UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MINDANAO | AGOSTO 7
Mula sa UP Mindanao, nagtipon-tipon ang mga lider-estudyante ng iba’t ibang mga konseho sa buong UP System upang ipamalas ang nagkakaisang tindig laban sa mga lumalalang krisis sa sistema ng bansa.
Sa pagtatapos ng #GASC61 ay pipili rin ang mga representanteng konseho ng mga UP constituent units ng sunod na hihiranging rehente ng mga mag-aaral na siyang kakatawan sa sangkaestudyantehan ng buong Unibersidad para sa UP Board Regents, ang pinakamataas na lupon na gumagawa ng mga desisyon sa Unibersidad.
Maayong Adlaw!
Magsisimula na ang ikalawang araw ng 61st Convention of the General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao.
Manatiling nakatutok sa aming website, tanglawdevcom.org, para sa kumpleto at may kontekstong pagbabalita.
Subaybayan din ang mga kasaping pahayagan ng UP Solidaridad:
@phkule, @mkule, @upboutcrop, @uplbperspective, @pagbutlakupv, @himati, @upcebutugani, @upouthecursor, @upvista_, @tinigngplaridel, @lanogccad, @UPFrontliner, @thepherald, @AngTagamasidUPM, @thestaple_cem, @kalasag_upd, @vitalsigns_upcn, @medrikito, at @UPV_TheAccounts
[As of 8:40 a.m.]
Muli nang nagbukas ang sesyon ngayong araw.

[As of 8:30 a.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho na nakadalo sa ikalawang araw ng pagtitipon:

[As of 8:55 a.m.]

[As of 8:56 a.m.]
Iniulat ni UPLB USC chairperson Zeadrick Roxas ang kasalukuyang lagay ng UPLB sa aspeto ng iba’t ibang isyung kinahaharap ng mga mag-aaral.
- Ayon sa UPLB USC, sunod-sunod ang mga council activities na nailunsad ng UPLB; patuloy din ang pakikipag-usap ng konseho sa admin upang sikapin na tugunan ang mga kahirapang nararanasan ng mga mag-aaral.
- Iginigiit ni Roxas ang pagpapatupad ng student feedback upang kuhanin ang tindig ng mga mag-aaral at kawani patungkol sa four-day work week.
- Kaugnay na ulat tungkol sa four-day work week: https://www.facebook.com/share/p/19LeKzjoqM/
- Ayon kay Roxas, matagumpay na napatalsik ng sangkaestudyantehan dating GE director ng UPLB sa pamamagitan ng sama-samang puwersa ng iba’t ibang sektor, administartive staff, at sangkaestudyantehan.
- Tuloy-tuloy din ang pangangampanya ng konseho para sa mas maayos na enrollment system para sa mga mag-aaral.
- Upang ibsan ang gastos ng mga mag-aaral, na-clinch ng konseho ang pagpapatanggal sa mga ibinebentang laboratory manuals sa pamantasan.
- Tuloy-tuloy din ang laban para sa pagbuo ng Communication on Management of Student Spaces.
- Ipinaglalaban din ng mga konseho sa UPLB ang tuloy-tuloy na kampanya para sa mas mataas na badyet ng SAGA at SUPSA.
- Kaugnay na ulat tungkol sa budget ng SAGA at SUPSA: https://wp.me/peiNBW-Z7
- Tuloy-tuloy din ang pangangampanya para sa “No Student Left Behind” campaign laban sa represibong mga polisiya.
- Iniulat din ni Roxas na ikinakampanya din nila ang panawagan para sa dagdag na student housing sa pamantasa, Sa kasalukuyan, ayon kay Roxas, lumolobo ang bilang ng mga non-UP dormitories na hindi makatarungan ang presyo ng renta.
- Kaugnay na ulat tungkol sa kalagayan ng mga dormitoryo sa UPLB: https://www.facebook.com/share/p/1EgP9YRMyJ/ | https://www.facebook.com/share/p/19FXzLL2wH/
- Tuloy-tuloy pa rin ang nangyayaring red-tagging sa mga estudyante. Kaugnay nito, na-adopt ang anti-red-tagging protocol para sa mga estudyante at admin.
- Pinagtitibay ng konseho ang pakikipag-ugnayan sa YAPJUST para sa mga anti-pasistang kampanya.
- Sa kabila ng mga tagumpay, iniulat ni Roxas na pinakamababa ang voter turnout ngayong taon simula noong pandemya. Sinisikap umano nila na tugunan ang hamon na ito.
- Kaugnay na ulat tungkol sa turnout: https://www.facebook.com/share/p/1CPb9oUkqZ/
- Ayon kay Roxas, matagumpay pa rin ang pagsasagawa ng taunang February Fair sa UPLB.
- Kasama rin sa kampanyang bitbit ng UPLB USC ang karapatan ng mga jeepney drivers sa pamantasan.
- Iginigiit ng UPLB USC ang laban para sa mga ruta ng mga driver ng pampasaherong jeep sa paligid ng UPLB.
- Binanggit din ni Roxas ang iba’t ibang mga isyung kinahaharap ng mga komunidad sa UPLB.
- Kabilang sa mga isyung pinaingay ang demolisyon sa Barangay Bambang.
- Kaugnay na ulat tungkol sa demolisyon sa Bambang: https://www.facebook.com/share/p/1EahuEXqVe/
- Matagumpay din umano ang mga aktibidad para sa nagdaang SONA, Sablay2026, at iba pang mga kampanya.

