UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MINDANAO | AGOSTO 8
Mula sa UP Mindanao, nagtipon-tipon ang mga lider-estudyante ng iba’t ibang mga konseho sa buong UP System upang ipamalas ang nagkakaisang tindig laban sa mga lumalalang krisis sa sistema ng bansa.
Ngayong araw ay pipili rin ang mga representanteng konseho ng mga UP constituent units ng sunod na hihiranging rehente ng mga mag-aaral na siyang kakatawan sa sangkaestudyantehan ng buong Unibersidad para sa UP Board of Regents, ang pinakamataas na lupon na gumagawa ng mga desisyon sa Unibersidad.
Maayong Adlaw!
Magsisimula na ang huling araw ng 61st Convention of the General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao. Ngayong araw din ay hihirangin na ang ika-43 UP Student Regent.
Manatiling nakatutok sa aming website, tanglawdevcom.org, para sa kumpleto at may kontekstong pagbabalita.
Subaybayan din ang mga kasaping pahayagan ng UP Solidaridad:
@phkule, @mkule, @upboutcrop, @uplbperspective, @pagbutlakupv, @himati, @upcebutugani, @upouthecursor, @upvista_, @tinigngplaridel, @lanogccad, @UPFrontliner, @thepherald, @AngTagamasidUPM, @thestaple_cem, @kalasag_upd, @vitalsigns_upcn, @medrikito, at @UPV_TheAccounts
[As of 10:42 a.m.]
Pormal nang ipagpapatuloy ang sesyon ngayong araw. Magsisimula na ang roll call para sa mga kasaping konseho.

[As of 10:50 a.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho na nakadalo sa ikalawang araw ng pagtitipon:

[As of 10:52 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPLB USC na aprubahan ang minutes of the meeting ng 60th GASC.
[As of 10:54 a.m.]
Nagmungkahi ang UPC USC na tumungo sa susunod na agendum, ang 43rd Student Regent Selection sa pamamagitan ng isang mosyon. Aprubado na ang mosyon.
[As of 11:01 a.m.]
Magpapatuloy na ang lupon sa pagpili ng 43rd Student Regent. Ipinakilala na ni SR Clemente ang mga nominado.

[As of 11:00 a.m.]
Nagkaroon ng bunutan upang matukoy ang unang nominadong magpepresenta ng kaniyang vision at plans of action.
[As of 11:02 a.m.]
Bibigyan ang bawat nominado ng 15 minuto para sa pagbabahagi ng kanilang mgaGPOA at vision paper, habang maglalaan muli ng 15 minuto para sa question and answer portion.
[As of 11:03 a.m.]
Si UPLB SR Nominee Dylen Solomo ang unang magpepresenta ng kaniyang mga plano para sa susunod na termino ng rehente ng mga mag-aaral.

[As of 11:04 a.m.]
Gumugulong na ang pagbabahagi ni Solomo ng kaniyang mga kampanyang nais bitbitin kung sakaling mapili bilang susunod na student regent.
Sundan ang UPLB Perspective para sa kanilang live coverage: https://x.com/uplbperspective/status/2085919383256494111

MGA BINIGYANG DIIN SA VISION PAPER NI SOLOMO
- Nakaugat sa mga kampanyang bitbit ng rehiyon ng Timog Katagalugan ang vision paper ni Solomo.
- Ayon sa kanya, bilang lead convenor ng Rise for Education UPLB, mahalaga ang student representation sa bawat pamantasang nasasakupan ng UP System at maging sa mga Unibersidad sa labas nito.
- Inisa-isa ni Solomo ang mga isyung kinahaharap ng buong UP System na aniya’y mahalagang harapin ng susunod na SR. Kasama na rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang ginigipt at nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa.
- Idiniin din niya ang pagpapatuloy ng mga kampanyang nagpapanawagan sa pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan katulad umano ni Vice President Sara Duterte at President Ferdinand Marcos Jr.
- Kasama rin sa mariing kinondena ang patuloy na paglalaan ng pondo ng gobyerno sa intelligence funds na wala umanong magandang naidudulot kundi ang tuloy-tuloy na panunupil at pamamasista sa mga mamayan.
- Bitbit din ni Solomo ang panawagan para sa mas inklusibong edukasyon at pagtutol sa komersyalisasyon.
“When we say we are against the commercialization of education, we say that education is a right, not a privilege, and definitely not a commodity”
Dylen Solomo, UPLB SR Nominee
- Malapit din kay Solomo, bilang isang nominado mula sa Timog Katagalugan, ang laban ng mga katutubo at magsasaka sa Mindoro.
- Ipinatimo rin ni Solomo na marapat na patuloy na tutulan ang talamak na red-tagging sa mga kabataang lumalaban.
- Kasama rin sa kampanya niya ang pagpapataas ng budget ng UP at pagtugon sa pangangailangan at karapatan ng sangkaestudyantehan sa maayos at inklusibong Unibersidad.
- Kasama rin sa kaniyang talumpati ang pagbibigay konteksto sa mga kulang na student spaces at iba pang mga anti-estudyanteng polisiya.
MGA BINIGYANG DIIN SA GSPOA PRESENTATION NI SOLOMO
- Kasama sa plano ni Solomo ang pagpapalawig ng SLAS, SAGA, at SUPSA sa UP system.
- “Kinakailangan natin na magkaroon ng system wide audit at concrete reforms,” saad ni Solomo.
- Pangungunahan ni Solomo kung sakaling mahalal siya bilang rehente ng mga mag-aaral ang pagsusulong kapakanan ng sangkaestudyantehan.
- Patuloy niyang tututulan ang mga represibong polisiya na katulad ng No Drop Policy, No Singko at Kuatro Policy, Return Service Agreement, at iba pa.
- “Kinakailangan nating kumonsulta at magkaroon ng System wide review na grounded sa System testimonies at grievances,” aniya.
- Kinakailangan po natin i-ensure na may samapat na resouces at spaces to serve the studentry,” dagdag pa niya.
- Ipapanawagan din niya umano ang kampanya para sa higher funding sa edukasyon kasabay ng pagtutol sa komersyalisasyon.
- Kasama rin sa kaniyang GPOA ang pagkondena sa pamamasismo ng estado. Aniya, walang lugar ang militar sa mga Unibersidad, kaya’t dapat paalisin ang 11th RCDG at ang iba pang mga military presence sa mga CU ng UP.
- “The student regent cannot be confined within the walls of the units. Ang SR ay palaban, militante, at makabayan,” saad ni Solomo.
- Iginiit ni Solomo ang kahalagahan ng pakikipamuhay ng isang SR labas pa sa kaniyang opisina.
- “Ang mandato ng Student Regent ay hindi dahil sa posisyon, ito ay dahil sa mga kasama niyang estudyanteng on-ground,” muling saad ni Solomo.
“The struggle of every student in UPLB is the struggle of every student in the UP System. And the struggle of every student in UP is the struggle of every Filipino”
Dylen Solomo, UPLB SR Nominee
- Makiisa rin umano ang rehente ng mga mag-aaral sa Faculty at Staff Regent para makabuo ng multisektoral na approach sa pagbuo ng budget.
- Ipagtatanggol din ng magiging termino ni Solomo ang demokratikong kalagayan ng mga institusyon ng mga mag-aaral sa UP System.
- Ipaglalaban din umano niya ang hustisya para kina Alyssa Alano, Maureen Santuyo, at iba pang biktima ng Toboso 19.
QUESTION AND ANSWER PORTION
[As of 11:29 a.m.]
Gumugulong na ang Question and Answer Portion para kay UPLB SR Nominee Dylen Solomo.
[As of 11:30 a.m.]
Naghain ng katanungan ang UPD EDUC SC hinggil sa kahalagahan ng karanasan ni Solomo bilang bahagi ng R4E upang isulong ang genuine at kalidad na edukasyon.
- Bilang parte ng Rise for Education – UPLB, bitbit nila ang panawagan ng mga estudyante sa mga dayalogo kasama ang admin upang masiguro ang transparency at alokasyon ng pondo.
- Aniya, napaiigting ang pagpapakilos nila sa mga estudyante upang kalampagin ang administrasyon hinggil sa isyu ng budget cuts.

[As of 11:32 a.m.]
Nanghingi ng kasagutan ang UPC USC kung paano paiigtingin ang mga technical campaign katulad ng system-wide audits sa mga table battles at discussions.
- Sagot ni Solomo, sisikapin ng kaniyang opisina ang pagpapaigting sa pagkakaroon ng mga deliberasyon upang masinsing mapagplanuhan ang mga teknikal na kampanya.
- Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang magiging pagkonsulta ng opisina ng SR sa mga UP CU.

[As of 11:35 a.m.]
Naglatag naman ng katanungan ang UPM CPHSC hinggil sa pagtutol sa Reframed GE Curriculum Component ng CHED bilang isa sa mga kampanyang
napagtagumpayan ng sangkaestudyantehan ng UPLB.
- Ani Solomo, ang RGECC ay isang tipo ng neoliberal na polisiya na naglalayong gawing murang lakas-paggawa ang mga mag-aaral.
- Ipinagmalaki niya rin ang naging tagumpay ng UPLB sa nasabing kampanya: “Naipababa po natin ang represibong [UPLB] GE Director at napalitan ng isang progresibong GE Director dahil sa sama-samang pagkilos ng kaguruan at mga mag-aaral.”
- Giit niya, multisektoral dapat ang tugon sa isyung kagaya ng RGECC sapagkat sa ganitong tugon napatitindi ang kolektibong lakas ng sangkaestudyantehan kasama ang iba pang sektor sa loob ng pamantasan.
- Mas lumalakas ang laban ng sangkaestudyantehan kung katuwang nila sa paninindigan ang kaguruan, manggagawa, at iba pang batayan sektor ng lipunan.
[As of 11:38 a.m.]
Naghain ang UPM USC ng katanungan para kay Solomo kung anong mga estratehiya ang kaniyang balak isagawa upang isulong ang mga kolektibong kampanya ng sangkaestudyantehan sa gitna ng iba’t ibang mga limitasyon.
- Ani Solomo, ang mandato ng rehente ng sangkaestudyantehan ng UP ay hindi nakukulong sa isang hamak na titulo o posisyon.
- Ipinahayag ni Solomo ang isa sa mga limitasyon sa pag-oorganisa. Aniya, ito ang pakikipag-ugnayan ng mga konseho sa mga mag-aaral upang mas mapalakas ang kilusan sa bawat CU.
- Giit niya, nagtatagumpay ang mga kampanya kung ito ay may sapat na public pressure at kung kasama ang SR sa laksa-laksang mag-aaral ng UP.
- Hamon, aniya, sa mga konseho ang pagbibigay ng tunay na representasyon sa pamamagitan ng pagkonsulta at pakikisalamuha sa mga mag-aaral, pati na rin ang pagbitbit ng mga hinaing ng mga mag-aaral sa mga lansangan tungo mismo sa UP Board of Regents.
[As of 11:40 a.m.]
Nanghingi ng kasagutan ang UPTac SC hinggil sa mga plano ni Solomo sa pagbubusisi sa nalalapit na Chancellor Selection.
- Ayon kay Solomo, kahingian sa sangkaestudyantehan na busisihin ang mga nominado sa mga chancellor selection at kilatasin kung sino ang magdadala ng tunay na makamasa at makaestudyanteng mga kampanya.
- Dagdag pa niya, kahit sino pa ang maupo, represibo man o anti-estudyante, malaki ang kaniyang tiwala sa lakas ng mga mag-aaral sa loob ng bawat pamantasan.
- Aniya Solomo, magiging kasama ang kaniyang opisina sakaling mahalal na rehente sa paggigiit ng mga hinaing ng mga mag-aaral sa loob ng BOR at maging sa mga lansangan. Tatanganin din daw ng kaniyang opisina sakaling mahalal ang isang tipo ng edukasyon na nationalist, scientific, at mass-oriented (NSMO).

[As of 11:41 a.m.]
Naglatag ang UPD USC ng katanungan ukol sa epekto ng burukratang proseso na tinatahak ng student councils at publications upang makakuha ng pondo para sa kanilang mga operasyon.
- “Ang usapin ng budget ay hindi na bago dahil kitang-kita at alam ko pong experience ng mga publikasyon at konseho ang kahirapan ng disbursement procedures at pagkuha ng pera at materials,” ani Solomo.
- Iginiit niya ang kaniyang pagtanaw sa tunay na makaestudyanteng UP administration: isang administrasyong kinikilala ang tunay na representasyon at awtonomiya ng mga konseho at publikasyon sa bisa ng pagbibigay ng sapat na pondo para sa kanilang trabaho.
- Aniya, mahigpit ang kahingiang tanungin ang BOR kung bakit kinakailangan pang daanan ang mahabang burukrasya para makuha ang pondong nakalaan sa mga institusyong pang-estudyante.
- Dapat iginiit na agarang maibigay ang pondo upang magamit ng mga mag-aaral, ani Solomo.

[As of 11:43 a.m.]
Naghain ng katanungan ang UPB USC ukol sa kampanya ni Solomo laban sa pamamasismo at militarisasyon.
- Ipinahayag ni Solomo ang pakikiisa ng UPLB at TImog Katagalugan sa kampanya laban sa pasismo at militarisasyon sa kanayunan. Iginiit niya ring hindi bago ang Timog Kataglaugan sa ganitong mga isyu, lalo pa’t nangyayari ito sa mga probinsya kagaya ng Mindoro.
- Aniya, kinakailangan ang mga anti-fascist alliances upang mapaigting ang kampanya laban sa pasismo at militarisasyon. Kahingian din, aniya, na mapatimo sa mga mag-aaral ang kampanyang ito.
[As of 12:01 p.m.]
Gumugulong na ang presentasyon ni UPOU SR Nominee Mariton Manalili. Ibabahagi na niya ang kaniyang vision paper at GSPOA na sumasaklaw sa kaniyang mga kampanyang nais bitbitin kung sakaling mapili bilang susunod na rehente ng mga mag-aaral.
[As of 12:17 p.m.]
Nagsisimula na ang Question and Answer portion para kay Manalili.
Sundan ang The Cursor para sa kanilang live coverage: https://x.com/upouthecursor/status/2085921360975647175
[As of 12:35 p.m.]
Naghain ng isang mosyon ang UPD ESC na magkaroon ng 30 minutong lunch break bago magpatuloy sa susunod na presentasyon.
[As of 12:35 p.m.]
Aprubado na ang mosyon. Gugulong muli ang plenaryo sa oras na 1:05 p.m.

