sa presentasyon habang ang natitira ay para sa question and answer portion.

[As of 5:19 p.m.]
Ang UPV USC ang unang magpepresenta ng kanilang unit report. Kasalukuyang nagbabahagi si Aljo Benedicto, outgoing chairperson ng UPV USC, ng kalagayan ng kanilang pamantasan.

Sundan ang Pagbutlak at The Accounts para sa kanilang live coverage:

[As of 5:42 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPC USC na ipagpatuloy ang sesyon para unit report ng susunod na konseho. Aprubado na ang mosyon.

[As of 5:43 p.m.]
Gumugulong na ang presentasyon ng unit report ng UPC USC.

Sundan ang Tug-ani para sa kanilang live coverage:

[As of 6:07 p.m.]
Naglatag ng mosyon ang UPB USC na magpatuloy na sa susunod na bahagi ng sesyon. Aprubado na ang mosyon.

[As of 6:08 p.m.]
UP Tacloban ang sunod na mag-uulat ng kanilang unit report.

Sundan ang UP Vista para sa kanilang live coverage:

[As of 6:31 p.m.]
Inihain ang panibagong mosyon upang magpatuloy sa presentasyon ng susunod na unit report.

[As of 6:32 p.m.]
Iuulat na ng UP DEPPO SC ang kanilang unit report.

Sundan ang Frontliner para sa kanilang live coverage:

[As of 6:59 p.m.]
Inihain ng UPM SC ang isang mosyon upang magpatuloy na sa susunod na bahagi ng sesyon. Aprubado na ang mosyon.

[As of 7:04 p.m.]
Naghain naman ng mosyon ang UPC USC na magkaroon ng 30 minutong break para makakain ng hapunan ang mga kalahok sa sesyon. Abrubado na ang mosyon.

Magbabalik ang sesyon sa oras na 7:35 p.m.

[As of 7:35 p.m.]
Naghain muli ng mosyon upang muling buksan ang sesyon matapos ang 30 minutong break. Aprubado na ang mosyon.

Nagbalik na ang sesyon sa oras na 7:35 p.m.

[As of 7:37 p.m.]
Sa pagpapatuloy ng sesyon, ang MAKAMASA Tarlac SC na ang nag-uulat ng kanilang unit report. Pinangunahan nina SHS Koronadal chairperson Chester Khyle Toledo at SHS Tarlac chairperson Pia Gilbas ang report.

Sundan ang Medikritiko para sa kanilang live coverage:

[As of 8:06 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPV USC upang magpatuloy na sa susunod na ulat. Aprubado na rin ang mosyon.

[As of 8:07 p.m.]
Nagsisimula na ang UPM USC sa pag-uulat ng kanilang unit report.

Sundan ang The Manila Collegian para sa kanilang live coverage:

[As of 8:30 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPMin USC upang magpatuloy na sa susunod na parte ng sesyon. Agad namang naaprubahan ang mosyon.

[As of 8:31 p.m.]
UPD USC naman ang nag-uulat ng kanilang unit report.

Sundan ang Philippine Collegian para sa kanilang live coverage:

[As of 8:54 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPMin USC na makausad na ang sesyon matapos ang unit report ng UPD USC.

[As of 8:55 p.m.]
Ang susunod na mag-uulat ng kanilang unit report ay mula sa host unit, ang UPMin USC.

Sundan ang Himati para sa kanilang live coverage:

[As of 9:18 p.m.]
Naghain ng isang mosyon ang UPV USC na magpatuloy na ang sesyon para sa susunod na unit report.

[As of 9:19 p.m.]
Tumutol ang UPM MSC sa mosyon ng UPV USC upang maghain ng isa pa muling mosyon sa plenaryo na pansamantala na munang suspendihin ang sesyon hanggang 8:00 a.m. bukas, Agosto 7, upang makapagpahinga na ang mga kalahok na konseho.

[As of 9:20 p.m.]
Aprubado na ang mosyon. Magpapatuloy ang sesyon para sa ikalawang araw ng #GASC61 bukas sa ganap na 8:00 a.m.

Muling magbubukas ang sesyon bukas, Agosto 7, sa ganap na ika 8:00 a.m.

MULA SA UP LOS BAÑOS, NARITO ANG TANGLAW TEAM NA NASA LIKOD NG LIVE COVERAGE PARA SA UNANG ARAW NG #GASC61:
Leonard Magadia, Freesia Grande, Airon Villanueva, Reign Aoalin, Maegan Grace Guevarra, Marcia Luija Astronomo, Emman Andrei Pelobello, Eyah Sy, Clare Marpuri, Wred Marual, Jian Abordo



■ May komento tungkol sa istoryang ito? Ipadala

Iba pang istorya