[As of 9:07 a.m.]
Nagsisimula na ang Question and Answer portion. Sampung minuto ang ilalaan para dito.
- Naghain ng katanungan ang UPV SOCTECH SC tungkol sa kung paano ipinatutupad ng UPLB USC ang mga kampanya para sa mas aksesibleng transportasyon sa pamantasan.
- Ayon kasi sa UPV SOCTECH SC, nakatayo sa bundok ang pamantasan ng UPV kung kaya’t mahalaga na mayroong maayos na transportasyon para sa mga mag-aaral.
- Ayon kay Roxas: “Unang-una, mahalaga ang pakikiisa ng mas malawak na hanay ng estudyante at ng iba’t ibang mga sektor sa kampanya.”
- Malaki rin ang naitutulong ng tuloy-tuloy na pag-uulat ng mga UPLB pubs patungkol sa kampanya ng mga drayber.
- Mayroon ding maayos na transport system ang mga pampasaherong jeep sa UPLB.

- Nagtanong naman ang UPD CFASC tungkol sa “red-tagging protocols” na nabanggit ni Roxas sa kaniyang unit report.
- Ayon kay Roxas, sa pagpapatupad nito, mahalaga na well-coordinated sa lahat ng konseho at iba pang sektor.
- Tuloy-tuloy umano dapat ang dayalogo upang ipatupad ang protocol.
- Mahalaga rin ang ugnayan sa YAPJUST.
- Ang inihahain na red-tagging protocols ay nakaangkla sa red-tagging resolution ng OSR

- Nagtanong naman ang UP MedSC tungkol sa tugon ng UPLB USC sa non-representation ng mga mag-aaral sa acad review committees.
- Ayon kay Roxas, Zed Roxas: nakapailalim sa iisang banner o kampanya ang lahat ng repressive academic policies. Ang kampanya na ito ay ang “No Student Left Behind” na pinangungunahan ng Rise for Education UPLB.
- Ang rationale umano ay dapat walang estudyanteng naiiwan; Ang lahat ng anti-studyanteng polisiya ay ipapasailalim agad sa consolidation kasama ang mga estudyante at konseho.
- Suhestiyon din na magkaroon ng position paper patungkol dito.

- Isang katanungan ang ipinaabot ng UPV USC sa UPLB USC kung paano ang mga mekanismo para sa consolodation ng mga concerns ng sangkaestudyantehan at paano ito napapagtagumpayan.
- “Totoo na hindi binibigay lahat ng ating admin.. Dumadaan pa rin ito sa burukrasya at minsan pa nga ay hinaharang pa tayo,” saad ni Roxas.
- Ayon sa kanya, palaging bumabalik ang konseho sa mga mekanismo bilang mga lider-estudyante upang patuloy na paingayin ang mga kampanyang masa lalo na ang kampanya ng mga mag-aaral.
- Bumubuo sila ng mga alyansa, nagsasagawa ng mga educational discussions, at nagpapatupad ng mga aktibidad upang tugunan ang mga concern.

[As of 9:18 a.m.]
Naghain naman ang mosyon ang UPD USC na magpatuloy na sa ikalawa sa pinakahuling unit na mag-uulat.
[As of 9:20 a.m.]
UPOU USC ang sunod na mag-uulat ng kanilang unit report.
Sundan ang The Cursor para sa kanilang live coverage:
[As of 9:44 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPD ArkiSC para magpatuloy na sa susunod na bahagi ng sesyon. Aprubado na ang mosyon.
[As of 9:45 a.m.]
Gumugulong na ang unit report ng UPB USC, ang UPB USC ang pinakahuling mag-uulat ng kalagayan ng kanilang campus unit.
Sundan ang UP Baguio Outcrop para sa kanilang live coverage:
[As of 10:06 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPV USC na magpatuloy na sa susunod na agenda matapos matapos ang lahat ng unit report. Aprubado na ang mosyon.
[As of 10:07 a.m.]
Gumugulong na ang term report ng Office of the Student Regent. Nag-ulat si SR Dexter Clemente ng mga suliranin at hamon ng UP System.