[As of 1:08 p.m.]
Muli nang nagbukas ang sesyon. Gumugulong muli ang panibagong roll call para sa attendance ng mga kalahok na konseho.

[As of 1:14 p.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho na nakadalo sa muling pagpapatuloy ng pagtitipon:

[As of 1:15 p.m.]
Si UPD SR Nominee Adrian Algas ang sunod na magpepresenta ng kaniyang sarili sa harap ng lupon ng mga konseho. Iuulat niya ang kaniyang inihandang vision paper at GSPOA na naglalaman ng kaniyang mga plano kung sakaling mahalal bilang sunod na student regent.
[As of 1:36 p.m.]
Magsisimula na ang Question and Answer portion para kay Algas. Sisiyasatin ng mga konseho ang kaniyang tindig sa mga isyung kinahaharap ng mga pamantasan sa UP System.
Sundan ang Philippine Collegian para sa kanilang live coverage: 24liveblog.com/live/Uk90F
[As of 1:56 p.m.]
Ang nominee mula sa UP Cebu ang susunod na magpepresenta ng kaniyang sarili sa harap ng lupon ng mga konseho.
[As of 2:18 p.m.]
Nagsisimula na ang serye ng pagtatanong kay UPC SR Nominee Romulo upang masuri ng bawat konseho ang kaniyang mga pananaw hinggil sa iba’t ibang isyu.
Sundan ang Tug-ani para sa kanilang live coverage: https://x.com/upcebutugani/status/2085932943390970118
[As of 2:35 p.m.]
Magpapatuloy na ang plenaryo para sa huling presentasyon. Iuulat ni UP Mindanao SR Nominee AJ Lozano ang kaniyang mga plano kung sakaling mapili bilang ika-43 na rehente ng mga mag-aaral.
[As of 3:00 p.m.]
Nagsimula na ang Question and Answer portion para kay UPMin SR Nominee AJ Lozano.
[As of 3:01 p.m.]
Naghain ng isang katanungan ang UPLB CDC SC kay Lozano kung paano masisiguro ng opisina ng rehente mga mag-aaral ng UP ang maayos na ugnayan ng mga konseho at ng mga pahayagan kung sakaling siya ang mapiling ika-43 na SR.
[As of 3:02 p.m.]
Ayon kay Lozano, magkatahi ang interes ng mga konseho at ng mga publikasyon. Aniya, pangunahing interes ng mga iskolar ng bayan at sambayanan ang ipinaglalaban ng iba’t ibang mga student institution.
“Sa ganitong diwa, sa susunod na rehente ng mga mag-aaral ng UP, sa pamamagitan po ng ugnayan ng KASAMA sa UP at UP Solidaridad, mas tiyak na ang mga kampanya ay hindi naghihiwalay bagkus ay nakakapag-u-unite ng bawat iskolar ng bayan.”
AJ Lozano, UP Mindanao SR Nominee
Sundan ang Himati para sa kanilang live coverage: https://x.com/himati/status/2085966427815809093
[As of 3:19 p.m.]
Matapos ang presentasyon ng mga SR nominee mula sa iba’t ibang CUs, isang yoga activity ang kasalukuyang pinangungunahan ni UP Solidaridad Outgoing Chaiperson Vyan Abella.
[As of 3:25 p.m.]
Matapos ang maiksing yoga activity, naghain ng mosyon ang UPD USC upang magkaroon muna ng 10 minutong unmoderated caucus upang mapag-usapan ng mga kasaping konseho ang naging presentasyon ng mga nominado.
[As of 3:25 p.m.]
Aprubado na ang mosyon sa plenaryo. Magbabalik ang sesyon mamayang 3:35 p.m.


[As of 3:35 p.m.]
Muling naghain ng mosyon upang palawigin ang unmoderated caucus. Sa bisa ng mosyon na inihain ng UPD CAL SC, karagdagang 10 minuto ang ilalaan para sa pag-uusap ng mga konseho at pagpili ng tatlong kandidato na isusulong para sa nominasyon.

[As of 3:35 p.m.]
Magbabalik ang sesyon sa oras na 3:45 p.m.

[As of 3:45 p.m.]
Magpapatuloy na muli ang sesyon.

[As of 3:46 p.m.]
Muling naghain ng mosyon ang UPLB CHE SC upang palawigin ang unmoderated caucus ng panibagong limang minuto.
[As of 3:46 p.m.]
Aprubado na ang mosyon. Magpapatuloy ang sesyon mamayang 3:51 p.m.

[As of 3:51 p.m.]
Muli nang nagbabalik ang sesyon. Naghihintay na ang plenaryo para sa panibagong mosyon ng mga konseho.

[As of 3:52 p.m.]
Muling naghain ng mosyon ang UPLB CHE SC upang palawigin ang unmoderated caucus ng 3 minuto. Aprubado na ang mosyon at magpapatuloy muli ang pagpupulong mamayang 3:55 p.m.

[As of 3:55 p.m.]
Nagbahagi ng manipestasyon ang UPV USC hinggil sa kahirapan nilang pumili ng mga Top 3 SR Nominee. Aniya pa, hinihingian nila ng pagkakataong magpakita ng kapasidad ang tatlong nominado.
[As of 3:57 p.m.]
Naglatag din ng manipestasyon ang UPB USC at iginiit na ang bawat nominado para sa ika-43 na Student Regent ay hinubog ng pakikibaka at ng mayamang karanasan sa bawat campus unit na kanilang kinabibilangan, dahilan upang mahirapan din sila pagpili ng SR.
[As of 3:58 p.m.]
Humingi naman ng manipestasyon ang UPLB CAS SC para sa namamataang Top 3 ng ibang CU. Magpapatuloy ang sesyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga CUs ng kanilang tatlong nominadong napipisil para sa seleksyon.
INISYAL NA LISTAHAN NG TATLONG NOMINADONG NAPIPISIL NA ISULONG NG BAWAT CONSTITUENT UNIT MATAPOS ANG UNANG SERYE NG MGA CAUCUS
[As of 4:00 p.m.]
Note: Ang mga napiling Top 3 ay walang partikular na pagkakasunod-sunod.
- Para sa UPV USC, ang kanilang napupusuang mga nominado ay sina Solomo mula sa UPLB, Romulo mula sa UPC, at Manalili mula sa UPOU.
- Ayon naman sa UPD USC, ang kanilang napiling mga nominado ay sina Manalili ng UPOU, Algas ng UPD, at Romulo ng UPC.
- Para sa UPM USC, ang kanilang mga napiling nominado ay sina Solomo ng UPLB, Lozano ng UPMin, at Manalili ng UPOU.
- Napili naman ng UPB USC sina Romulo ng UPC, Manalili ng UPOU, at Lozano ng UPMin.
- Samantala, napili naman ng UPOU USC sina Romulo ng UPC, Lozano ng UPMin, at Manalili ng UPOU.
- Para sa UPMin USC, ang kanilang nakikitang nararapat na maging SR ay sina Lozano ng UPMin, Romulo ng UPC, at Manalili ng UPOU.
- Ayon sa UPC USC, napupusuan niilang mga nominado sina Lozano ng UPMin, Manalili ng UPOU, at Romulo ng UPC.
- Nagpahayag na rin ng suporta ang UPLB USC sa mga nominadong kanilang napupusuan, kabilang sina Manalili ng UPOU, Algas ng UPD, at Solomo ng UPLB.
- Ayon sa UP Tac SC, bumatay sila sa mga masususing kampanya. Mula rito, napili nilang mga nominado sina Romulo ng UPC, Lozano ng UPMin, at Manalili ng UPOU.
- Para sa UP DEPPO SC, napupusuan nilang mga nominado sina Romulo ng UPC, Lozano ng UPMin, at Algas ng UPD.
- Ayon sa UPM SHS Koro SC, napili nilang mga nominado sina Manalili ng UPOU, Solomo ng UPLB, at Lozano ng UPMin.
- Samantala, para naman sa UPM SHS Tarlac SC, fino-forward nila sina Manalili ng UPOU, Romulo ng UPC, at Lozano ng UPMin.

[As of 4:17 p.m.]
Naghain ng katanungan ang UPMin USC sa UPB USC hinggil sa kanilang naging pagpapasya na i-forward ang nominado ng kanilang CU na si Lozano.
- Giit ng UPB USC, may tiwala sila kay UPMin USC SR Nominee Lozano dahil sa kaniyang pagiging lapat sa materyal na mga danas ng iba’t ibang mga CU.
- Dagdag pa nila, naniniwala sila sa kakayahan ni Lozano sa pagpapaigting ng iba’t ibang mga kampanya.
[As of 4:20 p.m.]
Nagpasalamat ang UPMin USC sa UPB USC sa pagsagot sa kanilang point of inquiry. Ayon sa kanila, maganda na ma-i-highlight na si Lozano ay nagmula sa isang publikasyon. Kaya naman, isang magandang anggulo ito upang tingnan kung paano tatanganan ni Lozano ang kaniyang termino kung sakaling mapili bilang ika-43 rehente ng mga mag-aaral.
[As of 4:21 p.m.]
Nagpahayag ng pasasalamat ang UPLB CAS SC sa mga konsehong nagpahayag ng suporta kay UPLB SR Nominee Solomo. Tinalakay rin nila ang pagbubukas ng iba’t ibang chancellor selection sa iba’t ibang CUs bilang kampanyang kayang pangunahan ni Solomo. Giit ng konseho, nakita nila sa lokal na antas ang kakayahan ni Solomo bilang punong tagapagtiyak sa iba’t ibang mga kampanya. Anila, na-consolidate ni Solomo sa maikling panahon ang komunidad ng UPLB sa mga multisektoral na hinaing.
- “Sa kasanayan ng aming SR nominee ay matitiyak natin na hindi lang sa UPLB matatampok kundi pati na rin sa iba pang UP CUs ang democratic governance,” ani UPLB CAS SC.
[As of 4:24 p.m.]
Sinuhayan ng UPM USC ang mga manipestasyon na inihain ng UPLB CAS SC. Ayon sa kanila, nakikita sa plataporma ni Solomo ang kaniyang mga effort upang pagtagpiin ang pagkilos ng mga sektor ng mga staff, faculty, at sangkaestudyantehan. Dagdag pa rito, mahalaga umano ang ganitong katangian upang mas maisulong ang mga kampanyang nangangailangan ng kolektibong mga pagkilos.
- “Kinakailangan natin ng isang tao na kayang tagpi-tagpiin ang lahat ng mga kampanya natin,” ayon sa UPM USC.
[As of 4:26 p.m.]
Kasalukuyang nagpapahayag ng manipestasyon ang UPC USC hinggil sa kanilang nominado na si Romulo. Anila, masikhay na lumulubog si Romulo sa iba’t ibang mga komunidad upang samahang makibaka ang masa, kagaya ng kaniyang karanasan sa pakikisalamuha sa carbon market vendors na humaharap sa banta ng privatization at commercialization.
- Ani UPC USC, ramdam na ramdam ang presensya ni Romulo sa pakikipamuhay sa mga komunidad. Nakita rin daw nila kung paano nagpabalik-balik si Romulo sa komunidad upang tulungan ang pag-oorganisa.
- Giit pa nila, tumatagos sa iba’t ibang sektor ang pakikibaka at pag-oorganisa ni Romulo, kabilang ang mga manggagawa at magsasaka.
[As of 4:29 p.m.]
Nagkakaisang inendorso ng mga konseho ng UPD ang SR Nominee nilang si Algas. Sama-sama silang nagtungo sa unahan upang ihayag ang kanilang buong-puwersang pagsuporta sa kanilang isinulong na nominado.
- Anila, kahingian ang pagkakaroon ng isang rehente ng mga mag-aaral na “uncompromising” sa kaniyang prinsipyo at sa praktika.
[As of 4:31 p.m.]
Nagpahayag ng malakas na pagsuporta ang UPLB CDC SC kay Solomo, nominado ng UPLB, para sa opisina ng rehente ng mga mag-aaral ng Unibersidad.
- Anila, sa panahon na nagpapatuloy ang anti-student policies, matalas na sumasandig si Solomo sa mga mag-aaral. Giit ng UPLB CDC SC, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay, matatag, at militanteng rehente ng mga mag-aaral ng UP.
- Nahulma rin si Solomo sa pakikipagdayalogo sa administrasyon ng UPLB, anila. Kabilang sa mga napagtagumpayan niya kasama ang malawak na hanay ng mga mag-aaral ang pagpapatanggal sa lab payments sa lab manuals.
[As of 4:32 p.m.]
Ayon sa UPD CFA SC, matalas ang suporta at pakikibaka ni Algas para sa karapatan ng mga artista at manggagawang pangkultura. Hinikayat nila ang UPB, UPMin, at lahat ng art colleges sa UP System na samahan si Algas sa kaniyang laban. Dagdag pa nila, kabilang sa ipinaglalaban ni Algas ang dagdag na pondo sa sining at humanidades, pakikibaka sa generative AI, at pagbuwag sa indibidwalismo.
[As of 4:33 p.m.]
Muling nagpahayag ng manipestasyon ang UPD USC ng buong pagsuporta kay Algas, ang kanilang nominado, at iginiit ang matapang na pagharap niya sa UP Board of Regents at QC LGU hinggil sa mga isyung kinahaharap ng pamantasan at ng mas malawak na saklaw ng lipunan.
- Ayon sa konseho, “ang kilusan ng kabataan ay walang kinikilala kundi maging mapangahas na tapatin ang masa.”
[As of 4:36 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPB USC para sa 10 minutong unmoderated caucus para sa mas masusing pagbutbot sa mga nominado, na inaprubahan din ng lupon. Magbabalik ang sesyon mamayang 4:46 p.m.

[As of 4:46 p.m.]
Muli nang magbabalik ang sesyon matapos ang 10 minutong unmoderated caucus.

[As of 4:47 p.m.]
Naghain ang UPOU USC ng mosyon para sa karagdagang 10 minuto sa unmoderated caucus. Inaprubahan agad ito ng lupon. Babalik ang sesyon mamayang 4:57 p.m.

[As of 4:57 p.m.]
Natapos na ang 10 minutong dinagdag para sa unmoderated caucus. Ayon kay Outgoing SR Clemente, ang napag-usapan bago ang unmoderated caucus ay magpapahayag ang mga konseho ng kanilang Top 3 mula sa mga SR nominees.
MGA KAGANAPAN MATAPOS ANG PANGALAWANG SERYE NG UMODERATED CAUCUSES
[As of 5:01 p.m. onwards]
Note: Ang mga napiling Top 3 ay walang partikular na pagkakasunod-sunod.
- Ayon sa UPD USC, nagkaroon ng pagbabago mula sa kanilang inisyal na napupusuang mga nominado. Kasama na sa kanilang listahan sina Algas ng UPD, Manalili ng UPOU, at Lozano ng UPMin.
- Isang kandidato lamang ang binanggit ng UPTac SC. Buo umano ang suporta nila para kay Romulo mula sa UPC. Inihayag ng konseho na bilang isang maliit ng CU, nagsimula silang hindi lubusang kilala ang nominado ng UPC na si Romulo, ngunit bilang napabibilang sa hukbo ng maliliit na CUs ng UP System, mahalaga ang danas na maibabahagi ni Romulo.
- Nagpahayag ng kolektibong pagsuporta ang UPM USC, UPM SHS Koro SC, at UPM SHS Tarlac SC sa kanilang naunang Top 3 ng mga nominado: sina Manalili ng UPOU, Lozano ng UPMin, at Solomo ng UPLB.
- Sa pagbabahagi naman ng UPB USC, wala ring pagbabago ang inisyal na Top 3 ng konseho para sa mga nominadong rehente: sina Romulo ng UPC, Manalili ng UPOU, at Lozano ng UPMin.
- Muling iginiit ng UPV USC ang kanilang tatlong napupusuang nominado na sina Solomo ng UPLB, Manalili ng UPOU, at Romulo ng UPC.
- Samantala, nanindigan ang UPLB USC sa nauna nilang listahan ng mga nominado: Manalili ng UPOU, Solomo ng UPLB, at Algas ng UPD. Anila, pareho pa rin ang mga rason para sa kanilang pagsuporta sa nasabing mga nominado
- Nagkaroon ng pagbabago sa inisyal na listahan ng UPMin USC ng kanilang mga fino-forward na nominado. Kabilang na sa kanilang mga napupusuan si Solomo ng UPLB, habang tinanggal naman nila si Romulo. Sinusuportahan pa rin nila ang kanilang nominado na si Lozano.
- Sinuhayan naman ng UPM SHS Koro ang paninindigan ng UPMin USC sa pagbibigay-suporta kay Lozano, nominado mula sa UPMin.
- Nagpahayag naman ng suporta ang UP DEPPO SC kay Algas ng UPD, Manalili ng UPOU, at Lozano ng UPMin. Sinusuhayan nila ang pagpupugay kanina kay Solomo para sa matagumpay na kampanya nito laban sa RGECC at iba pang isyu sa pamantasan.
- Para sa UPC USC, matalas ang kanilang pagsuporta sa kanilang nominado na si Romulo. Anila, masikhay na nakiisa si Romulo sa mga mag-aaral na kumakaharap sa mga represibong polisiya. Naging matatag rin umano si Romulo sa pag-oorganisa sa sangkaestudyantehan
- Naghain ng manipestasyon ang UPD SLISSC hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na ugnayan at pagtitiwala sa konseho upang mailapit sa mga mag-aaral ang mga proyekto ng OSR. Dinagdag nila sa kanilang pahayag ang kanilang pagsuporta kay Algas, nominado ng UPD, sapagkat nakikita nila sa kaniya ang suporta ni Algas sa mga maliliit na kolehiyo sa UP System.
- Ayon sa UPOU USC, walang nangyaring pagbabago sa kanilang inisyal na napiling Top 3 mula sa mga nominadong rehente: Romulo ng UPC, Lozano ng UPMin, at Manalili ng UPOU. Pinatibay ng konseho ang buong-suporta nito kay Manalili dahil naipakita umano niya ang masikhay na pag-o-organisa para sa libo-libong bilang ng sangkaestudyantehan.
- Para sa UPTac SC, mula sa kanilang caucus kanina, tumitindig pa rin sila kina Lozano ng UPMin, Romulo ng UPC, at Manalili ng UPOU. Pasok pa rin anila sa kanilang mga kwalipikasyon ang nasabing mga nominado.
- Patuloy pa rin ang paninindigan ng UPC USC para sa nominado nilang si Romulo.
- Ayon sa UPLB CEM SC, nakikiisa sila sa lahat ng mga CU na kumakaharap sa mga anti-estudyanteng polisiya na tumutuligsa sa karapatan sa edukasyon. Giit nila, ang kanilang kolehiyo ay dumaranas ng iba’t ibang mga ‘di makatarungang polisiya, kagaya ng No Singko Policy na nararanasan ng kanilang mga associate students. Mula rito, muli nilang pinatingkad ang kanilang suporta kay Solomo para sa kaniyang pag-agapay sa kanilang kolehiyo sa nasabing mga isyu. Anila, matalas ang pangangailangan para sa isang rehente na handang umupo at makinig sa mga hinaing ng mga mag-aaral.
- Muling nanindigan ang UPV USC sa kanilang pagsuporta kay Solomo ng UPLB. Anila, nakikita nila ang kahusayan ni Solomo sa paggigiit ng iba’t ibang mga kampanya sa loob ng UPLB. Naniniwala rin silang kayang ipatupad ni Solomo ang ganitong pagsisikap sa buong UP System.
- Pahayag naman ng UPMin USC, sinusuportahan nila si Solomo bilang nominado dahil isa siya sa mga nanguna sa pagpapatalsik ng GE Director dahil sa epekto ng Reframed GE Curriculum hindi lamang sa sangkaestudyantehan, kundi pati na rin sa iba’t ibang sektor ng pamantasan.
- Nagbigay ng manipestasyon ang UPD USC hingg[[[il sa kahalagahan ng mga publikasyon sa pagsisiwalat ng katotohanan hinggil sa kinahaharap ng mga batayang sektor at iniugnay nila ito sa kanilang suporta kay Lozano ng UPMin. Iginiit din nila ang kahingian na siyasatin ang dahilan kung bakit may mga kabataang tumutungo sa Negros, katulad ng Toboso 19. Anila, may diin si Lozano sa mga isyu hinggil sa awtonomiya at operasyon ng mga pahayagan.

[As of 5:31 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPMin USC na magkaroon ng 10-minutong unmoderated caucus na inaprubahan ng lupon. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 5:41 p.m.

[As of 5:42 p.m.]
Muli nang magpapatuloy ang sesyon para sa pagpili ng Top 3 SR nominees.

MGA KAGANAPAN MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS
[As of 5:43 p.m. onwards]
- Iginiit muli ng UPLB CHE SC ang buong suporta kay Solomo dahil umano sa matagumpay na pag-organisa niya sa mga malalaking pagkilos sa Timog Katagalugan. Isa umano sa mga pinakamabigat na tungkulin na tinanganan ni Solomo ang pagiging program head ng February Fair 2026 sa UPLB. Anila, mabigat ang responsibilidad na ito, kaya naman, ang ganitong kalidad ay magagawa niyang bitbitin hanggang sa labas ng pamantasan para sa mga batayang sektor na silang pangunahing stakeholder ng FebFair.
- Ayon naman sa UPM USC, patuloy pa rin ang paninindigan nila sa kanilang napiling Top 3 na nominado, kabilang sina Manalili ng UPOU dahil sa kasikhayan niya umano hindi lamang sa pagbitbit ng panawagan ng sangkaestudyantehan kundi pati na rin sa iba pang batayang sektor; Solomo ng UPLB dahil sa kapasidad nito na pagbuklurin ang malawak na hanay ng sektor ng lipunan sa pagbabasura ng Reframed GE Curriculum; at Lozano ng UPMin na tangan umano ang pagtatahi ng kampanya ng mga student councils at publications ng UP System.
- Nagpahayag ang UPMin USC ng manipestasyon hinggil sa naging tungkulin ni Lozano bilang isang mamamahayag. Anila, masikhay na manunulat si Lozano, na naging bahagi ng UP Solidaridad at kumilos at nagpakilos sa College Editors Guild of the Philippines. Dagdag pa nila, kitang-kita sa pagiging lider ni Lozano na siya ay higit pa sa isang manunulat sapagkat nangunguna rin siya sa pagsusulong ng mga kampanya sa UPMin. Bukod sa pagiging bahagi ng Rise for Education, pinagbubuklod niya rin ang UP The Budget Network. the Philippines.
- Pagbabahagi naman ng UPC USC, patuloy ang kanilang paninindigan sa pagsuporta kay Romulo, nominado mula sa UPC, at iginiit na kahit bago pa lamang ay malawak na ang kaalaman ni Romulo sa reyalidad at danas ng sangkaestudyantehan, kabilang ang mga konseho at publikasyon. Anila, si Romulo umano ang patunay na ang artista ng bayan ay hindi nakakulong sa apat ng sulok ng silid-aralan at patuloy na dumudugsong sa paglubog sa masa.
- Nagpapahayag ng suporta ang UPD CSWC SC kay Algas bilang isang masikhay na aktibista at lider-estudyante. Tinukoy nila ang karanasan ni Algas bilang bahagi ng Kabataan Partylist, na anila’y patunay sa kaniyang kasikhayan bilang isang lider na nagsusulong ng multisektoral na mga panawagan. Makikita umano si Algas sa lahat ng mga pagkilos, mula sa loob ng pamantasan hanggang sa labas ng mga tarangkahan nito. Makabayan Bloc din daw umano, kung saan kabilang ang KPL, ang naghain ng impeachment complaint laban kay Sara Duterte. Ipinatampok niya rin ang mayaman na kasaysayan ng UPD sa pakikibaka, pati na rin ang mga nailuwal na rehente mula sa nasabing pamantasan.
- Ayon naman sa UPD USC, hindi sila nagpatinag sa pagsuporta sa nominado nilang si Algas at inihayag na katuwang niya ang mga manggagawa, magsasaka, propresyunal, kaguruan, at iba pang batayang sektor ng bansa. Anila, hindi lamang siya lumubog sa masa, bagkust ay nanguna rin sa pangangampanya.
[As of 5:58 p.m.]
Naghain ang UPB USC ng mosyon para sa 10 minutong unmoderated caucus, na agad namang sinegundahan at inaprubahan ng lupon. Babalik ang sesyon mamayang 6:08 p.m.

[As of 6:08 p.m.]
Nagbabalik na ang sesyon matapos ang 10 minutong caucus. Gugulong na muli ang deliberasyon para sa pagpili ng tatlong nominadong magpapatuloy sa sunod na yugto ng deliberasyon.

[As of 6:09 p.m.]
Naghain ang UPMin CHS SC ng mosyon para sa karagdagang limang minutong unmoderated caucus. Tinanggihan ng UPV USC ang mosyon upang maghain ng mosyon para sa 10 minutong unmoderated caucus. Naghain ng kaparehong mosyon ang UPV CAS SC.
[As of 6:10 p.m.]
Sinegundahan at inaprubahan ito ng lupon. Magbabalik ang sesyon mamayang 6:20 p.m.

[As of 6:20 p.m.]
Muli nang nagbabalik ang sesyon.

[As of 6:20 p.m.]
Naghain muli ang UPLB CAFS SC ng mosyon para sa karagdagang limang minuto sa unmoderated caucus.
[As of 6:21 p.m.]
Samantala, tinutulan naman ang UPOU USC ang mosyon para magmungkahi ng karagdagang 15 minuto para sa nasabing unmoderated caucus. Ani Clemente, masyadong mahaba ang 15 minuto. Bunsod nito, naghain ang UPLB CAFS SC ng bagong mosyon para sa 10 minutong unmoderated caucus. Inaprubahan ito ng lupon. Magbabalik ang sesyon mamayang 6:32 p.m.

[As of 6:35 p.m.]
Muli nang nagbabalik ang sesyon ngayong gabi.