- Ipinaglaban ang pagpapalawak ng mga student services para sa mga iskolar ng bayan.
- Bumuo ang UP OSR ng isang budget critique na ipinamahagi para sa lahat.
- Isinulong din ang proposal kung saan dapat mapunta ang mga budget ng Unibersidad.
- Nakamit ang pinakamataas na pondo ng UP sa kasaysayan ngayong taon.
- Tuloy-tuloy ang laban para magamit at maging maayos ang alokasyon ng mga pondo upang mapakinabangan ng mga mag-aaral.
- Tuloy-tuloy ang laban kontra sa mga represibong polisiya.
- Isa na rito ang Return Service Agreement na patuloy na kinakampanyang tutulan sa pamamagitan ng mga dayalogo.
- Maghahain ng BOR position paper kalakip ng mga siyung kinahaharap ng mga pamantasan.
- Tumututol ang opisina sa komersyalisasyon at pribatisasyon sa mga pamantasan.
- Pinaiigting din ang pagtutol sa komersyal at pribadong pagpapatayo ng UP SDG Park na maaapektuhan ang ilang komunidad sa UP Diliman.
- Patuloy ang pakikibaka ng OSR laban sa pamamasismo ng AFP-PNP sa loob ng pamantasan at sa bayan.
- ]Bumisita si SR Dexter Clemente sa UP Mindanao upang patuloy na tutulan ang presensya ng 11th RCDG at iba pang presensya ng militar sa UP Mindanao.
- “Wang puwang ang pasistang estado na kumikitil sa buhay ng mga iskolar ng bayan.”
- Mariing kinokondena ni Clemente ang pamamasista ng estado kay Alyssa Alano at sa iba pang bahagi ng Toboso 19.
- Isinusulong ng opisina ang mga kampanya para sa hustisya para sa buong Negros 19.
- Nakibaka ang OSR para singilin si Marcos at Duterte sa kanilang mga kasalanan umano sa sambayanan.
- Pinagpugayan din ni Clemente ang makasaysayang walkout ng mga pamantasan sa buong UP System.
- Tuloy-tuloy din ang panawagan ng OSR na patalsikin at panagutin si Bise Presidente Sara Duterte at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- “Ang opisina ay sumanib sa pakikibaka ng sambayanan.” Lumalabas din umano si Clemente sa mga komunidad upang makipamuhay at makibaka.
- Naglabas ang OSR ng mga memo ngayong taon at sa nagdaang taon upang bigyang direksyon ang tunguhin ng buong UP System.
- Nakalagay sa memoranda ang iba’t ibang kampanya at pagkilos na binibitbit ng opisina.
- Inisa-isa rin ni Clemente ang mga UP Summits na isinagawa sa ilalim ng kaniyang termino.
- “Tayo ay nangahas na makibaka at nangahas na magtagumpay.”
[As of 10:26 a.m.]
Pinagpugayan ng UPLB CDC SC sa isang manipestasyon ang matagumpay na termino ng OSR at ni SR Dexter Clemente. Ayon kay Ivan Combate, chairperson ng UPLB USC, malaki ang naitulong ng mga ikot ni Clemente sa mga pamantasan. Isa na rito ang pagbisita ni Clemente sa UPLB upang ituro ang budget critique na nakatulong umano sa kanila upang isulong ang laban sa pondo.
[As of 10:29 a.m.]
Sa manipestasyon ng UPC USC, binigyang-diin nila kung paano ginamit ng opisina ang mga pagpupulong upang i-expose at paigtingin ang kampanya laban sa komersyalisasyon.
[As of 10:30 a.m.]
Pinagpugayan ng UPD CAL SC ang suporta ng OSR laban sa mga kaso ng komersyalisasyon katulad ng kampanya konta SGD Park. Isa umano itong hamon sa susunod na rehente na ipagpatuloy ang pakikiisa sa ganitong mga laban.
[As of 10:32 a.m.]
Nagpahayag ng suporta ang UPLB CEAT SC sa kampanya ng OSR laban sa SDG Park. Inihayag din nila ang nagbabadyang komersyalisasyon sa UPLB. Isa na rito ang nagbabadyang pagpapatayo ng isang indusrial park sa UPLB. Ayon sa UPLB CEAT SC, inaasahan nila ang suporta ng opisina upang hindi matuloy ang proyekto.
[As of 10:34 a.m.]
Isang manipestasyon ang inihain ng UPM USC upang ilantad ang budget insertions na nadiskubre nila sa kanilang CU. Ayon sa kanila, dapat mas pagtibayin ang kampanya sa budget fight. Hindi lamang umano sapat ang mataas na budget, dapat ay naiilaan ito sa tamang pamamaraan. Kaya naman, pinagpupugayan ang mga harangarin at polisiya ng OSR upang tugunan ang usapin.
[As of 10:36 a.m.]
Pinagpugayan ng UPB USC si SR Clemente sa pagsama sa isang courtesy call kung saan ay nakakuha sila ng maraming commitment katulad ng pagdaggdag ng student spaces at pagsasayos ng ibat ibang mga espasyo sa UP Baguio.
[As of 10:37 a.m.]
“Mahalaga na mas paunlarin pa natin ang mga naisagawa ng ating 42nd Student Regent,” saad ng UPD USC lalo na’t papalapit na ang pagpili ng sunod na rehente ng mga mag-aaral. Mainam umano na mas isulong ang mga pagpupulong sa mga units upang mapakinggan ang kani-kanilang mga kampanyang nais bitbitin.
[As of 10:40 a.m.]
Nagbigay ng manipestasyon ang UPD CSSC upang bigyang diin ang kakulangan sa mga kagamitan sa pamantasan na danas umano ng mga mag-aaral sa kanilang kolehiyo. Ayon pa sa konseho, sinasagot ng mga mag-aaral ang pinambabayad sa mga kagamitan sa ilang mga pagkakataon.
[As of 10:44 a.m.]
Nagpahayag naman ang UPM SHS Koro SC ng pakiusap na mas palawigin at paigtingin ang kampanya laban sa Return Service Agreement.
[As of 10:45 a.m.]
Binigyang-pagpupugay ng UPC USC ang pagmomobilisa ng OSR upang palawigin ang mga kampanya sa kabila ng pagiging malayo sa Luzon.
[As of 10:46 a.m.]
Kinilala ng UPB USC ang naging makabuluhang termino ng OSR. Sa kabila nito, naghain ng suhestyon na sa susunod na termino, paunlarin ang preparasyon sa mga campaihn line na bitbit ng mga mag-aaral upang konsolidado ang puwersa ng CU.
[As of 10:47 a.m.]
Nagpaabot ng pagpupugay ang UPTac SC sa OSR dahil kasama sila sa pinaigting na kampanya sa pagkundena ng pamamasismo at militarisasyon sa Tacloban.
[As of 10:48 a.m.]
Binahagi ng UPOU USC na kasalukuyang binabarat ng estado ang mga mag-aaral. Ngunit binigyang-pagkilala ang opisina bilang kasangga sa mga kampanya pagbibigay-hustisya samartir ng Toboso 19. Kaugnay nito, naghain ng mosyon ang UPOU USC na mag-sponsor sila ng isang privilege speech para sa kanilang SR nominee na si Mariton Manalili.
[As of 10:50 a.m.]
Aprubado na ang mosyon. Naghain na ng kaniyang talumpati si Manalili.
[As of 10:52 a.m.]
Ayon kay Manalili, malaki ang pangangailangan ng OSR na mas pagtibayin ang ugnayan nito sa UP Solidaridad at iba pang alyansa upang isuling ang mga kampanyang masa.
[As of 10:59 a.m.]
Sa bahagi ng UPM USC, binigyang-pagkilala ang OSR sa pagiging kasama sa mga inilunsad na kampanya at pagkilos para kay Kristel Tejada.
[As of 11:01 a.m.]
Taas-kamaong pinagpugayan ng UPMin USC ang pagtupad ni Clemente sa kaniyang naging pangako noong nakaraang SR selection hinggil sa paglubog at pakikipamuhay sa mga komunidad. Inihayag din na tumimo si Clemente sa UP Mindanao nang halos isang buwan upang makiisa sa kampanya laban sa militarisasyon.
[As of 11:03 a.m.]
Kinilala ng UPD NCPAG SC ang kahalagahan ng papel ng student regent sa pagtungo nila sa iba’t ibang UP campus upang mas paigtingin ang hanay ng mga konseho kasama ang sangkaestudyantehan.
[As of 11:07 a.m.]
Binigyang-pagpupugay ng UPD USC ang termino ni Clemente sa OSR. Naghain din sila ng mosyon na magkaroon ng privilege speech ang UP Solidaridad.
[As of 11:08 a.m]
Ipinagmalaki ng UP Solidaridad ang pagpapalakas ng alyansa ng mga pahayagan sa buong UP System kasama ang pagsulong ng pondo para sa mga publikasyon. Ayon kay Vyan Abella, chairperson ng National Executive Council (NEC), mahalaga ang pagsusulong ng mga kampanya para sa press freedom, hindi lang sa loob, kundi sa labas ng pamantasan.
[As of 11:09 a.m.]
Dagdag pa ng alyansa, ipagpatuloy ang puwersa ng mga pahayagan kasama ang mga kampanya sa pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio, at hustisya kay RJ Ledesma.