MGA KAGANAPAN MATAPOS ANG UNMODERATED CAUCUS
[As of 6:36 p.m. onwards]
- Nagpahayag ng pasasalamat si Outgoing SR Clemente sa mga konseho mula sa iba’t ibang UP CUs.
- Nagbigay ng manipestasyon ang UPLB USC. Nagkaroon ng pagbabago sa kanilang Top 3 nominees. Kabilang pa rin sa kanilang mga napiling nominado si Algas ng UPD. Pinalitan nila si UPOU Nominee Manalili para kay Lozano, nominado ng UPMin, dahil sa kanilang pagtitiwala sa kakayahan ni Lozano sa pagbitbit sa kampanya ng iba’t ibang mga institusyon, kabilang ang mga pahayagan. Kabilang pa rin sa kanilang mga nominado si Solomo ng UPLB. Iminungkahi rin ng UPLB USC na magbigay ng manipestasyon ang ibang mga CU ng kanilang top 3 nominees.
- Pahayag naman ng UPB USC, bukas sila sa pagbabago ng mga nominado batay sa mga naging manipestasyon ng iba’t ibang konseho. Pinalitan nila si UPC Nominee Romulo para kay Solomo, nominado ng UPLB, habang nananatili ang pagsuporta kay UPOU Nominee Manalili at UPMin Nominee Lozano.
- Samantala, nagpahayag naman ang UPV USC ng naging resulta ng kanilang mga diskusyon sa naganap na unmoderated caucus. Anila, dahil na-open ang pagbabago sa mga inisyal na listahan ng kanilang napupusuang mga nominado, naging paksa rin ito ng kanilang mga diskurso. Lumitaw sa kanila ang sentimyento na si Lozano ng UPMin ay kanilang nakikitaan ng kakayahang ipaglaban ang kapakanan ng mga mag-aaral ng buong UP System. Hindi kasali sa kanilang top 3 si Lozano sa unang listahan kanina. Nakita rin umano nila ang pagkilos ni Lozano sa UPMin, kung saan napakita niya ang kaniyang pagiging komprehensibong lider-estudyante. Ang kanilang Top 3 na mga nominado ngayon ay sina Manalili ng UPOU, Solomo ng UPLB, at Lozano ng UPMin. Inalis nila sa kanilang listahan si Romulo ng UPC.
- Sa pagbabahagi naman ng UPM USC, nananatili pa rin ang naunang tatlong nominadong pinili kabilang sina UPOU Nominee Manalili, UPMin Nominee Lozano, at UPLB Nominee Solomo. Ayon sa konseho, tinuturol umano ng tatlong nominado ang paninindigan laban sa imperyalista at anti-estudyanteng tipo ng edukasyon.
- Ibinahagi naman ng UPC SC ang kanilang patuloy na pagtindig sa kanilang Top 3 Nominees na sina Romulo ng UPC, Manalili ng UPOU, at Lozano ng UPMin.
- Para naman sa UPMin USC, malaki ang kanilang pasasalamat para sa suporta ng mga konseho sa kanilang nominado na si Lozano. Kolektibo pa rin anila ang kanilang paninindigan kina Manalili ng UPOU, Lozano ng UPMin, at Solomo ng UPLB.
- Samantala, sa UP DEPPO SC naman, nagkaroon din daw ng pagbabago sa kanilang naunang listahan ng mga nominado. Tumitindig pa rin sila kay Manalili ng UPOU, Lozano ng UPMin, at Solomo ng UPLB. Inalis na nila sa kanilang listahan si Algas ng UPD.
[As of 6:50 p.m.]
Mula sa naging mga manipestasyon, naghain ang UPMin USC ng mosyon upang pormal na i-adopt ang sumusunod na mga nominado: Manalili ng UPOU, Solomo ng UPLB, at Lozano ng UPMin.
[As of 6:52 p.m.]
Tinutulan ng UPC USC at UPOU USC ang nasabing mosyon. Ayon sa UPC USC, malinaw ang kasikhayan ni Romulo sa paglilingkod sa sambayanan at sa sangkaestudyantehan. Binibitbit ni Romulo ang hinaing ng mga mag-aaral patungo sa administrasyon, sa mga lansangan, at sa mga mobilisasyon, anila.
[As of 6:52 p.m.]
Nagpahayag ng manipestasyon ang UPD CFA SC hinggil sa kanilang pagpili kay Algas bilang nominado ng buong UPD. Nagmula si Algas sa UPD CFA SC. Anila, noong nalaman nila na puno ng Kabataan Partylist si Algas, buong kumpyansa sila na madidikit ang laban ng UPD CFA at UPD sa Kongreso. Naging pinakamapulang kolehiyo rin daw ng UPD ang CFA. Hinikayat nila ang ibang mga konseho na tanda ang bigat ng kanilang mga boto, lalo na para sa maraming mga artista ng bayan na naghihikahos sa gutom.
[As of 6:55 p.m]
Matapos ang manipestasyon ng UPD CFA SC, naghain ng mosyon ang UPM USC para sa tatlong minutong unmoderated caucus, na sinegundahan at inaprubahan naman agad ng lupon. Babalik ang sesyon sa ganap na 6:58 p.m.

[As of 6:58 p.m.]
Muling nagbabalik ang sesyon ngayong gabi.
[As of 6:58 p.m.]
Muling naghain ng mosyon ang UPOU USC upang humiling ng karagdagang tatlong minuto para sa unmoderated caucus. Inaprubahan ito ng lupon.

MGA KAGANAPAN MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS
[As of 7:04 p.m. onwards]
- Giit ng UPC USC, napakinggan nila ang merit ng mga manipestasyon ng ibang mga CU. Pinagpugayan din nila ang limang mga nominado na naglakas-loob na humarap sa mga konseho ngayong araw. Partikular nilang tinukoy si Romulo, ang nominado ng kanilang CU, para sa naging mga kampanya niya sa iba’t ibang sektor, kabilang na ang sangkaestudyantehan.
- Anila, nais nilang pagpugayan ang mariin at malalim na pag-ugat ni Romulo sa masa, partikular ang kaniyang paglubog sa komunidad ng carbon public market vendors at sa mga maralitang lungsod na naging biktima ng demolisyon. Giit nila, bagaman hindi nagtagumpay si Romulo sa pilian ng mga nominado ngayong araw, makaasa ang lahat na hinding-hindi titigil ang pagkilos ni Romulo para sa isang tunay na NSMO na edukasyon.
[As of 7:07 p.m.]
Pormal nang isinulong ng UPMin USC ang tatlong nominado para sa susunod na yugto ng pagpili ng susunod na SR: UPOU SR Nominee Manalili, UPLB SR Nominee Solomo, at UPMin SR Nominee Lozano sa pamamagitan ng isang mosyon. Inaprubahan ito ng lupon.

[As of 7:10 p.m.]
Mayroon nang opisyal na listahan ng tatlong pinal na mga nominado para sa susunod na SR: Manalili ng UPOU, Solomo ng UPLB, at Lozano ng UPMin. Kasabay ng pagpinal sa listahan na ito ang pagkilala ni Outgoing SR Clemente sa kakayahan ng lahat ng mga nominado ngayong taon.
[As of 7:14 p.m.]
Matapos aprubahan ng lupon ang tatlong pinal na mga nominado, binigyang-pugay ni Outgoing SR Clemente si Romulo ng UPC at Algas ng UPD matapos ang pangangahas na pagtanggap ng hamon na maging rehente at pagsilbihan ang sangkaestudyantehan ng buong UP System.
MENSAHE NI UPC SR NOMINEE ATHENA ROMULO
- Nagpasalamat si Romulo sa mga konseho na kasalukuyang nagpupulong. Aniya, nakagagaan ng pakiramdam makasama ang lahat ng mga delegado mula sa buong UP System.
- Naniniwala rin si Romulo na kolektibo ang lahat ng mga delegado sa pagsusulong ng iba’t ibang mga kampanya, at na may matibay na batayan ang naging pagpapasya para sa tatlong napiling mga nominado.
- Tinukoy niya rin ang kahingiang bitbitin ang iba pang mga kampanya kagaya ng pakikibaka ng carbon market vendors laban sa pribatisasyon. Hinimok niya rin ang iba na patuloy na bitbitin ang pakikibaka ng mga sektor mula sa kaniyang rehiyon.
- Ipinahayag niya rin ang kaniyang natutuhan na pananaw mula sa kaniyang pinakahuling basic masses exposure: na may kagustuhan siyang maging isang full-time na aktibista.
- “Abangan niyo po ako sa mga kalsada. At abangan niyo po ako sa mga pag-oorganisa,” aniya.
MENSAHE NI UPD SR NOMINEE ADRIAN ALGAS
- Sinimulan ni Algas ang kaniyang talumpati sa pamamagitan ng pagbabalik sa kung paano siya naging nominado ng UPD.
- Nagpasalamat siya sa mga kasama na unang nagtiwala sa kaniya. Aniya, hindi siya magtitiwala sa kaniyang sarili kung hindi siya pinagkatiwalaan ng mga tao sa paligid niya.
- Marami umano siyang internal conflicts sa kaniyang program bilang isang industrial design student. Palagi umano niyang hinahanap ang puwang ng kaniyang pag-aaral sa tunay na lagay ng lipunan. Sa harap ito ng pag-bubukas umani ng Dilimall, pagbubukas ng mga dorms, pagbaba ng budget
- Sa kabila nito, malaki umano ang naitulong ng Kabataan Partylist sa kanya upang mahubog siya sa pagiging isang aktibista at makaabot sa puntong kaniyang tinatayuan ngayon.
- Binalikan din niya ang mga kampanyang binitbit bilang isa sa mga nominado sa pagka rehente. Nanawagan siya sa kaniyang mga kapwa nominado na ipagpatuloy ang mga kampanyang ito.
- Ayon sa kanya, ang kaniyang mga kapwa nominado sa UPD ang unang sumuporta sa kanya sa kaniyang laban para sa pagkarehente.
- “Tutuloy tayo na lumaban hangga’t hindi lahat ng mga ordinaryong Pilipino ay nakatatamasa ng buhay na dapat ay natatamasa nila. Patuloy tayong lalaban para sa makamasang tipo ng edukasyon,” aniya.
- “Hindi na tayo magiging rehente pero patuloy tayo na magiging tunay na representasyon ng mga kabataan,” dagdag pa niya.
[As of 7:30 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPD ECON SC pang magkaroon ng 30 minutong break para sa hapunan. Magbabalik ang sesyon mamayang 8:00 p.m. matapos aprubahan ang mosyon.

[As of 8:25 p.m.]
Nagbabalik na ang sesyon ngayong gabi upang opisyal nang magpasya para sa susunod na rehente ng mga mag-aaral ng UP.

[As of 8:26 p.m.]
Gumugulong na ang isang roll call para tiyakin ang attendance ng mga konsehong dumalo sa pagpapatuloy ng sesyon.
[As of 8:32 a.m.]
Narito ang bilang ng mga konseho sa pagpapatuloy ng sesyon ngayong gabi:

[As of 8:33 p.m.]
Magpapatuloy na ang paggulong ng agenda para sa SR selection.
[As of 8:33 p.m.]
Bago ang pagpapatuloy, naghain muna ang UPD USC ng isang mosyon upang igawad muna ang sertipiko ng pagkilala para sa host unit at sa mga naging speaker, ang UP Mindanao. Matapos ang paggagawad ng sertipiko, magpapatuloy na ang agendum para sa Question and Answer portion para sa tatlong napiling nominado.
[As of 8:45 p.m.]
Magpapatuloy na ang sunod na yugto ng seleksyon para sa pagpili ng ika-43 rehente ng mga mag-aaral ng UP. Magsisimula na ang pagtatanong sa tatlong nominado. Isang oras ang ilalaan para dito.
MGA KATANUNGAN PARA SA TATLONG NOMINADO
Tanong mula sa UPD USC para sa lahat ng nominado: Bilang susunod na rehente ng mga mag-aaral, paano po kaya natin mas ilalapit ang isyu ng imperyalismo sa isyu ng taumbayan? Ano-ano ang mga aktibidad na ating isusulong kaugnay ng kampanyang ito?
- Ayon kay SR Nominee Solomo mula sa UPLB, imperyalismo ang tanging umuukok sa ating bansa. Hinding-hindi umano titigil ang paninindigan laban sa imperyalismo hangga’t may alon at unos. Aniya, patuloy siyang makikiisa, papakat, at titingnan ang tunay na kalagayan ng lipunan.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, dahil magkatabing campus lamang ang UPLB at UPOU, mayroong International Rice Research Institute (IRRI), napag-alaman umano nila na ang IRRI ay nakapailalim din sa impluwensya ng imperyalismo na walang magandang naidudulot sa mga mamamayan. Magtatayo rin umano si Manalili ng No To Pax Silica Alliance upang mariing tutulan ang proyekto at upang patunayan na ang OSR ay isang anti-imperyalismong institusyon.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, ang imperyalismo ay hindi lamang laban ng sangkaestudyantehan, kundi laban din ito ng buong mundo. Bumuo umano sila ng anti-war coalition para mas mailapit at maipatambol ang mga panawagan laban sa imperyalismo sa mga iskolar ng bayan.
Tanong mula sa UPC USC para sa lahat ng nominado: Sa ngayong mas lumala pa ang pasismo, military intrusions, at police presence sa mga campus, ano ang mga hakbang ng mga nominado para sa pagtutol sa UP-DND Accord at sa mga presenya ng militar sa UP System?
- Ayon kay SR Nominee Lozano, ang anti-pasistang laban ay may malinaw na manipestasyon sa lahat ng mga CU ng UP System dahil sa presensya ng militar sa mga pamantasan. Kasama sa mga tinukoy ni Lozano na polisiya ang UP-AFP Declaration of Cooperation. Tinukoy niya rin ang kahingiang igiit ang pagkakaroon ng unilateral na reinstatement ng UP-DND Accord bilang proteksyon sa mga mag-aaral laban sa pasismo at militarisasyon.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, ang usapin ng anti-pasismo ay kaugnay sa pag-i-institutionalize ng komite ng academic freedom at human rights. Aniya, hindi natin kailangan magpakulong sa burukrasyang bagay na umiiral sa lipunan. Dagdag pa niya, puputulin din nila umano ng malawak na hanay ng sangkaestudyantehan ang mga agreements sa UP, AFP, PNP.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, sa usapin ng pasismo ay kitang-kita ang manipestasyon sa buong UP System. Ebidensya umano nito ang sunod-sunod na red-tagging sa UPLB Feb Fair ngayong taon. Dagdag pa niya, kahingiang igiit sa BOR ang kahalagahan ng proteksyon ng mga mag-aaral laban sa red-tagging. Kailangan umano i-push forward sa BOR ang pagkakaroon muli ng UP-DND Accord, pati na rin ang pagpapatupad ng system-wide na Safe Haven Resolution na tutulugsa sa presensya ng mga militar sa loob ng kampus. Kailangan din umano ng students in dissent protection program at sanctuary, pati na rin ng lohistikal na tulong sa mga kabataang biktima ng pagbabanta at harassment. Kailangan din umanong kolektibo ang pagtutol sa militarisasyon sa mga pamantasan.
Tanong mula sa UPV USC para sa lahat ng nominado: Bilang rehente ng mga mag-aaral, paano masisigurado ng mga nominado ang patuloy na pagmomobalisa ng lahat ng mga alyansa kagaya ng Defend UP, UP the Budget Network, at iba pang mga alyansa?
- Ayok kay SR Nominee Manalili, nararapat na pinaiigting ang pagkakaroon ng mga pre-imposed meetings kasama ang mga iba pang konseho upang palakasin ang alyansa ng buong UP System. Aniya pa, habang isinusulong ang mga panawagan sa loob ng bulwagan, nararapat ding inilalaban sa labas nang matiyak ang network na nakasandig sa puwersa ng sangkaestudyantehan.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, sinusuhayan niya ang mga nabanggit ng kapwa niya nominado na si Manalili. Nasa GSPOA niya raw ang kasagutan sa nabanggit na tanong. Iginiit niya ang kahingiang magtalaga ng mga bihasang lider-estudyante upang tumuwang sa pagpapagulong ng OSR sa iba’t ibang masususing kampanya. Aniya, mahalagang mapaingay ang boses ng libo-libong mga iskolar ng bayan.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, ang nabanggit na mga alyansa sa tanong ay multisektoral at mahalagang buhayin. Kailangan daw ring magkaroon ng mabilis na daluyan ng mga panawagan sa pamamagitan ng OSR. Ipinatampok niya rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng konsolidasyon mula sa lahat ng mga alyansa.
Tanong mula sa UPD CFA SC para sa lahat ng nominado: Ma-adopt ba ang paglalakad ng Kabataan Partylist ng Delivery of Adequate and Accessible Services in Universities (DASURV) Bill? Ano ang magiging estratihiya ninyo upang mailakad ito sa BOR at maipasa ito sa kongreso?
- Ayon kay SR Nominee Solomo, tiwala siya sa Kabataan Partylist para sa pagsusulong ng DASURV Bill para sa NSMO umanong tipo ng edukasyon. Aniya, makatutulong ang panukala sa pagpapataas at pagpapaingay ng usapin ukol sa badyet ng edukasyon na patuloy ginigipit ng administrasyon.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, mahalaga ang pagpapalawak ng mga batayang serbisyo para sa lahat ng mga mag-aaral. Binigyang-diin ni Lozano ang masusing tungkulin ng Kabataan Partylist, partikular mula sa mahabang kasaysayan ng pakikibaka nito, para sa tunay na reporma sa edukasyon. Aniya, mahalaga ang pakikiisa ng malawak na hanay ng mga mag-aaral ng UP sa mga kampanyang isinusulong ng nasabing partido. Bilang lagom sa kaniyang sagot, iginiit niyang ang laban ng KPL ay lumalagpas pa sa House of Representatives at dumadaloy hanggang sa mga lansangan.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, bitbit niya ang laban sa pamamagitan ng lobbying sa mga house of representatives. Dagdag pa niya, suportado niya ang kampanya ng Kabataang Partylist para isulong ang mas mataas na pondo para sa edukasyon.
Tanong mula sa UPMin USC para sa lahat ng nominado: Paano gagamitin ng mga nominado ang plataporma ng OSR bilang isang institusyon sa pagpapatambol ng mga kampanyang anti-burukrata-kapitalismo?
- Ayon kay SR Nominee Lozano, malayo na ang naabot ng anti-burukrata kapitalistang kampanya ng sambayanan. Iginiit niya ang matagal nang panawagan na ang lahat ng sangkot sa katiwalian ay dapat managot. Aniya, mahalagang magkaisa ang lahat ng student institutions, partikular ang mga pahayagan dahil sa kakahayan ng mga mamamahayag na ilantad ang procedures ng impeachment trial na gumugulong laban kay Sara Duterte. Dagdag pa niya, kailangang maintindihan ng taumbayan ang daloy ng mga proseso ng pananagutan. Iginiit niya ring ang karapatan ng mga mag-aaral sa edukasyon ang unang nadadamay at nahihirapan sa harap ng talamak na korapsyon ng estado.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, pinagpugayan niya ang bawat CU sa paglulunsad ng mga walkout at pagkilos. Tuloy-tuloy umano ang paninindigan laban sa burukratang kapitalismo upang tuluyan nang patalsikin si Bise Presidente Sara Duterte at panagutin si Presidente Ferdinand Marcos Jr.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, ang OSR ay isang opisinang pinag-aaralan ang lipunan. Kabilang sa pag-aaral na ito ang paglulunsad ng mga pag-aaral, kagaya ng Lean Alejandro School ng KASAMA sa UP. Aniya, sa mga ganitong pag-aaral napatitimo sa masa ang bigat ng burukrata kapitalista, lalo pa’t sistematiko na ito. Aniya, kung kayang mag-aral ng mga iskolar ng bayan, kaya pang mas dagdagan ang dami ng mga nag-wa-walkout na mag-aaral sa harap ng sunod-sunod na kaso ng korapsyon. Dagdag pa niya, mahalagang magamit ang mga alyansa upang mas maugnayan ang mga mag-aaral sa bisa ng iba’t ibang mga porma ng pag-aaral at ganap silang mapakilos.
Tanong mula sa UPM USC para sa lahat ng nominado: Ano ang mga plano ng mga nominado para tutulan ang mga represibong polisiya ng administrasyon sa UP System na negatibong nakakaapekto sa mga mag-aaral?
- Ayon kay SR Nominee Manalili, kinilala niya ang mga danas ng mga mag-aaral na naging biktima ng represibong polisiya kabilang ang anti-estudyanteng criteria na humahadlang sa kanilang makapagtapos. Kaya naman sa kabila ng pagiging matigas ng administrasyon hinggil sa hinaing ng mga estudyante, naniniwala siyang mas matatag ang paninindigan ng sangkaestudyantehan upang isulong ang academic freedom.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, mahalagang tandaan natin na ang mga represibong polisiya ay nanggagaling sa kawalan ng political will ng mga administrasyon ng bawat pamantasan upang bigyan ng tunay na porma ng pagkatuto ang mga mag-aaral. Aniya, isa sa mga gagawin ng kaniyang opisina sakaling mahalal ang pag-aangat ng masususing kampanya sa BOR. Magsusulong din daw umano siya ng mga konsultasyon sa Committee on Academic Affairs at sa Office of the Vice President for Academic Affairs upang makapagkondukta ng rebyu sa mga polisiyang matagal nang nagkakaroon ng kahirapang iresolba. Aniya, ang representasyon ay ‘di lamang sa loob ng BOR kundi sa mga lokalidad ng kada CU. Dadalhin din daw aniya ng kaniyang opisina ang iba pang mga kampanya.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, matindi ang paninindigan niya na hindi dapat nararanasan ng mga estudyante na maipit ang kanilang mga karapatan sa edukasyon. Aniya, pinalalawak ang student assembly ukol sa Return Service Agreement upang mas mapalawak umano kung paano ba ito tinutugunan at lumalawak sa buong UP System. Patuloy umano niyang ipaglalaban na ang tunay na diwa ng edukasyon ay hindi kailanman matatali sa mga represibong polisiya ng administrasyon.
Tanong mula UPB USC sa para sa lahat ng mga nominado: Paano maiigpawan ang bottleneck ng kasalukuyang Anti-sexual Harrasment (ASH) code?
- Ayon kay SR Nominee Manalili, mayroong ipinasang resolusyon noon na rekomendasyon ng mga konseho upang magkaroon ng gender officers na proactive na nagtutulak para mailarga ang ASH Code. Aniya, dapat may capacity tayo para isulong ang ganitong kampanya. Kinwestyon niya rin kung ano ba ang ating p’wedeng magawa habang gumugulong ang mga legal na proseso, kung ano ang suportang p’wedeng maibigay sa mga biktima. Giit pa niya, hindi na dapat basta-basta nagkakaroon ng mga kaso ng harassment at abuse sa kababaihan. Aniya, mauugat ang isyung ito sa pagiging patriyarkal ng ating lipunan.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, kinakailangan na i-capacitate ang OASH offices upang mas mabigyan pa sila ng karagdagang pondo sa operasyon. Hindi raw dapat umano na magpakasapat na maipit tayo sa burukrasya ng gobyerno. Dagdag pa niya, sa isang proyektong katuwang ang UPMin, layon nilang hubugin ang peer facilitators para tiyakin na ligtas ang espasyo ng sangkaestudyantehan sa pamantasan.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, kapareho kay Manalili, ang konsultasyon sa UPB patungkol sa gender officers ang pinagmumulan ng kaniyang kaalaman hinggil sa nabanggit na isyu. Aniya, tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga konseho ng peer-facilitated student councils. Mahalaga rin aniya ang pagpapataas ng budget sa gender officers upang makapagsanay ng mga lider-estudyante, pati na rin ang pagbibigay ng psychosocial support sa mga biktima. Iginiit niya rin kung paanong ang isyung ito ay nararapat matugunan sa bisa ng pagbasag sa kulturang macho-pyudal at patriyarkal sa bisa ng paglulunsad ng malawakang edukasyon sa mga mag-aaral upang mapanatili ang safe spaces sa loob ng mga pamantasan.
Tanong mula sa UPV CAS SC para sa lahat ng nominado: Ano ang mga paninindigan ng mga nominado sa posisyon ng administrasyon na kung saan required pang dumaan sa burukrasyang proseso ang mga aktibidad na katulad ng Basic Masses Integration (BMI) at Rural Investigation Movement (RIM)?
- Ayon kay SR Nominee Solomo, kinikilala niya ang kahalagahan ang mga basic mass integration, rural investigation movement upang malaman ang tunay na danas ng lipunan lalo na sa mga komunidad na biktima ng pamamasismo at patuloy na development aggression. Kagaya ng martirnna si Alyssa Alano, bilang rehente, handa si Solomo na gtumungo sa kanayunan, tumulong sa komunidad upang isulong ang kampanya para sa mga katutubo at magsasaka.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, ang kaniyang pagtingin sa isyu ay hindi kailangang pigilan ang mga sarili kung sakaling pipigilan sila ng administrasyon na pumunta sa kanayunan, sa mga komunidad. Aniya, ang pagtungo sa mga lugar na ito ay nakabatay sa materyal na kondisyon ng mga mamamayang nakatira do’n. Kinwestyon niya rin ang awtoridad ng mga naghaharing-uri na magpatupad ng mga represibong polisiya sa mga batayang sektor. Aniya, tama ang makipamuhay sa mga komunidad at sumama sa mga mamamayang tinatanggalan ng boses ng estado. Giit niya, hindi kailangang ipagpaalama ng mga iskolar ng bayan ang paglilingkod sa mga mamamayan sapagkat ito ang mismong tungkulin ng mga mag-aaral ng UP.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, hindi na kailangan ipaalam pa sa administrasyon ang kagustuhan na tumungo sa kanayunan. Kung totoo mang mandato ng UP ang serve the people, nararapat lamang na lumubog tayo sa mga komunidad katulad ng mga martir ng bayan na sambayanan ang pinag-aralan. Aniya, lumubog sila umano sa mga magsasaka, mangingisda, sa kanayuan, kung saan sila mas pinakakailangan.
Tanong mula UPM CPH SC sa para sa lahat ng nominado: Handa ka bang mag-file ng Leave of Absense (LOA) upang maituon ang lahat ng iyong atensyon para sa pagsisilbi bilang rehente ng mga mag-aaral ng UP?
- Ayon kay SR Nominee Lozano, malinaw ang kaniyang pagpapasyang mag-LOA kung sakaling mahalal bilang rehente ng mga mag-aaral. Aniya, ang sinserong pagsisilbi bilang rehente ay may kakabit na sakripisyo. Handa umano siyang ilaan ang lahat ng kaniyang oras upang magsilbi.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, handa siya bitawan umano ang kaniyang mga academic responsibility upang tanganan ang tungkulin ng OSR. Dagdag pa niya, bukod sa mga meeting sa BOR, mandato ng rehente ang makipamuhay sa ibang mga CU upang katawanin ang pinakamataas na decision-making body. Aniya, kailangang maranasan ng rehente ang lahat ng polisiyang dinaranas ng bawat pamantasan, katulad na lamang ng ginawa ni Outgoing SR Clemente. Inulit niya ang kaniyang kapasyahang bitawan ang kaniyang academics upang maging full-time na lider ng mga mag-aaral.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, sa UPOU ay nasa online distance learning set up, ngunit mahusay pa rin niyang nagagampanan ang mga responsibilidad pang-akademiko. Aniya, kaya niyang bitbitin ang kaniyang laptop para sa mga BMis at kaya niya rin itong iwanan kung kinakailangan. Dagdag pa niya, handa niyang iwanan ang mga ito dahil prayoridad niya ang pagiging lider-estudyante at militanteng aktibista.