Panoorin ang buong talumpati dito: https://www.facebook.com/share/v/19CnVzuP52/
[As of 11:10 a.m.]
Bahagi naman ng CSSP SC, hamon sa magiging susunod na rehente na maging katulad ni Dexter Clemente na naglilingkod hindi lang sa sangkaestudyantehan kundi pati na rin sa sambayanan.
[As of 11:11 a.m.]
Taas-kamaong pagpupugay ang inahain ng mga konseho para sa kanilang SR nominee noong nakaraang SR slection na si Dexter Clemente. Ayon sa kanila, hindi sila nagkamali sa pagpili kay Clemente.
[As of 10:15 a.m.]
Naghain ang UPV USC ng mosyon upang magpatuloy na sa susunod na agenda. Aprubado na ang mosyon.
[As of 11:17 a.m.]
Naghain naman ang UPLB USC na magkaroon ng 30 minutong unmoderated caucus para sa gaganaping resolusion building. Aprubado na ang mosyon.

[As of 11:48 a.m.]
Bukas na muli ang sesyon. Sisimulan na ang resolution building para sa mga konseho.

[As of 11:51 a.m.]
Naghain ang UV USC ng isa pa muling mosyon na ituloy ang unmoderated causes. Magpapatuloy ang sesyon mamayang 12:07 p.m. matapos ang 15 minutong break.

[As of 11:51 am]
Inaprubahan ang mungkahi ng UPV USC na palawigin pa ng 15 minuto ang unmoderated caucus para sa mga technical working groups ng mga resolusyon. Magbabalik sa oras na 12:06 p.m. ang sesyon


[As of 12:11 p.m.]
Sa muling pagbubukas ng sesyon, muling humiling ng karagdagang 15 minuto ang UPD USC bilang pagpapalawig sa gumugulong na unmoderated caucus sa pamamagitan ng isang mosyon.
[As of 12:11 p.m.]
Inaprubahan ang mosyon. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 12:26 p.m. upang simulan ang resolution building ng mga konseho.


[As of 12:30 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPM USC na magkaroon muna ng 30 minutong lunch break ang mga kalahok sa konseho bago magpatuloy ang resolution building.
[As of 12:30 p.m.]
Agad namang inapbrubahan ng mga kalahok na konseho ang mosyon na inihain. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 1:00 p.m.