Tanong mula sa UPV CFA SC para sa lahat ng nominado: Paano balak isulong ng mga nominado ang proteksyon ng mga artista ng bayan laban sa generative artificial intelligence? Ano ang mga hakbang na maisusulong ng mga nominado para sa pagprotekta sa larangan ng mga artista ng bayan?
- Ayon kay SR Nominee Manalili, sobrang relevant ang naging katanungan bilang lapat ito sa danas niya sa UPOU. Aniya, kailangang tingnan ito mula sa resolusyon na napasa ng UPV CFA. Aniya, ang agham ay dapat na nagsisilbi sa masa. Ang AI, dagdag pa niya, ay hindi ginagamit upang mag-pro
- Ayon kay SR Nominee Solomo, walang hindi kayang gawin ang AI na hindi rin kayang gawin ng bawat iskolar ng bayan. Aniya, ang siyensiya ay kailangan nakatuon pa rin sa mga efforts para maihain ang genuine learning experience ng sangkaestudyantehan.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, mariin siyang naniniwala na hindi kailanman mapapalitan ng anumang AI tool ang talento at kagalingan ng mga mag-aaral sa larangan ng sining. Nararapat na magkaroon ng pag-aaral kung papaano ito magagamit nang responsable upang maprotektahan ang umiiral na kultura, sining, at ang property rights.
Tanong mula sa UPLB CEAT SC para sa lahat ng nominado: Ano ang nakikitang kahirapan sa paggana ng opisina at anong mga pagbabago sa istruktura nito ang gagawin kung mayroon man?
- Ayon kay SR Nominee Lozano, malinaw na sa loob ng opisina na mas nahihigitan ang sektor ng kabataan-estudyant bunsod ng reaksyunaryong Board of Regent (BOR). Kaya naman, balak ni Lozano na paunlarin ang praktika, istruktura, at sistema sa loob ng BOR upang maipaabot ang mas malawak na kampanya.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, hindi nakapapagod umano ang pagiging sole representative ng sangkaestudyantehan, mahirap lamang ito kung hindi isasandig ang lakas. Aniya, kasama umano ang faculty at staff dahil katuwang din sila sa mga pinagsasamantalahan ng estado.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, mahalaga ang bawat boses ng 65,000 na iskolar ng bayan kaya naman kahingian para sa kaniya kung sakaling magiging rehente na bitbitin ang mga ito at paigtingin sa loob ng opisina kasama ang pagpapalakas ng alyansa ng iba’t ibang sektor. Aniya, kailangan ding i-utilize at sumandig sa iba pang mga alyansa, kagaya ng KASAMA sa UP.
Tanong mula sa para sa lahat ng nominado: Paano makakaasa ang mga e-skolar ng bayan na maisasaayos ang academic calendar ng UPOU upang masigurado ang kapakanan ng mga iskolar ng bayan?
- Ayon kay SR Nominee Solomo, kailangang masigurong ang distance learning ay magiging mas aksesible. Dagdag pa niya, nand’yan din ang pagtutol sa kaakibat ng distance learning na neoliberal na tipo ng edukasyon, kung saan mga awtput ang nagiging basehan ng kakayahan ng isang mag-aaral. Iginiit niya rin ang pagkakaroon ng pakikiisa sa kampanya ng UPOU na pag-dismantle sa sistemang kanilang dinaranas. Magagawa umano ang kampanyang ito sa pamamagitan ng paglubog at pakikipag-ugnayan sa mga konseho at representante ng UPOU.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, kailangang kilalanin ang natatanging katangian ng UPOU upang matanganan ang kahingian para sa mga konsultasyon. Giit niya, maaaring magamit ang All Leaders Assembly na mayro’n na sa UPOU upang mapaigting ang pag-agapay sa mga mag-aaral ng UPOU. Kailangan din daw umano na mabaka sa loob ng BOR ang pagkakaroon ng makataong academic calendar sa UPOU. Magiging paraan ng pagkalap ng datos ang mga konsultasyon, na magiging gabay para sa mas masikhay na pagsusulong ng mga kampanya para sa UPOU.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, nararapat magkaroon ng capacity training sa mga Student Councils at kahit Board of Regents ang nag-aapruba nito, kinuwestiyan niya ang dahilan kung bakit nakalalampas ito sa mga University Student Councils. Binigyang-diin din niya ang panawagan na patuloy dapat ituloy ng mga konseho na makapaglunsad ng kolektibong konsultasyon sa sangkaestudyantehan.
[As of 9:47 p.m.]
Naghain ang UPLB USC ng isang mosyon na naglalayong palawigin ang Question and Answer portion pagkatapos ng nauna nang naitakdang isang oras na limitasyon para sa nasabing parte ng seleksyon. Dahil dito, palalawigin pa ng 15 minuto ang pagtatanong ng mga konseho matapos aprubahan ang mosyon.
Tanong mula sa UP EDUK SC para sa lahat ng nominado: Paano mailalapit ang student body sa laban ng mga manggagawa ng pamantasan?
- Ayon kay SR Nominee Manalili, hindi madaling maipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga materyal na kondisyon ng mga manggagawa sa loob ng pamantasan, kung kaya’t mas maigi kung ang mga mag-aaral mismo ang tutuwang sa pagsuporta sa sektor na ito. Aniya, kolektibo dapat ang pagtataguyod sa kampanya ng mga manggagawa sa Unibersidad. Bagaman marami ang bitbit na mga laban ng OSR, mahalaga pa ring mapatimo ang suporta ng mga estudyante sa mga manggagawa ng pamantasan sapagkat hindi umano makakapag-function ang mga mag-aaral kung wala ang sektor na ito. Kabilang sa mga kinilala ni Manalili ang mga gwardyang nagbabantay sa mga kampus at ang mga janitor na naglilinis sa mga pasilidad.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, kahingian ang paglubog sa sektor ng mga manggagawa sa pamantasan upang tunay na makiisa sa kanilang mga laban. Kailangan umano mapatibay ang mga multisektoral na pag-abante. Dagdag pa niya, ang dekalidad na edukasyon ay hindi lamang nagmumula sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga sektor na araw-araw nagsisilbi sa mga pamantasan. Mahalaga umano ang pagkausap sa mga miyembro ng komunidad na nakikiisa sa pakikibaka para sa makaestudyanteng tipo ng edukasyon. “Ang kalidad na edukasyon ay ‘di lang tumatagos sa mga
- Ayon kay SR Nominee Solomo, dapat natin tugunan ang bawat problema sa multisektoral na saklaw at makipag-ugnayan sa faculty regent at staff regent para makabuon ng mga kapanya at makabuon ng mga kapanya at maipadala ito sa UP Board of Regents. Nanghamon din siya sa mga konseho sa mga konseho na patuloy pumakat sa mga iba’t ibang sektor.
Tanong mula sa UPB USC para sa lahat ng nominado: Ano ang magagawa mo para maikampanya ang pagpapataas ng budget para sa SLAS at masolusyunan ang dehumanizing na proseso nito?
- Ayon kay SR Nominee Manalili, dehumanizing umano ang proseso ng SLAS. Hindi dapat nagmamakaawa ang mga estudyante na makamtan ang nararapat na tipo ng edukasyon. Nanindigan siya na ang lahat ay biktima ng kasalukuyang antas ng edukasyon sa bansa. Aniya, ang tungkulin ng Student Regent ay tumindig na hindi dapat magmakaawa ang isang estudyante na tulungan siyang makamit ang libre at de-kalidad na edukasyon. Hanggang sa ngayon, kulang pa rin ang pondo kung kaya’t nakararanas ng mga limited slots.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, nakalipas na ang pamantayang ginagamit ng SLAS. Ang Bantay SLAS Network umano ang naging lunduyan ng mga grantees at isa sa mga balakid ng mga estudyante ay ang pagbottleneck ng pondo ng edukasyon. Nararapat lamang umano ang pagdecentralize ng pondo ng SLAS para mabigyan umano ng mas maraming slots pa ang bawat iskolar ng bayan.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, kung tunay na libre at de-kalidad ang sistema ng edukasyon, hindi dapat nagpapakasasa na maghintay pa ng isang buong semestre para lamang maghintay ng SLAS at hindi dapat kailangan maghintay ng pera para lamang makakain nang isang beses sa isang araw. Aniya pa, hindi kailangan patunayan ang kahirapan ng sangkaestudyantehan dahil kung sapat lamang ang pondo, hindi na dapat kailangan magmakaawa at yumuko pa para lamang patunayan na nararapat silang makatanggap ng pondo.
Tanong mula sa UPD CFA SC para sa lahat ng nominado: Ano ng magiging estratehiya ng mga nominado para supilin ang Reframed GE Curriculum at pagsusulong ng holistic developement?
- Ayon kay SR Nominee Solomo, ang kahingian sa mas malawak na antas ay ang pagpapalit sa technical panel for GE ng CHED. Giit niya, napagtagumpayan sa UPLB ng Defend GE Movement Campaign ang pagsusulong ng isang mas progresibong GE director. Aniya, ang honor, excellence, at service ay makakamit lamang sa pagkakaroon ng mas makatao at makamasang GE curriculum.
- Ayon kay SR Nominee Lozano, ang pagsisikap ng estado upang maisulong ang huwad na RGECC ay pruweba ng kanilang pagiging malakolonyal. Giit niya, kailangan ang paglulunsad ng masinsingang pagsusuri kung paano ang magiging kurikulum ng bawat degree program. Dagdag pa niya, handa siyang sagkaan kasama ang mga iskolar ng bayan ang hindi makatao at hindi makamasang tipo ng edukasyon.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, ang RGECC ay pruweba ng kulturang naglalayong gawing murang lakas-paggawa ang mga mag-aaral. Giit niya, hindi dapat pahintulutan ang ganitong represeibong polisiya. Aniya, kasalukuyang nakatigil ang planong pag-re-reframe. Kung sakaling mahalal siya bilang rehente ng mga mag-aaral, plano niyang maglunsad ng mga pag-aaral upang makonsulta ang mga mag-aaral sa kung anong itsura ng pag-aaral ang tunay nating hinahangad. Partikular na tinukoy ni Manalili ang UP Lean Alejandro Leadership Program. Aniya, makakaasa ang mga iskolar ng bayan na siya ay titindig at hindi papayag sa neoliberal na tipo ng edukasyon.
Tanong mula sa UPM SHS Tarlac SC para sa lahat ng nominado: Anong mga kongretong plano ang ihahain ng mga nominado para sa mga SHS campuses lalo na’t iba’t ibang isyu ang kinahaharap ng bawat SHS campus?
- Ayon kay SR Nominee Lozano, iba ang katangian ng pagpopondo sa schools of health science sapagkat pinopondohan ito ng UP at ng LGU. Aniya, volatile ang fundings ng SHS units dahil sa politika. Mahalaga umanong panagutin ang UP System dahil hindi dapat umano pinapabayaan ang pinakamaliit na CU na tumutugon sa maraming mga kampanya. Kailangan umanong pondohan ang mga health science units dahil sila ang may tungkuling agapayan ang kalusugan ng mga komunidad.
- Ayon kay SR Nominee Manalili, naniniwala siyang marami pa ang kailangang butbutin sa nasabing isyu sapagkat marami ang unutilized funds mula sa Return Service Agreement (RSA). Kailangan umanong itigl ang RSA at matigil ang repressive policies. Hamon din daw umano sa administasyon na pondohan ang health science units.
- Ayon kay SR Nominee Solomo, kahingiang huwag pagkaitan ng pondo ang unang first aider sa mga komunidad. Kasama umano ang kampanyang ito para sa pondo sa pagpapanagot at paniningil sa administrasyon. Kailangan din daw puntahan ang mga paaralang ito at ugatin kung bakit nawawalan ng pondo ang mga mag-aaral na handang magserbisyo sa bayan.
Tanong mula sa UPMin USC para sa lahat ng nominado: Show us your talent.
- Nagpakita ng talento ang mga nominado para aliwin ang mga konseho.
[As of 10:16 p.m.]
Pagkatapos ng Question and Answer portion, gumugulong na ang deliberasyon upang mapinal ang pagkakasunod-sunod ng tatlong nominado.
[As of 10:17 p.m.]
Naninindigan ang UPLB CAS SC na nararapat si SR Nominee Solomo ang maging first nominee dahil isinikap niyang lumahok at makipamuhay sa mga agrabyadong komunidad kabilang ang Bambang Purok 6B na nakaranas ng marahas na demolisyon. Ayon sa kanila, laksa-laksang kapulisan ang hinarap ni Solomo sa komunidad ngunit hindi umano nagpatinag si Solomo upang ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan.
[As of 10:19 p.m.]
Nanindigan din ang UPOU USC na ang isang rehente ay dapat maagap at agarang tumutugon sa kahit na anong isyung nararanasan sa bansa. Nang pumutok umano ang pagtangkang pasukin ang Pook Malantic dahil sa SDG Park, agarang tumugon si Manalili upang ipaglaban at ipagtanggol ang karapatan ng malawak na masa.
[As of 10:21 p.m.]
Sa pahayag naman ng UPMin USC, kailangang gamitin nang husto ang mga student publications, konseho, at alyansa upang palawakin ang samu’t saring isyung danas ng malawak na hanay ng mga estudyante. Binigyang-diin nila na ang campus publications ay hindi lamang taga-cover ng kampanya, bagkus ay kabahagi rin ng pagpapamulat at pagpapakilos ng sangkaestudyantehan.
[As of 10:23 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPM USC upang pormal na isulong si SR Nominee Manalili bilang kanilang first nominee para sa UP Student Regent. Ayon sa konseho, malawak ang naging karanasan ni Manalili sa pagsusulong ng mga kampanya laban sa mga anti-estudyanteng polisiya.
[As of 10:26 p.m.]
Pinagpugayan ng UPB USC ang tatlong nominado. Ayon sa kanila, nakitaan ang tatlo ng kakayahan na upang maging rehente. Kaya naman, ayon sa kanila, bukas pa sila sa mas malalim pang pakikinig upang magkaroon ng pinal na desisyon para sa isusulong nilang SR nominee.
[As of 10:28 p.m]
Ayon naman sa UPD USC, hindi naging sapat ang isang oras at 15-minuto na Question and Answer Portion na inilunsad kanina upang alamin at makinig sa tugon ng tatlong natitirang nominado hinggil sa iba’t ibang lokal at nasyonal na isyu.
[As of 10:29 p.m.]
Ayon naman sa UPV USC, narinig nila kung paano sinagot ng tatlong mga nominado ang mga katanungan ng mga konseho. Narinig umano nila ang mga tindig ng mga nominado sa iba’t ibang mga kampanya. Gayunpaman, bukas pa rin sila sa pakikinig ng mga manipestasyon mula sa iba’t ibang mga CUs upang magpinal ng desisyon.
[As of 10:31 p.m.]
Dahil umano sa kawalan ng caucus, wala pa ring pinal na desisyon ang UPC USC para sa nais nilang i-forward na nominado.
[As of 10:32 p.m.]
Naghandog ng katanungan ang UPD USC sa mga konsehong pinagmulan ng mga nominado kung papayag ba sila na hindi maihandog sa kanilang SR Nominee na si Lozano ang puwesto bilang ika-43 ng rehente.
[As of 10:32 p.m.]
“Hindi po kami papayag na hindi ma-forward si AJ Lozano bilang susunod na SR,” saad ng UPMin USC. Malaki umano ang gampanin ng isang katulad ni Lozano sapagkat mayroon siyang natatanging kakayahan na kaniyang magagamit bilang SR. Isa na rito ang kanyang kakayahan sa pamamahayag, ngunit hindi lamang umano dito nakukulong ang kakayahan ni Lozano, dahil nagawa rin umano ni Lozano na mag-organisa para sa Rise for Education UP Mindanao.
[As of 10:34 p.m.]
Ayon naman sa UPLB USC: “Kagaya po sa kung paanong ilang beses kaming hinaharang sa aming pagpunta sa mobilisasyon ng SONA, hindi rin kami magpapatinag sa pagsusulong kay Dylen para maging SR.” Pagpapatibay ni UPLB USC Chairperson Zeadric Roxas na nakatrabaho mismo siya ni Solomo at nakita ang masikhay na pagtatrabaho nito kasama sa Rise for Education UPLB.
[As of 10:36 p.m.]
“Simple lang po ang sagot natin, ang UPOU USC ay hinding-hindi papayag na hindi magiging rehente si Mariton,” saad ng UPOU USC. Ayon sa kanila, napatunayan ni Manalili na kayang-kaya nilang magmobalisa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa bilang e-skolar ng bayan.
[As of 10:39 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPD SCWCSC para sa 10 minutong caucus, na sinegundahan atinaprubahan agad ng lupon. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 10:50 p.m.

[As of 10:50 p.m.]
Muli nang nagpatuloy ang deliberasyon para sa pagpili ng pagkakasunod-sunod ng tatlong nominado para sa rehente ng mga mag-aaral ng UP.
[As of 10:50 p.m.]
Naghain ng mosyon ang UPOU USC na magkaroon muli ng karagdang 10 minutong unmoderated caucus.
[As of 10:51 p.m.]
Tinutulan naman ng UPMin USC ang mosyon sapagkat nais nilang buksan na ang diskusyon sa plenaryo upang hindi na lumalim pa ang gabi bago makapili ng pinal na SR. Aprubado na ang mosyon.

[As of 10:52 p.m.]
Naghain naman ang UPB USC ng mosyon upang mapakinggan ang kasalukuyang order ng mga nominado sa bawat CU.
[As of 10:56 p.m.]
Katulad ng naunang mosyon, humihingi rin ng ideya ang UPD USC sa ibang konseho hinggil sa kanilang minamataang pagkakasunod-sunod ng Top 3 SR Nominees.
[As of 10:57 p.m.]
Humiling ang UPV USC ng manipestasyon mula sa ibang CU.
[As of 10:58 p.m]
Kinilala ng UPTac SC ang dedikasyon ng tatlong nominado na makapagsilbi sa 65,000 na iskolar ng bayan dahilan upang mmay kahirapan para sa kanila na timbangin kung sino ang mas makapagdadala ng mga isyu.
[As of 10:58 p.m]
Kasalukuyang wala pa ring natutukoy na rehente ang UPC USC.
[As of 10:59 p.m.]
Ayon sa UPM, nananatiling si Manalili ang kanilang first nominee, second nominee naman si Lozano, at third nominee naman si Solomo.
[As of 10:59 p.m.]
Samantala, para naman sa UPLB USC, ang Top 3 Nominees nila ay ang mga sumusunod: Solomo bilang first nominee, Lozano bilang second nominee, at Manalili bilang third nominee.
[As of 11:02 p.m.]
Nagpahayag din ng manipestasyon ang UPMin USC. Kanilang ifino-forward ang naging resulta ng kanilang naging caucus. Ang kanilang third nominee ay si Solomo ng UPLB, ang second nominee ay si Manalili ng UPOU, at si Lozano ng UPMin.
[As of 11:05 p.m.]
Naghain naman ng mosyon ang UPV USC na magkaroon muli ng limang minutong caucus para mapinal na ang desiyon ng mga konseho tungkol sa kanilang rankings.
[As of 10:05 p.m.]
Aprubado na ang mosyon. Magpapatuloy ang sesyon sa ganap na 11:00 p.m.

[As of 11:10 p.m.]
Magpapatuloy na ang sesyon. Maghahain na muli ang mga konseho ng kanilang Top 3 rankings.
[As of 11:10 p.m.]
Samantala, pinalawig muli ang caucus ng 10 minuto. Aprubado na ang panibagong mosyon. Magpapatuloy ang sesyon mamayang 11:20 p.m.

[As of 11:24 p.m.]
Naghatid ng manipestasyon ang UPLB CHE SC upang suportahan muli si Solomo. Ayon sa kaniya, mahalaga na kilalanin ang tuloy-tuloy na laban niya sa mas inklusibong edukasyon para sa lahat. Kasama rin dito ang pagtutol sa komersyalisayon. “Malinaw pa rin ang tindig ng UPLB CHE SC at ng buong delegasyon ng UPLB na higit na kinakailangan ang isang Dylen Solomo sa buong UP System,” saad nila.
[As of 11:26 p.m.]
Ayon naman sa UPD ECON SC, nagbigay sila ng maikling manipestasyon para kay UPOU Nominee Manalili dahil noong Hulyo 8 sacnangyaring demolisyon sa Pook Malantik ay agarang pumunta at tumugon bilang isang paralegal.
[As of 11:28 p.m.]
Ayon naman sa UPB USC, naging batayan nila ang naging karanasan, conviction, organizing capacity, at plano ng mga nominado para sa Unibersidad. Narito ang kanilang ranking: UPLB SR Nominee Solomo bilang third nominee, UPMin SR Nominee Lozano bilang second nominee, at UPOU SR Nominee Manalili bilang first nominee.
[As of 11:31 p.m.]
Naniniwala ang UPMin SC na kayang-kaya ring bitbitin ng kanilang SR Nominee na si Lozano ang mga naunang nabanggit na manipesasyon ng ibang konseho para kay Manalili. Kabilang rito ang laban para sa academic freedom, budget cuts, panawagan sa anti-komersyalisasyon, at higit sa lahat, pagpapanagot sa mga ahensiya ng gobyerno.
[As of 11:33 p.m.]
Isang mosyon ang inihain ng UPV USC upang magkaroon ng 5 minutong unmoderated caucus para muling pag-usapan ang mga ranking. Aprubado na ang mosyon. Magpapatuloy ang sesyon mamayang 11:38 p.m.

[As of 11:38 p.m.]
Magpapatuloy na ang sesyon. Muling gugulong ang deliberasyon para sa pagpili ng susunod na UP Student Regent.
[As of 11:39 p.m.]
Muli nang nagbalik ang sesyon.

[As of 11:40 p.m.]
Ibinahagi ng UPOU USC na mayroon na silang pinal na listahan ng mga nominado. Nananatili ang paninindigan nila para kay SR Nominee Manailili para sa susunod na rehente, habang si Lozano para sa second nominee, at Solomo para sa third nominee.
[As of 11:43 p.m.]
Ayon naman sa UPM USC, katulad ni Manalili na “unwavering” ang tindig sa pagsulong sa karapatan ng sangkaestudyantehan, “unwavering” din ang konseho sa pagsulong kay Manalili bilang kanilang first nominee. Habang nananatili pa ring si Lozano ang second nominee at Solomo naman para sa third nominee.
[As of 11:45 p.m.]
Sa pahayag naman ng UPM SHS Tarlac SC, nananatili pa rin ang kanilang tindig para sa mga nominadong rehente: Manalili bilang first nominee, Lozano para sa second nominee, at Solomo bilang third nominee.
[As of 11:47 p.m]
Giit naman ng UPLB USC, walang pagbabago sa Top 3 ng konseho para sa susunod na rehente, kung saan si Solomo ang kanilang first nominee, Lozano para sa second nominee, at Manalili bilang third nominee.
[As of 11:49 p.m.]
Pagpapatibay naman ng UPMin USC, si Lozano pa rin ang kanilang first nominee para sa susunod na rehente. Nanatili rin ang kanilang second at third nominee na sina Manalili at Solomo, ayon sa pagkakasunod.
[As of 11:52 p.m.]
Ayon naman sa UPC USC, si Lozano ang una nilang nominee, si Manalili para sa second nominee, at si Solomo naman bilang third nominee.
[As of 11:54 p.m.]
Giit naman ng UPTac SC, mula sa iba’t ibang caucus, nagkaroon na sila ng pinal na ranking: Solomo para sa third nominee, Lozano bilang second nominee, at Manalili ang kanilang 1st nominee.
[As of 11:55 p.m.]
Bahagi ng UPOU USC, tangan ni Manalili ang mga karanasan sa pagpapatakbo ng OSR. Anila pa, ipinagtibay ng konseho ang kapasidad ng kanilang unang nominee na magsilbing representante sa BOR dahil papasok si Manalili na may malay sa responsibilidad ng pagiging isang rehente.
[As of 11:59 p.m.]
Ayon sa UPV USC, matagal-tagal ang kanilang naging pakikipag-usap sa mga konsehong nasa ilalim ng kanilang CU, kaya matapos ang mahaba at mas malalim na deliberasyon, nakausap nila ang UPLB at napagkasunduan na isusulong nila si UPLB SR Nominee Solomo bilang first nominee upang maisulong ang genuine at inclusive na edukasyon para sa mga mag-aaral ng UP System. Si UPOU SR Nominee Manalili naman ang second nominee habang third nominee naman si UPMin SR Nominee Lozano.
[As of 12:02 a.m.]
Pagpapahayag naman ng UPD USC, tunay na mabigat at mahirap ang proseso sa pagpili ng Top 3 para sa susunod na rehente. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring napipili ang konseho para sa magiging first nominee.
[As of 12:04 a.m.]
Nagbigay-suporta naman ang UPM SHS Koro kay UPOU SR Nominee Manalili dahil siya lamang ang numero unong lumubog sa SHS campuses sa bansa. Dahil dito, si Manalili ang unang nominee ng konseho, Lozano naman para sa ikalawang nominee, at Solomo bilang ikatlong nominee.
[As of 12:05 a.m.]
Nagbahagi ng manipestasyon ang UPOU USC para sa nominado nilang si Manalili dahil siya raw ay isang mahusay na lider-estudyante at may kahusayan sa pagpapanday ng mga susunod na lider-estudyante. Anila, si Manalili rin ang tunay na boses ng mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng bansa habang patuloy na nangangampanya laban sa imperyalismo, pasismo, at burukrata-kapitalismo.
[As of 12:07 a.m.]
Isang energizer ang isinagawa upang buhayin ang diwa ng mga konseho bago magpatuloy sa deliberasyon.
[As of 12:17 a.m.]
Naghatid naman ng point of inquiry ang UPB USC, at tinanong ang UPLB USC kung ano ang kanilang naging rason para maging ikatlong nominado si Manalili.
[As of 12:17 a.m.]
Sinagot ni UPLB USC Chiarperson Zeadric Roxas ang POI ng UPB USC. Wala rin naman umanong hesitasyon ang konseho ng UPLB kay Manalili. Sa kabila nito, sadyang higit lamang na matimbang para sa kanila hindi lamang ang kanilang sariling nominado pati na rin ang mga kampanyang tangan nito. Ayon pa sa kaniya, sa katunayan, bago sila lumipad patungong Mindanao, malaki ang inaasahan ng mga batayang sektor ng rehiyon ng Timog Katagalugan kay Solomo.

[As of 12:20 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPV USC ng limang minutong unmoderated caucus, na sinegundahan at inaprubahan ng lupon. Magbabalk ang sesyon sa ganap na 12:25 a.m.

[As of 12:25 a.m.]
Kasabay ng paggulong muli ng sesyon, isang mosyon ang inihain ng UPMin CHSSSC upang palawigin ng limang minuto ang caucus. Aprubado na ang mosyon at umaasa ang lupon na makapaglalahad na ng Top 3 rankings ang mga konseho pagkatapos ng diskusyon.
[As of 12:33 a.m.]
Muling pinagtitibay ng UPB USC sa kanilang inisyal na Top 3 para sa mga nominadong rehente, kabilang si Manalili para sa unang nominee, Lozano bilang ikalawang nominee, at Solomo sa ikatlong nominee.
[As of 12:35 a.m.]
Nagpahayag naman ang UPOU USC ng paninindigan para kay Manalili bilang kanilang unang nominado sa pagkakarehente. Anila, palaging handa si Manalili sa bawat pagkakataon na lumaban at sinisiguro niya na hindi basta-basta isasawalang bahala lamang ang mga panawagan ng sangkaestudyantehan.
[As of 12:38 a.m.]
Nagbahagi na ang UPD USC ng kanilang Top 3 para sa susunod na rehente: Manalili para sa unang nominado, Lozano para sa ikalawang nominado, at Solomo bilang ikatlong nominado. Anila, ang tunay na Student Regent ay kayang bitbitin ang panagawan mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
[As of 12:40 a.m.]
Naghatid ng paninindigan ang UPLB CAFS SC para kay Solomo na patuloy umanong nakikibaka laban sa imperyalismong IRRI.
[As of 12:42 a.m.]
Nananatili pa rin ang Top 3 ng UPLB USC sa pagpili ng susunod na rehente: Solomo bilang unang nominado, Lozano para sa ikalawang nominado, at Manalili sa ikatlong nominado.
[As of 12:43 a.m.]
Nagpahayag na ang UPD DEPPO SC na kanilang Top 3 na nominadong rehente: Manalili para sa unang nominado, Lozano bilang ikalawang nominado, at Solomo para sa ikatlong nominado.
[As of 12:45 a.m.]
Ayon naman sa UPMin USC, wala pa ring pagbabago sa inisyal nilang mga napili: Lozano para sa unang nominado, Manalili sa ikalawang nominado, at Solomo bilang ikatlong nominado.
[As of 12:46 a.m.]
Paninindigan naman ang ipinaabot ng UPTac SC para kay Manalili bilang una nitong nominado para sa susunod na rehente. Anila, wala talagang maiiwanan sa bawat krisis na nararanasan ng UPTac kapag si Manalili umano ang kasama. Samantala, si Lozano ang ikalawang nominado at Solomo para sa ikatlong nominado.
[As of 12:47 a.m]
Naghatid na rin ng kanilang Top 3 para sa susunod na rehente ang UPC USC: Lozano para sa unang nominado, Manalili bilang ikalawang nominado, at Solomo sa ikatlong nominado.
[As of 12:48 a.m.]
Nanan atili pa rin ang Top 3 ng UPM USC sa mga nominadong rehente: Manalili para sa unang nominado, Lozano sa ikalawang nominado, at Solomo bilang ikatlong nominado.
[As of 12:49 a.m.]
Walang pagbabago ang desisyon ng UPV USC sa napili nilang mga nominadong rehente: Solomo sa unang nominado, Manalili para sa ikalawang nominado, at Lozano bilang ikatlong nominado. Samantala, inihayag din nila na nagkakaroon pa rin ng mga diskusyon ang kanilang konseho hinggil dito.
[As of 12:50 a.m.]
Nagbigay naman ng point of inquiry ang UPC USC at tinanong ang UPD USC kung mayroon ba silang reservations para kay UPMin SR Nominee Lozano.
[As of 12:51 a.m.]
Sinagot ng UPD USC ang POI ng UPC USC at iginiit na wala sila umanong reservations para kay Lozano. Gayunpaman, matagal nang kasama ni Manalili ang UPD kaya mas mataas ang tiwala at kumpyansa umano ng konseho.
[As of 12:52 a.m.]
Iginiit ng UPMin USC na naiintindihan nila ang kasagutan ng UPD USC. Subalit, nanindigan ang konsehong kaya rin ni Lozano ang mga nagawa ni Manalili sa UPD.
[As of 12:54 a.m.]
Patuloy pa rin ang paninindigan ng UPB USC para kay UPOU SR Nominee Manalili at nagpahayag na napakahalaga magkaroon ng representante sa UPOU para sa mga maliliit na Constituent Units sa buong UP System.
[As of 12:56 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPV USC para sa limang minutong unmoderated caucus, na sinegundahan at inaprubahan ng lupon. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 1:01 a.m.