[As of 1:03 p.m.]
[As of p.m] Ganap nang binuksan ni SR Dexter Clemente ang sesyon para sa susunod na agenda, ang resolution-building. Kasalukuyang nagkakaroon ng roll call sa mga kasaping konseho.
[As of 1:09 p.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho na nakadalo sa pagpapatuloy ng pagtitipon ngayong araw:

[As of 1:15 p.m]
Naghain ang UPM SC ng mosyon upang maglaan ng limang minuto para makapagpasa ng pinal na resolusyon ang mga konseho. Aprubado na rin ang mosyon.
[As of 1:22 p.m.]
Bumalik na ang sesyon matapos ang limang minutong break. Gayunpaman, muling naghain ng mosyon ang UPV USC na palawigin ang oras para makapag-submit ng pinal na kopya ng resolusyon ang mga konseho.
[As of 1:22 p.m.]
Inaprubahan ang mosyon na magkaroon muli ng limang minutong break para sa pagpipinal ng mga resolusyon.
[As of 1:30 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPC USC na magpatuloy na para sa presentasyon ng unang resolusyon ngayong araw.
[As of 1:32 p.m].
Gumugulong na ang presentasyon sa resolusyong nasa ilalim ng GOOD GOVERNANCE AND PUBLIC ACCOUNTABILITY (GGPA). Kaugnay nito, pinagsama-sama na ang orihinal na tatlong resolusyon sa ilalim ng GGPA patungo sa isang merged resolution.
[As of 1:40 p.m.]
Nagkaroon ng kalituhan sa naging desisyon na pagsama-samahin na ang mga resulusyong nailatag sa ilalim ng GGPA. Kaya naman, nagmungkahi ang body na magkaroon muna ng 10 minutong break upang plantsahin ang mga merged resolution. Magbabalik ang sesyon mamayang 1:50 p.m.
[As of 1:50 p.m.]
Humiling ang UPD CAL SC na palawigin ang unmoderated caucus nang 10 minuto sa pamamagitan ng isang mosyon. Aprubado na ang naihaing mosyon. Magbabalik ang sesyon mamayang 2:00 p.m.
[As of 2:05 p.m.]
Nag-uumpisa na ang paghahain ng mga resolusyon sa ilalim ng unang TWG, ang GOOD GOVERNANCE AND PUBLIC ACCOUNTABILITY (GGPA).
[As of 2:13 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO INTENSIFY THE ANTI-BUREAUCRAT CAPITALIST MOVEMENT IN CONVICTING VICE PRESIDENT SARA DUTERTE AND HOLDING THE MARCOS JR. ADMINISTRATION ACCOUNTABLE
AUTHOR/S: UPD NCPAG SC, UPD USC, UPD ECON SC, UPD NCPAG SC, UPD CSWCD SC, UPD LSG, UPD BAC, UPMin All Student Councils Assembly
Sundan ang Tug-ani, UP Vista, at Vital Signs para sa kanilang live coverage:
- https://x.com/upcebutugani/status/2085550716035453208
- https://x.com/upvista_/status/2085525349841207778
- https://x.com/vitalsigns_upcn/status/2085608112678228108
[As of 2:27 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPM USC na pormal nang i-adopt ang resolusyon. Aprubado na at nakalusot na sa plenaryo ang resolusyon.
[As of 2:30 p.m.]
Nag-uumpisa na ang pagpupulong para sa resolusyon ng lupon sa ilalim ng CLIMATE, ENVIRONMENT, AND NATURAL RESOURCES (CENR).
[As of 2:31 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION AMENDING THE RESOLUTION NO. 2022-13 OF THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS BY OPPOSING THE EXPANSION OF WASTE-TO-ENERGY INCINERATION AND STRENGTHENING THE CALL FOR CLIMATE JUSTICE AND ZERO WASTE ALTERNATIVES
AUTHOR/S: UPMin CSM SC
Sundan ang The Public Herald para sa kanilang live coverage: https://www.facebook.com/share/p/1JW5gh7fZm/
[As of 2:42 p.m.]
Sa inihaing mosyon na aprubahan ng UPV USC , lumusot na sa lupon ang resolusyong inihain ng UPMin CSMSC.
TABLED RESOLUTION:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO LAUNCH A SYSTEM-WIDE CAMPAIGN OPPOSING THE MEMBERSHIP OF THE PHILIPPINES TO THE INTERNATIONAL CONVENTION FOR THE PROTECTION OF NEW VARIETIES OF PLANTS (UPOV 1991) AND THE PROPOSED AMENDMENTS TO REPUBLIC ACT NO. 7308
AUTHOR/S: UPV CAS SC, UPLB CAFS SC, UPV CFOS SC
NOTE: Nagpasya ang plenaryo na i-table ang resolusyon dahil mayroon nang katulad na resolusyong naihain sa nagdaang GASC.
[As of 2:45 p.m.]
Nagsimula na ang presentasyon para sa resolusyong nakapailalim sa PEOPLE’S STRUGGLES (PS) & COMMUNITY RIGHTS, AFFAIRS, AND WELFARE (CRAW).
[As of 2:51 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO ADOPT BASIC MASS INTEGRATIONS (BMIs) AND RURAL INVESTIGATION MOVEMENT (RIM) AS LONG-TERM INITIATIVES TO STRENGTHEN ACADEMIC FREEDOM, PEOPLE-ORIENTED EDUCATION, AND SOLIDARITY WITH THE BROADER FILIPINO MASSES
AUTHOR/S: UPD CSWCD SC, UPD NCPAG SC, UPD EDUK SC, UPD CFA SC, UPD AIT SC, UPD CSSP SC, UPD USC, UPLB CAFS SC
Sundan ang NCPAG-Umalohokan para sa kanilang live coverage:
[As of 3:08 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPV USC na i-adopt na ang resolusyon. Aprubado na ang mosyon at nakalusot na ito sa plenaryo.
[As of 3:11 p.m.]
Nag-uumpisa na ang paghahain ng sunod na resolusyon sa ilalim ng CULTURE AND ARTS.
[As of 3:11 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION ADVOCATING FOR THE EXPANSION OF STUDENT ASSISTANTSHIP AS AN ALTERNATIVE TO THE INSTITUTIONAL USE OF GENERATIVE ARTIFICIAL INTELLIGENCE IN PUBLICATIONS AND CREATIVE WORKS ACROSS THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SYSTEM
AUTHOR/S: UPD CFA SC
CONCLUSION: THE RESOLUTION IS TABLED
[As of 3:15 p.m.]
Nag-uumpisa na ang paghahain ng mga resolusyon sa ilalim ng EDUCATION AND BASIC STUDENT SERVICES (EBSS) at STUDENTS’ RIGHTS, AFFAIRS, AND WELFARE (STRAW)
[As of 3:18 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO REJECT THE COMMERCIALIZATION OF UNIVERSITY SPACES BY FORWARDING THE FIGHT FOR HIGHER AND PROPER BUDGET ALLOCATION, AS WELL AS INSTITUTIONAL SUPPORT FOR BASIC STUDENT SERVICES, SUCH AS THE PROVISION OF STUDENT SPACES, AND GENDER AND DEVELOPMENT
AUTHOR/S: UPV CM SC, UPV CFOS SC, UPV SOTECH SC, UPD NCPAG SC, UPLB CEAT SC, UPD USC, UPB USC
Sundan ang Kalasag, Tinig ng Plaridel, UP Vista, Outcrop, at The Accounts para sa kanilang live coverage:
- https://www.facebook.com/share/p/1MTa2P1vem/
- https://x.com/upvista_/status/2085630009197076812
- https://x.com/tinigngplaridel/status/2085573044404404653
- https://x.com/upboutcrop/status/2085632159654801609
- https://x.com/UPV_TheAccounts/status/208562722282062268
[As of 3:24 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPLB CAS SC na mag-sponsor ng isang privilege speech para kay UPLB SR nominee Dylen Solomo. Aprubado na rin ang mosyon.
[As of 3:25 p.m.]
Naghatid ng isang talumpati si Solomo tungkol sa kasalukuyang danas ng mga mag-aaral sa UPLB.

[As of 3:36 p.m.]
“Hindi po magiging tunay na aksesible ang edukasyon kung patuloy tayong binabarat sa pondo sa edukasyon,” pahayag ni Solomo.
[As of 3:36p.m.]
Kinundena ni Solomo, ang kakulangan sa student spaces, scholarship grants, mataas na renta ng dormitoryo, at ang gumugulong pang komersyalisasyon sa loob ng pamantasan. “Hindi na natin kinakailangan ng susunod ng Kristel tejada na nagmakaawa ng budget sa edukasyon,” aniya pa.
[As of 3:47 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPC USC upang i-adopt na ang resolusyon at magpatuloy na sa susunod na resolusyon sa ilalim ng TWG.
[As of 3:47 p.m.]
Nakalusot na sa lupon ang resolusyon.
[As of 3:48 p.m.]
Inihahain na ang ikalawang resolusyon sa ilalim ng EDUCATION AND BASIC STUDENT SERVICES (EBSS).
[As of 3:49 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION FOR THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO CONDEMN NEOLIBERAL EDUCATION POLICIES, INCLUDING CHED’S PROPOSED REFRAMED GENERAL EDUCATION CURRICULUM COMPONENT (RGECC) AND THE EXPANSION OF INTERNATIONAL QUALITY ASSURANCE ASSESSMENTS AND INITIATIVES, CALLING FOR A NATIONALIST, SCIENTIFIC, AND MASS-ORIENTED EDUCATION
AUTHOR/S: UPLB USC, UPLB CAS SC
Sundan ang UPLB Perspective at The Cursor para sa kanilang live coverage:
- https://x.com/uplbperspective/status/2085609304196018403
- https://x.com/upouthecursor/status/2085636616325075187
[As of 4:02 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPM USC na i-adopt na ang resolusyong gumulong sa plenaryo.
[As of 4:03 p.m.]
Aprubado na ang mosyon. Adopted na rin ang resolusyon matapos ang presentasyon nito.
[As of 4:04 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPMin USC na magkaroon ng 15 minutong sanity break ang sesyon bago magpatuloy sa huling dalawang TWG.
[As of 4:04 p.m.]
Inaprubahan na ang mosyon. Magbabalik ang sesyon mamayang 4:19 p.m.

[As of 4:20 p.m.]
Magpapatuloy na ang sesyon upang ipresenta ang sunod na TWG, ang STUDENTS’ RIGHTS, AFFAIRS, AND WELFARE (STRAW)