[As of 1:03 a.m.]
Muli nang nagbalik ang sesyon matapos ang limang minutong unmoderated caucus.

[As of 1:03 a.m.]
Muling iginiit ng UPOU USC ang kanilang buong suporta kay Manalili bilang kanilang unang nominado sa pagkarehente ng mga mag-aaral ng UP System. Ipinatampok nila muli ang mga katangian ni Manalili na kanilang naging batayan para sa kanilang pagpapasya.
[As of 1:08 a.m.]
Mga developments ang inihain ng UPV USC sa kanilang ranking: Manalili bilang first nominee, Solomo para sa second nominee, at Lozano para sa third nominee.
[As of 1:08 a.m.]
Ayon sa UPD USC, buhat ng manipestasyon ng UPV USC at bilang karamihan na rin ng mga konseho ay isinusulong ang parehong first nominee, pormal na nilang isinusulong si Manalili bilang ika-43 UP Student Regent. Ikalawang nominee naman si Solomo mula sa UPLB at ikatlong nominee naman si Lozano.
[As of 1:09 a.m.]
Tinutulan ng UP Min USC ang UPD USC ang mosyon dahil pumapangalawa pa rin hanggang ngayon ang kanilang SR Nominee na si AJ Lozano. Aniya, hindi titigil ang pagsulong kay Lozano hangga’t hindi nahahamig ang mga konseho na tanggapin ang kanilang SR Nominee.
[As of 1:11 a.m.]
Naninindigan din ang UPC USC na hindi nararapat na ikalawang posisyon si SR Nominee Lozano dahil sa kaniyang kampanya para sa pagmobilisa ng mga pahayagan, pasilidad para sa mga sports, at ang kabuuan niyang laban sa multisektoral at anti-imperyalismong kampanya. Naniniwala siya na mapupunan ni Lozano ang agwat sa pagitan ng kaniyang kakayahan at pagiging mahusay ng lider-estudyante.
[As of 1:13 a.m.]
Tinutulan ng konseho ng UPTac ang naunang dalawang manipestasyon. Anila, si SR Nominee Manalili ang lumubog sa kanilang CU upang psimulan ang townhall consultation kasama ang admin upang mabigyan ng matinong hakbang upang itaguyod ang pro-student at makamasang institusyon.
[As of 1:14 a.m.]
Umapela ang UPLB CDC SC sa lahat ng mga konseho na muling ipasok si Solomo sa opsyon para itanghal na first nominee ng 43rd Student Regent. Ayon kay Ivan Combate, CDC SC chairperson, sa lahat ng oras ay nanroon si Solomo kung saan sya pinakakailangan. Naninindgdigan ang konseho na siya ang nararapat na maging sunod na SR dahil ang kaniyang kasaysayan ng pagkilos ay sapat upang bitbitin ang mga kampanya ng UP System.
[As of 1:18 a.m.]
Nagpahayag naman ang UPM USC ng isa muling manipestasyon. Ayon sa kanila, hindi naman sa pagmamadali ngunit litaw na litaw na umano ang isang consensus. Ayon sa kanila, wala namang pagdududa sa kakayahan ng tatlong nominado, ngunit sa ngalan ng consensus, isinusulong na nila si Manalili bilang ika-43 rehente ng mga mag-aaral.
[As of 1:19 a.m.]
Binigyang-pagpupugay ng UPB USC ang manipestasyon ng UPM USC na hindi kakayahan at kagalingan ang napaghihiwalay sa pagitan ng mga nominado bagkus malinaw na ngayon na mas nangingibabaw si Manalili bilang Top 1 habang ang kailangan na lamang talakayin ay ang ikalawa at ikatlong nominee.
[As of 1:21 a.m.]
Pagsegunda naman ang inilahad ng UPOU USC. Ayon sa kanila, maninindigan naman si Manalili para sa lahat ng CUs, nagpahayag siya ng manipestasyon na isulong na si Manalili bilang SR.
[As of 1:22 a.m.]
Nanawagan ang UPD USC sa mga konseho na sumuhay na sa mga nauna nang manipestasyon. Ayon sa kanila, hayag na hayag na ang consensus, at habang lumalalim ang gabi ay mas lalo lamang umiigting ang nabubuong pagkakasundo ng mga konseho. Anila pa, panahon na para magkaroon ng kauna-unahang rehente mula sa UPOU.
[As of 1:25 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPC USC na magkaroon ng unmoderated caucus sa loob ng 10-minuto upang makapagdiskusyunan pa ng mga konseho ang kanilang paraan upang tuluyang mabuo ang consensus para sa pagkakasunod-sunod ng tatlong SR nominees.

[As of 1:35 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPC USC ng 5-minuto na caucus upang isapinal na ng mga konseho ang itatalagang ika-43 Student Regent. Magbabalik ang sesyon ng 1:40 a.m.
[As of 1:40 a.m.]
Magpapatuloy na muli ang sesyon.

[As of 1:41 a.m.]
Nagbahagi ng panibagong rankings ang UPC USC para sa susunod na rehente: unang nominado na si Manalili, Lozano para sa ikalawang nominado, at Solomo bilang ikatlong nominado.
[As of 1:42 a.m.]
Tinutulan ng UPLB CAFS SC ang mosyon. Ayon sa kanila, hindi magpapatinag ang UPLB. Bagama’t kinikilala ang kakayahan ng mga konseho na magsagawa ng consensus at mga diskusyon, nakikita pa rin nila si Solomo bilang susunod na SR.
[As of 1:43 a,m,]
Kaugnay nito, isang mosyon muli ang inihain ng UPLB CAFS SC na magkaroon muli ng 5 minutong unmoderated caucus para makapagdeliberasyon muli ang kanilang CU.
[As of 1:44 a.m.]
Naglatag ang UPOU USC ng mosyon na magkaroon pang muli ng 5-minutong unmoderated caucus para sa deliberasyon ng mga CU.
[As of 1:51 a.m.]
Ayon sa UPV USC, nakikita nilang unti-unti nang nagkakaisa na ang mga konseho sa desiyon. Nais nilang maluklok si Manalili bilang ika-43 na SR. Si Lozano naman ang second nominee habang si Solomo naman ang third nominee.
[As of 1:55 a.m.]
Naninindigan ang UPLB CAS SC sa kakayahan ng kanilang SR Nominee na si Solomo ngunit buong-pusong tinatanggap ng konseho ang kapasyahan ng bulwagan. Sa kabila nito, mananatili ang suporta ng UPLB sa susunod na bagong rehente. Aniya pa, kasalukuyang humaharap ang Timog Katagalugan sa iba’t ibang anyo ng pamamasismo mula sa estado. Magbabalik si Solomo sa mga agrabyadong komunidad upang ipagpatuloy ang laban ng Timog Katagalugan. Kaya naman, nag-iwan ng hamon ang konseho sa susunod na rehente na sana hindi lamang kampanya ng UP System ang bitbitin bagkus tanganin pati na rin ang mga nakikibakang sambayanan.

[As of 1:59 a.m.]
Hindi nagpatinag ang UPMin USC na isulong muli bilang first nominee ang kanilang nominado na si Lozano. Hinamig pa ng konseho na tanggapin ng bulwagan ang mosyon dahil ang kanilang nominado ay magsisilbing panibagong henerasyon ng mga aktibista ng UPMin. Anila, bubuklurin ni Lozano ang iba’t ibang batayan sektor kasama ang sangkaestudyantehan.
[As of 2:03 a.m.]
Nanindigan pa rin ang UPM USC na si Manalili ang nararapat na maging 43rd UP Student Regent. Naniniwala umano sila, katuwang ang iba pang konseho sa taglay na kapasidad niya upang maging susunod na SR at maging tunay na kinatawan ng sangkaestudyantehan ng UP System. Sa karanasan ni Manalili bilang lider-estudyane, pinatunayan niya hindi lamang sa salita, hindi lamang sa mga konsultasyon, kundi sa pagma-materialize ng mga panawagan at pangangailangan ng mga mag-aaral.
[As of 2:06 a.m.]
Ayon sa UPOU USC, napatunayan na ang tiwala ng mga konseho sa iba’t ibang CU kay Manalili ngayong gabi. Kaya naman malinaw na rin ang consensus na nabuo na bunga ng paulit-ulit na pakikinig at pakikipagtulungan ni Manalili sa iba’t ibang institusyon at sektor sa UP System. Kaya naman, naghain sila ng mosyon na iluklok na si Manalili bilang ika-43 UP Student Regent.
[As of 2:10 a.m.]
Ayon naman sa UPV USC, marahil ay kailangan munang magkaroon ng caucus ang mga CU upang mapinal na ang concencus. Limang minuto lamang ang inilaan para dito kaya magpapatuloy ang sesyon mamyang 2:15 a.m.

[As of 2:15 a.m.]
Gumugulong na muli ang sesyon upang italaga na ang susunod na ika-43 rehente ng mga mag-aaral ng UP.
[As of 2:19 a.m.]
Muling naghain ng mosyon para sa tatlong minutong unmoderated caucus, na sinegundahan at inaprubahan ng lupon. Magbabalik ang sesyon sa ganap na 2:22 a.m.

[As of 2:22 a.m.]
Ayon sa UPLB USC, pinagpupugayan nila ang lahat ng konsehong nasa UP Mindanao ngayong gabi. Upang matulungan umano ang iba pang konseho na mapagkasunduan na ang magiging pinal na desisyon ngayong gabi, ibinahagi na nila ang kanilang final ranking sa diwa ng consensus building: Si Solomo ang kanilang third nominee, si Lozano ang kanilang second nominee, at si Manalili ang kanilang isinusulong na susunod na SR.
[As of 2:25 a.m.]
Ayon sa UPMin USC, mahal na mahal ng mga konseho ng UPMin si Lozano. Hindi man si Lozano ang magiging rehente, patuloy umanong lalaban si Lozano kasama ng sangkaestudyantehan kontra sa pamamasista ng estado sa sangkaestudyantehan at sa iba pang batayang sektor.
[As of 2:30 a.m.]
Buhat ng desisyong ginawa ng mga konseho ng UPMin, inihayag na rin nila ang kanilang pinal na ranking: UPLB SR Nominee Solomo para sa ikatlong nominado, UPMin SR Nominee Lozano bilang ikalawang nominado, at UPOU SR Nominee bilang ika-43 UP Student Regent.
[As of 2:31 a.m.]
Aprubado na ang pinal na desisyon. Si Angel Mariton Manalili na ang itinanghal na 43rd UP Student Regent.

Samantala, itinalaga na rin sina AJ Lozano ng UP Mindanao bilang second nominee habang third nominee naman si Dylen Solomo mula sa UPLB.

Nagbahagi ng mensahe sina Manalili ng UPOU, Lozano ng UPMin, at Solomo ng UPLB.
- Iginiit ni Solomo na patuloy niyang ipaglababan ang kampanyang masa upang paigtingin ang laban ng Timog Katagalugan
- Bahagi naman ni Lozano na sa nagdaang linggo na nakasama niya ang iba pang delegado, marami siyang natutuhan at natuklasan sa kasalukuyang kalagayan ng Southern Mindanao Region na sa kabila na samu’t saring pasismo ng estado ay patuloy pa rin silang tumitindig at nagpapalawak ng hanay.
- Sa bagong itinalagang 43rd Student Regent ng UP System, ibinahagi ni Manalili na ang SR ay isa sa mga pinamabigat na tinatangang responsibilidad sa UP System. Pinagpugayan din niya ang mga delegado mula UPOU dahil alam nila umano ang bigat ng labang bitbit ng sangkaestudyantehan ng pamantasan. Nanindigan siyang ang tiwalang nakuha niya at tiwala mula sa sambayanang Pilipino.
[As of 3:05 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPOU USC na magpatuloy sa susunod na agenda para sa huling araw ng 61st General Assembly of Student Councils (GASC), na sinegundahan at inaprubahan ng lupon.
[As of 3:06 a.m.]
Umaawit na ng UP Naming Mahal ang lahat ng mga konseho bilang paglalagom sa ika-61 na General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao.
[As of 3:11 a.m.]
Naghain ng mosyon ang UPMin USC na pormal nang isara ang sesyon para sa huling araw ng 61st General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Mindanao, na sinegundahan at inaprubahan ng lupon.

MULA SA UP LOS BAÑOS, NARITO ANG TANGLAW TEAM NA NASA LIKOD NG LIVE COVERAGE PARA SA HULING ARAW NG #GASC61:
Leonard Magadia, Freesia Grande, Luke Cerdenia, Airon Villanueva, Reign Aoalin, Maegan Grace Guevarra, Marcia Luija Astronomo, Emman Andrei Pelobello, Wred Marual




You must be logged in to post a comment.