[As of 4:25 p.m.]
Gumugulong na ang paghahain ng unang resolusyon sa ilalim ng STUDENTS’ RIGHTS, AFFAIRS, AND WELFARE (STRAW)
[As of 4:27 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION URGING THE 61ST GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO ADOPT THE BANTAY SLAS NETWORK FRAMEWORK AS A SYSTEM-WIDE MONITORING AND ACCOUNTABILITY INITIATIVE FOR TRANSPARENT, TIMELY, AND HUMANE IMPLEMENTATION OF THE STUDENT LEARNING ASSISTANCE SYSTEM (SLAS) AND OTHER SCHOLARSHIP PROGRAMS
AUTHOR/S: UPMin CHSS SC, UPC USC
Sundan ang Himati para sa kanilang live coverage:
[As of 4:52 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPV USC na i-adopt na ang resolusyong gumugulong ngayon sa plenaryo. Aprubado na ang mosyon.
[As of 4:53 p.m.]
Gumugulong na ang resolusyong inihain ng UPLB CDC SC at UPB USC sa ilalim ng STUDENTS’ RIGHTS, AFFAIRS, AND WELFARE (STRAW). Tungkol ito sa mga represibong polisiya sa mga pamantasan ng UP System.
A RESOLUTION AMENDING GASC RESOLUTION NO. 2026-011 BY STRENGTHENING THE CALL AGAINST REPRESSIVE AND ANTI-STUDENT ACADEMIC POLICIES MAINLY FOR INTERNSHIP AND ASSOCIATE DEGREE PROGRAMS THROUGH THE ESTABLISHMENT OF INSTITUTIONAL MECHANISMS ACROSS ALL UP CONSTITUENT UNITS AND COLLEGES
Authored by UPLB CDC SC and UPB USC
DALAWANG RESOLUSYONG PINAGSAMA:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO COLLECTIVELY REVIEW AND ADVOCATE FOR THE PROTECTION OF THE RIGHTS AND WELFARE OF ASSOCIATE DEGREE STUDENTS ACROSS THE UP SYSTEM
AUTHOR/S: UPLB CSC SC
- A RESOLUTION AMENDING GASC RESOLUTION NO. 2026-011 BY STRENGTHENING THE CALL AGAINST REPRESSIVE AND ANTI-STUDENT ACADEMIC POLICIES THROUGH THE ESTABLISHMENT OF INSTITUTIONAL MECHANISMS FOR INTERNSHIP PROGRAMS ACROSS ALL UP CONSTITUENT UNITS AND COLLEGES
AUTHOR/S: UPB USC
PINAL NA TITULO NG RESOLUSYONG PINAGSAMA:
- A RESOLUTION AMENDING GASC RESOLUTION NO. 2026-011 BY STRENGTHENING THE CALL AGAINST REPRESSIVE AND ANTI-STUDENT ACADEMIC POLICIES MAINLY FOR INTERNSHIP AND ASSOCIATE DEGREE PROGRAMS THROUGH THE ESTABLISHMENT OF INSTITUTIONAL MECHANISMS ACROSS ALL UP CONSTITUENT UNITS AND COLLEGES

- Ayon kay Ivan Combate, UPLB CDC SC chairperson, hindi kailanman nawala ang bahid ng represyon na nararanasan ng sangkaestudyantehan sa pamantasan.
“Kung tayong bachelors degree ay nagkukumahog para matapos ang courses natin, paano pa ang mga associate students natin. Ang curriculum nila ay bigla na lang sinubo ng UP sa kanila.”
Ivan Combate, UPLB CDC SC chairperson.

- Binigyang-diin naman ng UPB USC ang hamon na patuloy kalampagin ang administasyon ng UP upang mas palakasin at maglatag pa ng mga mekanismong nakatuon sa kapakanan ng sangkaestudyantehan.
[As of 4:59 p.m.]
Malugod na sinusuhayan ng UPC SC ang resolusyong inihain ng UPLB CDC SC at UPB USC. Iginiit nila na ilang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin ang paglaganap ng represibong mga polisiyang ginigipit ang sangkaestudyantehan sa mga pamantasan ng UP System.
[As of 5:00 p.m.]
Sinusuhayan naman ng UPM USC ang naunang manipestasyon, anila, danas din nila ang represibong mga polisiya katulad ng Return Service Agreement (RSA) na patuloy na nagpapahirap sa kanilang mga mag-aaral.
[As of 5:01 p.m.]
“Bukod sa pagpapataw ng penalty fees na umaabot ng milyun-milyon, hinahadlang din sila na mag-aral pa ng MS [Masters of Science] at higher degree kung saan ay hindi nire-release ang kanilang mga records,” saad ng UPM USC.
[As of 5:05 p.m.]
Inamyendahan ng UPD CFA SC ang pamagat na inilatag na resolusyon ng CDC SC at UPB USC sa pamamagitan ng mosyon. Aprubado na ang mungkahi.
PINAL NA TITULO NG RESOLUSYON:
- A RESOLUTION AMENDING GASC RESOLUTION NO. 2026-011 STRENGTHENING THE CALL AGAINST REPRESSIVE AND ANTI-STUDENT ACADEMIC POLICIES MAINLY FOR INTERNSHIP AND ASSOCIATE DEGREE PROGRAMS THROUGH THE ESTABLISHMENT OF INSTITUTIONAL MECHANISMS ACROSS ALL UP CONSTITUENT UNITS AND COLLEGES
[As of 5:06 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPOU USC na pormal nang i-adopt ang resolusyon. Aprubado at nakalusot na sa plenaryo ang resolusyon.
[As of 5:07 p.m]
Tinatalakay na ang resolusyong inihain sa ilalim ng NATIONAL ISSUES AND HUMAN RIGHTS (NIHR).
[As of 5:08 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION CONDEMNING THE ARREST, HARASSMENT, AND CRIMINALIZATION OF COMMUNITY HEALTH WORKERS, CALLING FOR THE IMMEDIATE RELEASE OF THOSE UNJUSTLY DETAINED, AND AFFIRMING THE PEOPLE’S RIGHT TO HEALTH
AUTHOR/S: UPM MSC, UPM USC, UPM NSC, UPM DSC, UPM SHS Tarlac SC, UPM CPH SC, UPPha SC, UPM CAMP SC
Sundan ang The Manila Collegian at Philippine Collegian para sa kanilang live coverage:
[As of 5:30 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPD USC na pormal nang i-adopt ang resolusyong inihain. Aprubado na rin ang mosyon.
[As of 5:31 p.m.]
Gumugulong na ang ikalawang resolusyong inihain sa ilalim ng NATIONAL ISSUES AND HUMAN RIGHTS (NIHR).
[As of 5:31 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION URGING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS (GASC) TO AMPLIFY CALL TO DEFEND ACADEMIC FREEDOM THROUGH THE CONVENTION OF COMMITTEE ON PROMOTION AND PROTECTION OF ACADEMIC FREEDOM AND HUMAN RIGHTS (CAFHR) AND PROPAGANDA EFFORTS COMMEMORATING NEGROS 19 AND THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES’ (UP) REVOLUTIONARY MARTYRS
Sundan ang Lanog para sa kanilang live coverage:
[As of 6:07 p.m.]
Adopted na ang resolusyon matapos aprubahan ang mosyon na inihain ng UPMin USC.
[As of 6:09 p.m.]
Inihahain na ang pinakahuling resolusyon ngayong gabi. Ang nasabing resolusyon ay nakapailalim din sa NATIONAL ISSUES AND HUMAN RIGHTS (NIHR).
[As of 6:10 p.m.]
GUMUGULONG NA RESOLUSYON:
- A RESOLUTION CALLING TO INTENSIFY THE ANTI-IMPERIALIST CAMPAIGN WITHIN THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SYSTEM, THEREBY RESISTING PAX SILICA, UNITED STATES MILITARY OIL DEPOT IN MINDANAO, AND ALL OTHER UNITED STATES-LED MILITARY-INDUSTRIAL INITIATIVES IN THE PHILIPPINES
Sundan ang The Frontliner, Pagbutlak, Himati, at Ang Tagamasid para sa kanilang live coverage:
- https://x.com/UPFrontliner_/status/2085660334413742384
- https://pagbutlak.org/2026/08/07/livegasc61-resolution-to-intensify-up-systemwide-anti-imperialist-campaign/
- https://www.facebook.com/share/p/1cF6LU4VGA/
- https://x.com/himati/status/2085609143516508532
- https://x.com/AngTagamasidUPM/status/2085594261274362322
[As of 6:27 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPLB CAS SC upang mag-sponsor ng privilege speech para kay UPLB SR Nominee Dylen Solomo. Aprubado na ang mosyon.
[As of 6:28 p.m.]
Nagbigay ng isang talumpati si UPLB SR Nominee Dylen Solomo upang mariing tutulan ang imperyalismo at ang negatibong epekto nito sa ating bansa.
- “Sa tuwing magsisimula ng giyera ang US, hindi ang mga naghaharing-uri ang naapektuhan kundi ang mga manggagawa, magsasaka, at ang mahihirap. Humigit kumulang 73,000 ang pinatay ng US. Ang mga ospital ay binomba, kahit mga refugee camp. Sa Iran ay lumalala ang militarsyon, ang Venezuela ay pinasok din ng Estados Unidos. Ang Palawan at Quezon ay pinapasista. Kaya’t ating ipaglaban ang ating kalayaan,” saad niya.

[As of 6:33 p.m.]
Naghain din ng manipestasyon ang UPLB CDC SC upang mariing tutulan ang mga manipestasyon ng imperyalismo sa bansa. Mariin nilang kinondena ang Pax Silica at isinakonteksto ang pagtaw sa isyung ito sa lente ng mga mag-aaral ng Devcom.

“Bilang isang mag-aaral po ng devcom, isa po sa pangunahing itinuturo sa amin sa kolehiyo na hindi mo maisusubo sa masa ang kaunlaran. Bagkus, ito dapat ay nakaugat sa kanilang pangangailangan at materyal na kondisyon. Ito dapat, ang kaunlaran dapat ay nagsisilbi sa masa at tanging sa masa lamang, hindi sa mga dayuhan, hindi sa burukrata-kapitalista at lalong hindi sa hindi sa
Althea Lei Itable, UPLB CDC SC Councilor
[As of 6:45 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPM USC upang pormal nang i-adopt ang huling resolusyon na nakahain sa plenaryo. Aprubado na rin ang mosyon.
[As of 6:46 p.m.]
Aprubado na ang sampung resolusyon na inihain ngayong araw. Ang mga resolusyong nabanggit ay bibitbitin ng lahat ng konseho sa UP System sa mga kampanyang kanilang palalakasin sa susunod na mga termino.



[As of 6:47 p.m.]
Matapos ang matagumpay na pagpapasa ng sampung resolusyon, naghain ng mosyon ang UPMin USC na pansamantala na muling suspendihin ang sesyon ngayong gabi. Magbabalik ang sesyon bukas sa oras na 8:00 a.m.
[As of 6:48 p.m.]
Inaprubahan na ang mosyon. Magbabalik ang sesyon bukas sa oras na 8:00 a.m.

MULA SA UP LOS BAÑOS, NARITO ANG TANGLAW TEAM NA NASA LIKOD NG LIVE COVERAGE PARA SA IKALAWANG ARAW NG #GASC61:
Leonard Magadia, Wred Marual, Airon Villanueva, Maegan Guevarra, Eyah Sy, Arwen Bas, Emman Pelobello, Freesia Grande




You must be logged in to post a comment.